Chapter 14

1 0 0
                                    

NAPALINGON si Bernard sa padabog na pumasok. Si Sir Benedict. Napahiyak siya nang hinablot nito ang buhok niya palapit dito.
"Ano'ng ginagawa mo?"paasik na tanong nito.
"I'm doing the show!" Nakakalokong sabi niya kahit naiirita siyang hablot nito ang buhok niya.
"What's going on there?"
At sunod sunod na ngang naging maugong ang reaksyon ng mga viewers niya.
"Nagtatanong sila Sir Benedict?" He became more sarcastic.
"Sir Benedict? Bitiwan mo si Bernard. We're in the middle of the show."
Mata sa mata silang nagkatitigan ni Benedict. Hindi siya papatalo na hinaluan pa niya ng pang aasar na ngisi.
Now, the people is with me. Ano ka ngayon?!
Dumiin pa ang hawak ni Benedict sa buhok niya. Napaimpit lang siya.
"Nilalaro lang kayo ng batang ito!"
"Please, bitawan mo siya!" Mula iyon sa viewer.
"That makes a fourth wish!"
Sa sinabi niyang iyon ay lalo pang nilakasan ni Benedict ang paghila sa buhok niya. Humiyaw na siya sa sakit.
"See, niloloko lang kayo nito. Hindi kami nakikipaglokohan sa iyo."
Hanggang sa unti unti nang nawawala ang mga viewers. Napangisi siya. Unti unti nang nag log out ang lahat hanggang si Mino na nalang na admin ang naiwan. Kita niya na sa likuran ni Mino ay hinawi ito ni Don Anastacio. Galit na galit ang anyo nito.
"Bitawan mo siya Benedict at pumunta ka sa office ko ngayon din!"
"Pero kuya ang batang ito ginagago ang show...."
"Ikaw ang gumago at sumira sa show. Kita mo nawala na ang mga viewers. Talagang ipinakita mo sa kanila ang hindi magandang pagtrato mo sa mga Hombre. Ngayon pumunta ka sa opisina ko ngayon na!" Galit na singhal ni Don Anastacio. Marahas na binitawan siya ni Benedict at umalis ng Aquarium. Dumating si Primo para bigyan siya ng tuwalya at agad na nagtapis.
Binigyan niyo ako ng idea kung paano kayo wawasakin. Takot kayo mawalan ng mga kliyente na nagpapasok sa inyo ng pera. Sige, humanda kayo. Habang hindi pa kami nakakaisip kung paano lalabas dito. Kayo mismo ang pagsasabong sabungin ko. Ikaw ang magsisilbing dinamita ng lugar na ito Benedict. Lagi kitang sisindihan para sumabog ka! Magsisisi kayo na ako ang dinala niyo dito!

BUMALIK na si Bernard sa kwarto nila ni Rendon.
"Bernard!"
"Rendon!"
Nag-alalang niyakap nila ang isa't isa.
"Salamat. Salamat talaga, Bernard." Naiyak na sabi ni Rendon.
"Hindi ka nila makakanti. Makakalabas pa tayo."
"Mas nag-aalala ako sa ginawa nila sa iyo."
"Naghubad lang ako sa video. Mas mainam iyon kaysa patayin ka nila."
"Naghubad? Iyon lang ginawa mo?"
"Oo. Natigil lang ang show dahil pumasok bigla si Benedict. Ayun, nagalit sa kanya ang mga viewers ko."
Inilapag niya ang mga pera na bitbit niya mula sa Aquarium.
"Dami nito. Ito ang binigay nila sa iyo."
"Oo, anong silbi niyan dito?"
"Meron naman. Pwede kang mamili din dito ng pagkain , alahas at damit."
"Sa kanila rin pala mapupunta ang pera. Utak din niyan ni Don Anastacio. Itabi mo lang iyan. Hindi ko kailangan ng pera na iyan. Kailangan ko ang makalayas na rito. Bigyan mo lang ako ng sapat na panahon."
Matalim na tumingin siya sa CCTV. Sinadya niya hamunin ang mga nanood sa kanya. Matalim. Malalim. Mapang-asar na titig.
Itong mga mata itong ang unti unting papatay sa inyo!

