Chapter 6

2 0 0
                                    

PINATAWAG si Rendon ni Sir Benedict kaya naiwan si Bernard sa kwarto nila. Tahimik lang siyang umiinom ng gatas. Nag click ang pinto at pumasok si Primo.
"Naiwan mo mga damit mo."
Kinuha niya ang mga damit niya at inilagay sa kama.
Naisip na niyang isagawa ang plano niya.
"Paki check nga iyong CR. Hindi ako makaligo. Sira yata ang shower."
"Check ko nga."
Napangisi siya nang pumasok si Primo sa CR. Agad siyang sumunod papasok. Ito ang tanging lugar sa kwarto na walang CCTV.
"Paanong sira ito?" Sinuri na nga ito ni Primo. Ni lock niya ang pinto at nagulat na napatingin sa kanya si Primo.
Nagsimula na siyang maghubad ng t-shirt at boxer. Hubo't hubad siyang tumambad dito at nilapitan ito.
"Bernard...."
"Alam mo ba na wala akong karanasan sa bakla. Ayaw kong hindi karapat dapat ang makauna sa akin. Gusto kong ikaw ang makauna sa akin. Kaya Ngayon iyong iyo na ako."
Kinuha niya ang kamay nito at nilagay sa dibdib niya pababa sa tiyan hanggang sa pagitan ng kanyang hita.
"Mamamatay tayo kapag ginawa natin ito."
"Hindi nila malalaman kung hindi mo sasabihin."
"Hindi mo kailangan gawin ito. Hindi ka kikita sa akin!"
"Alam ko pero iba ang ipangbabayad mo. Hindi pera."
"Ano?"
"Kooperasyon mo."
"Ano ibig mong sabihin?"
"Kailangan namin ng tulong mo para makatakas kami ng buhay."
Nagulantang na napalayo sa kanya si Primo.
"Imposible yan! Nasa isla tayo at malayo sa Siyudad. Dito na tayo mamamatay. Kahit bayaran mo ako ng katawan mo, hindi ko kaya ang ipapagawa mo. Matutulad ka lang kay Alvin. Ayaw ko nang may mamatay na Hombre. Ayaw ko na!" Naiiyak sa sigaw ni Primo at hinawi siya nito para makalabas.
Natulala siya at nangamba. Mukhang may nasaling siyang sensitibong bahagi nito.
Pero hindi siya titigil. Alam niyang malaki ang maitutulong ni Primo sa kanila.

"ANO? Humingi ka ng tulong kay Primo. Baka isumbong niya tayo kay Sir Benedict." Nangambang reaksyon ni Rendon.
"Huwag sana. Pero kung nagsumbong siya sana ginulpi na tayo ngayon."
"May booking ako bukas." Malungkot na sabi ni Rendon.
"Kaya ka ba pinatawag ni Benedict?"
Tumango si Rendon.
"Another VVIP guest. Ako ang kulelat pero ako ang pinili. Alam kong hindi na bago sa akin ito pero kinakabahan pa rin ako."
"Kayanin mo, Rendon. Umasa ka na makakaalis rin tayo dito."
Matipid na ngiting reaksyon ni Rendon.
"Hindi ako makapaniwala na tinanggihan ka ni Primo. At mas lalong di ako makapaniwala na inalok mo ang sarili mo."
Napailing siya.
"First time ko ginawa iyon at nakakahiya. Hindi naman ako na offend na tinanggihan niya ako. Nagtataka lang ako sa pagiging sensitive niya. At batid ko na concern siya sa atin."
"Trabaho ni Primo na maging maayos tayo physically. Mabait siya sa mabait pero hawak pa rin siya ng sindikato. Katulad natin na alipin na ng lugar na ito. Pero kung papanig siya sa atin. Malaki ang maitutulong niya dahil alam niya ang lahat ng pasikot sikot dito."
"Tama, hindi ko siya titigilan hangga't hindi natin niya nagiging kakampi. At alam ko na hindi niya rin tayo ipapahamak. Ako na ang bahala kay Primo."

PRIMO POV

Habang nag-aayos ng mga damit sa Wardrobe area si Primo ay hindi niya maiwasan na maalala ang eksena nila ni Bernard sa CR.
Kung paano nito ibenta ang sarili nito sa kanya. Ang ganoong tapang, anyo at pag -iisip. Hindi niya maiwasang maalala ang taong iyon na pinipilit niyang kalimutan.
Si Alvin.

2015
Pangatlong taon noon ni Primo sa Absalom Paradise. Pinalitan niya ang Tito Oscar niya na namatay sa lung cancer. Hindi na ito nakapag asawa. Kinuha siya nito at pinag aral. Ngunit magko college pa lang ay nagkasakit ito at siya ang pinaalaga. Nang mamatay ito ay binilin siya kay Don Anastacio at doon na nga pinasok sa Absalom Paradise. Siya na nga ang pumalit sa trabaho ng Tito niya. Sa Casa doon niya nakita ang taong nagpatibok sa puso niya.
Ang noo'y bankable at pinakaguwapo sa Absalom Paradise.
Si Alvin Espiritu.
Mabait ito sa kanya. Palakaibigan. At kapag may malaki itong kita ay inaambunan siya nito. Naging paborito niya ito. Ngunit isang araw niyaya siya nito na mag sex sila habang nasa siyudad ang mga boss. Ikinagalak niya iyon dahil matagal na niyang gusto si Alvin. Nagkaroon sila ng relasyon. Tumagal iyon ng halos kalahating taon. Si Alvin ang naging kaligayahan ng buhay niya. Tanggap niya na sitwasyon nito. Hindi naman importante kung hindi niya kasing yaman ang mga customer nito basta siya ang piniling makarelasyon.
Hanggang isang araw ay may hiniling sa kanya si Alvin. Matapos nila noon magniig sa CR ng kuwarto nito ay doon na niya nalaman ang plano nito.
"Delikado iyang naiisip mo, Alvin. Nakapalibot ang private army ni Don Anastacio sa Isla at sa Mansyon. Mas nauna ka sa akin dito at alam mo na marami nang namatay na Hombre nang magtangka silang tumakas.
"Alam ko. Dahil wala silang plano at kakampi. Napapagod na ako na paulit ulit na mababoy sa Lugar na ito. Para saan pa ang mga pinaghirapan ko dito kung hindi ko magagamit. Oo, binibigay nila ang gusto ko pero hindi ako malaya. Please, tulungan mo ako. Primo."
"Hindi ko kaya, Alvin. I am sorry. Natatakot ako."
"Kung ayaw mo. Mabuti pang tapusin na natin ang relasyon natin. Aalis ako dito kahit hindi mo ako tulungan."
Nag break sila. At tuluyan nang hindi nag imikan. Hanggang sa lumipas ang tatlong buwan. Hindi na niya ito nakita sa kuwarto nito minsang hatiran niya ito ng damit. Hanggang sa nag alarm ang paligid. Hudyat na may tumakas na hombre. Dali dali siyang lumabas at habang patungo sa labas ng mansyon ay nakarinig siya ng putok ng baril. Sunod sunod. Nang sundan niya iyon at nakita iyang tadtad na bala at duguan si Alvin. Nagimbal siya lalo na nang nakatitig ang mga mata nito sa kanya. Dilat ang mga matang pumanaw. Hinila ang bangkay nito at kasama siya sa naglibing dito sa bakanteng lupa ng isla. Doong nilibing ang mga patay na hombre at mga tauhan nila nagtatangkang umalis ng isla.
"Akala niya makakatakas siya. Kahit na nakapuslit siya ng baril. Hindi niya tayo kaya!" Sabi pa ni Raul. Ang pinuno ng private army na nakabantay sa labas ng Mansion.

KAHIT walong taon na ang nakalipas ay parang kahapon lang ang lahat kay Primo.
Wala man lang siyang nagawa sa nais na kalayaan ni Alvin. Alam niyang pinatulan lang siya nito para makalaya. Natakot siya. At hanggang ngayon naroon pa rin ang takot. At ngayon may katulad ni Alvin na nagnanais ng kalayaan. Handang ibigay ang lahat para makatakas sa impyernong lugar na ito. Dahil kay Bernard naalala niya ang lahat. At ngayon pupunta siya para ibigay ang mga supply ng mga damit nila ni Rendon ay may kaba at hiya na siya. Nang pumasok na siya sa kuwarto nito ay naabutan niya itong nakaupo sa kama. Tulog naman si Rendon. Nagbangga ang paningin nila.
"Eto ang gagamitin niyong damit na lang isang linggo. Mamaya papaayos ko na rin ang shower."
"Bakit mo ipapaayos eh hindi naman sira?"
"Na report ko na may sira. Kita sa CCTV na pumasok ako at ano ang rason ko bakit ako pumasok. Kailangan may rason ang lahat ng galaw kapag nandito ka. Maraming mata."
"I am sorry. Alam kong malalagay ka sa alanganin sa gusto ko. Pero umaasa pa rin ako na makakaalis kami dito."
"Wala akong magagawa pasensya na. Pero sana huwag mo nang balakin. Ayaw ko nang may mamatay."
"Sino ba si Alvin?" Interesadong tanong ni Bernard.
"Huwag mo nang alamin. Magandang wala ka nang alam. Gaya ng wala akong alam sa gusto mong gawin. Alam ko na hindi niyo deserve na nandito kayo pero wala akong magawa. Alila lang ako dito. Sorry, hindi kita matutulungan maliban sa akin pananahimik."
Umalis na siya na pigil ang pag-iyak.