ISANG malakas na suntok sa panga ang tinanggap ni Benedict mula kay Anastacio. Bumagsak ito sa sahig. Agad na umawat si Mino.
"Tay, tama na po!"
"Ano sa tingin mo ginagawa mo? You ruined the show. Ang daming viewers ang galit dahil sa ginawa mo sa Hombre!"
"Kuya, hindi mo na nakita. Niloloko niya ang mga viewers. Namimilosopo at...."
"Nanonood ako! Hindi ako bulag! Kita ko na yun ang paraan niya para mapasaya mga viewers niya! Ganito ba ginagawa mo sa kanila ha?Binabata mo masyado!"
"Kuya hindi mo kilala ang bagong iyon...."
"So ikaw kilala mo? Ano'ng gagawin mo para pakalmahin ang mga viewers natin? We broke the record of 120 viewers worldwide. Dahil sa pag epal mo nawala. We loose millions, millions Benedict!" Sa galit pa ni Anastacio ay nahawakan niya ang vase at binato kay Benedict pero nakailag ito.
"Get out! Huwag ka muna magpakita sa akin! Kung hindi lang kita kapatid ay nailibing na rin kita sa gilid.
"Tara na po sir Benedict!" Inalalayan na ni Primo  sa paglabas si Sir Benedict. Naiwan pa rin ang galit na galit na si  Anastacio.
"Kakagigil, nandoon na eh! I saw it. Ang laki ng pinasok ng batang iyon. At mag aapaw pa sana kung hindi siya pumasok. Tira pasok talaga yang si Benedict. Panira!"
"May next Aquarium show pa naman."
"Kelan? Mahirap na uling makapagshow dahil lumulusot na sa main steam search engines ang Website natin. Yan pa ang inaayos ni Tristan. Kaya naiinis ako dahil Mahirap na mag show dahil nakikilala na ng mundo ang Absalom. Kaya nga bigla kong pinagbuksan ito. Mabuti nga nakipag cooperate na yun batang iyon eh di ba hirap sila pagalawin yan. Ngayon natuto na. Mukhang higit pa sa mga diamante ang madadala sa atin ng Bernard na iyan. Talo na niya sa Ranking si Clint."
"Bumawi na lang tayo sa Birthday Show niyo. Alam naman ng mga viewers kanina ang birthday niyo at naka avail sila ng Exclusive Package natin."
"Mabuti kung ganoon. Kaya paghandaan niyo yan. Tutukan nyu ang Bernard na iyan. Ilipat niyo na siya ng isa sa High Class room na katulad kay Clint."
"Yes tay."
Iniwan siya ni Mino at muling minasdan ang CCTV camera sa kuwarto ni Bernard.
Ano'ng mayroon sa iyo? Wala ka pa sa full potential ng ginagawa mo pero ang lakas ng pasok mo.Sa mga kapalpakan ni Benedict ikaw ang magandang nangyari. Kung talent scout sa labas naka discover sa iyo malamang artista ka na. Maganda ang boses. Magaling sumayaw. Iba ang karisma mo.
Tingnan pa natin ang mga kaya mong gawin!

ANTONIO POV

Bilang si Hezron sa kanya pinabantay ang Portillo ng Isla. Malapit sa pinaglibingan nila sa tunay na Hezron.
Palaisipan sa kanya kung anong mayroon sa loob ng mansion na iyon. Hindi siya makapasok dahil nga sa assignment niya. At ilang araw na siya doon. Ang natatanaw niya lang sa mansion ay ang mga flag na may mga pictures ng dalawang kilala niyang lalake.
Si Bernard at Rendon.
Bakit kayo nandito? Ano'ng ginagawa niyo dito? Alam ko na nasa loob ang sagot sa mga tanong ko. Kailangan kong makapasok. Wala akong malalaman kung nandito lang ako.
Kukunan niya sana uli ng picture sa cellphone ang ilang paligid nang may makita siyang paparating. Dalawa sa mga bantay.n
"Ikaw si Hezron hindi ba?"
"Ako nga."
"May bago kang assignment. Ikaw ang bantay ng bagong Hombre. Ililipat sa Primera Cuarto. Eto na si Dimas ang kapalit mo."
Sumama na siya sa naghatid kay Dimas at siya naman ang sinamahan nito papunta sa Mansion. Kinabahan siya at na excite dahil sa wakas ay makakapasok na siya ng Mansion.
Dumaan muna sila sa Opisina ng Punong Bantay. Mag-isa lang ito at naabutan niyang may kausap sa cellphone. Naka face mask ito ng itim.
"Sige.Mino. Nandito na ang isa sa Army para mabantayan ang Bagong Hombre."
Matapos kausapin ang Nasa Cellphone ay hinarap na sila. Nang maghubad na ang facemask nito ay nagimbal siya.
Para siyang bato na naningas at tila naparalisa.
"Sir Kaide nandito na po siya. Si Hezron."
Kuya Dino?
Ang Punong Bantay na ng Isla ay ang nakakatandang kapatid na matagal na niyang hinahanap.

Absalom Paradise Donde viven las historias. Descúbrelo ahora