MAY LUNGKOT sa labi ang pagngiti ni Bernard. Inilagay na niya sa kabinet ang damit nila ni Rendon. Mukhang wala na siyang mapapala kay Primo kahit na kapalit ang sarili niya. Mainam na lang na Wala itong balak na magsumbong.
"Calling the Attention of Rendon. Proceed to VVIP Room 9."
Gulat na nagkatinginan sila ni Rendon sa page na iyon. Kita niyang namutla si Rendon. Tumayo ito at malalim na huminga bago ito lumabas ng kuwarto nila. Napapikit siya at ginawa ang bihira niyang gawin.
Ang mapadasal.
"Kayo na Lord ang bahala kay Rendon. Alam ko sa lahat kayo po ang may kontrol. Sana hindi po siya mapahamak...."

VERY VERY IMPORTANT PERSON
ROOM 9.
Pumasok si Rendon. Dala ang matinding kaba sa tuwing sinasalang siya. Tila isang karneng alay sa wild tiger sa nasabing kuwarto. Nakita niya na nasa couch ang isang lalakeng na napakalaki ng bulto. Mas malaki pa sa kanya. Tanging tuwalyang nakatapis lang ang suot. Nakangiti ito sa kanya. Lumapit ito at giniya siya paloob ng kuwarto. Nagulat siya ng buong puwersa na binalibag siya ng lalake sa kama. Mabilis itong kumilos at piniringan siya nito.
" Ano'ng gagawin mo?!" Nagsimula na siyang matakot. Nanginig siya nang biglang kinuha nito ang kamay niya kapa niya na pinosasan siya nito.
"Huwag!"
Ngisi lang ang narinig niya. Hinubaran siya nito hanggang maubos nito ang saplot niya.
Napahiyaw siya sa sakit nang hilahin nito ang buhok niya.
"I will make you to the top. Just help me to reach the top!"
Nanginig siya sa takot at kilabot nang sinimulan na nitong hagurin ang leeg niya habang dumidiin ang sabunot nito. Hayok na hayok na parang papapakin siya ng buong buo. Diring diri siya sa laway nito na nagsisimula nang bumalot sa kanya. At ilang sandali lang ay nakaramdam siya ng hagupit sa tagiliran niya at napalahaw siya kasabay ng pagluha. Ang sakit at mas masakit na naririnig pa niya ang tawa nito.
Gusto niyang lumaban pero nakaposas siya.
Dios ko, ayaw ko pa po mamatay. Gusto ko pa makasama ang pamilya ko. Gusto ko pa matupad ang mga pangarap ko?
"Aahhh!!!"napasigaw siya sa sakit nang makadama siya ng paso sa gilid ng kanyang hita.
"Scream!!!!!"
Naiiyak siya na parang bata at naiinis siya na hindi siya makalaban. Hinang hina na siya sa sumunod pang pagmamaltrato sa kanya.  Habang nauubos na nga ang lakas niya sa sobrang sakit at pahirap sa kanya ay muli siya nitong hinagod ng halik mula sa noo sa labi pababa ng kanyang paa.
Sana matapos na ito ....Ayaw ko na....

NAALIMPUNGATAN si Bernard nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng kuwarto nila. Bumangon niya. Nanlumo siya nang makita na iniwan lang sa pintuan si Rendon. Hinang hina ito at bugbog sarado.
"Rendon!!!!" Dali dali niyang nilapitan ito dala sa dibdib ang labis na pag -aalala.
"Ano'ng nangyari sa iyo? Sino ang gumawa sa iyo nito?" Naiyak na nga siya sa awa. Buong lakas niya itong binuhat at inihiga sa kama. Nanlumo siya nang makita na may mga latay ito at paso.
"Rendon, ano'ng nangyari? Bakit may mga lahat at sugat ka?" Lalo pa siyang naiyak dahil wala siyang magawa sa sinapit ni Rendon.
"Aasahan ko na maitatakas mo ako dito, Bernard. Asahan ko iyan Bernard."
Naiyak niyang nayakap si Rendon. Pagluha at pagdamay na lang ang maiibigay niya dito.

Absalom Paradise Where stories live. Discover now