Chapter 8

1 0 0
                                    

NAIKUWENTO ni Bernard kay Rendon ang nangyari eksena nila ni Mr. Pebbles nang makabalik na siya sa kwarto nila.
"Inatake si Mr. Pebbles? At ikaw ang nagfirst sa kanya. Paano mo nagawa iyon."
"Doctor ang papa ko. Tambay ako ng ospital noong bata at naituro na niya sa akin ang mga first aid. Nagawa ko na rin yan sa Dean namin sa school."
Hindi niya maiwasan na malungkot nang maalala niya si Papa Gio.
Ang tanging tao na tunay na nagmahal sa kanya ng buo. Kahit hindi niya ito tunay na ama.
"I miss him. Malamang hinahanap na niya ako. Siya lang sa lahat ang tunay na nagmahal sa kahit. Sana hindi ko na lang nalaman nang gabing iyon na hindi niya ako anak at hindi ako lumayas. At wala ako dito kung hindi ako lumayas. Sana hindi ko na lang nalaman ang lahat!" Hindi na niya napigilan ang sarili na maiyak sa panghihinayang. Pagsisisi at labis na pangungulila.
"Calling the Attention of Bernard. Bernard please proceed to Sir Benedict Room."
"May booking ka uli."
Ang page na iyon ay laging may hatid nang takot at kaba sa kanya.

HUMARAP uli siya kay Sir Benedict. Mata sa mata uli ang tininginan nila.
"Mabuti at naagapan mo ang sitwasyon at nakaligtas sa atake si Mr. Pebbles."
"Kumusta na siya?" Tanong niya.
"Maayos na siya. Mahusay ang doktor namin dito. Hindi naman kami masama gaya ng iniisip mo."
"Alam mo ang iniisip ko?" May sarkasmo niyang sabi.
"Hindi kita tinawag para makipagbardagulan sa iyo. Hinahanap ka ni Mr. Pebbles. Nasa wards siya. Papunta na ang bouncer na sasama sa iyo papunta sa kanya."
Lumuwag ang paghinga niya dahil akala niya ay may booking siya.

HABANG patungo si Bernard sa sinasabing Ward ay naging observant siya. Ibang bahagi ito ng kasama. Kung sa bahagi nila ay kulay pula ito ay kulay green. Animo isang ospital. Pati ang amoy at ventilation. Amoy alcohol at zonrox. Hanggang sa narating na nila ang kuwarto kung saan naabutan niya na nakaupo si Mr. Pebbles. Nabuhayan ito nang makita siya.
"Mabuti at nakarating ka."
Salamat at maayos na ito kahit garalgal ang boses.
"Pinatawag niyo ako kaya dumating ako. Mainam na ba po ba ang Lagay niyo."
"Oo at maraming Salamat sa iyo." Hinaplos nito ang mukha niya. Hindi siya nakadama ng malisya malayo sa unang naganap sa kanila.
"I'm sorry..."in his sincere tone. Kita pa ni Bernard na naluha pa ito.
"Salamat at Sorry. Pwede pala iyon sabihin nang magkasunod."
Natawa si Mr. Pebbles sa kanya.
"Sa nangyari nung isang araw akala ko susunduin na ako ni Satanas. Una akong nakadama ng takot dahil tila tinakasan ako ng kaluluwa ko. Pero nandyan ka at iniligtas ako. Kahit na hindi maganda ang ginawa ko sa iyo ay nag alala ka at iniligtas ako."
"Kahit na sino po mag-aalala. At saka turo po sa akin ng Papa ko na kapag kaya mong magligtas ng buhay gawin ng walang doubt at worries. Masama man ang tao o hindi."
Napangiti na nahaplos ni Pebbles ang ulo niya.
"Maganda ang pagpapalaki sa iyo ng Papa mo. Kung maaari lang kitang iuwi ay inuwi na kita."
Natawa lang si Bernard.
"Salamat talaga, Bernard. Ikaw ang anghel ko. Hayaan mo, hindi man kita maiuwi babalik ako dito. Babalikan kita at babayaran kahit walang mangyari sa akin. Kailangan kong magamot sa malaking ospital. Babalikan kita. Babawi ako sa iyo."
Nayakap niya si Pebbles. Natuwa siya na sa ginawa niya ay nabago ito.

NABALITAAN na lang ni Bernard na inilipat na si Mr. Pebbles sa malaking ospital para suriin ang puso nito. Naghatid ito ng gamot para kay Rendon kaya nagkaroon sila ng pagkakataon na makapag-usap.
"Ano ang ibig mong sabihin sa Jigsaw puzzle?"
"Huwag kang tumingin sa akin. Mag-isip ka ng gagawin habang kausap ako. Ayaw kong makahalata ang mga mata sa CCTV."
Agad siyang nakaisip ng paraan. Naisip niya mag-stretching.
"Malaki ang Absalom Paradise. Para makapagplano kayo magpapadala ako ng mga piraso ng ginuhit kong mapa ng mansion na ito. Buuin mo iyon. Iyon lang ang maitutulong ko, ang bigyan kayo ng Mapa upang malaman niyo kung saan kayo dadaan. Ang lugar na ito ay parang Maze, maraming pasikot sikot."
"Bakit kasi hindi mo na lang ibigay ng buo?"
"Hindi ko kaya iguhit iyon ng buo at gugugol ng oras para gawin iyon. Huwag kang mag-alala. Mabubuo rin iyan. Bigyan mo lang ako ng oras."
Bumangon na si Rendon. Napahinto siya at nilapitan ito.
"Ayos ka na?"
"Okay na ako. Salamat."
Bago lumabas si Primo ay nagbilin ito sa kanila.
"Humanda kayo pabalik na si Don Anastacio. Ang boss ng Casang ito. Sa lahat dito wala siyang sasantuhin kaya uulitin ko. Mag ingat."
Pagkalabas ni Primo ay nagkatinginan sila. Kita niya ang pagkaputla ni Rendon.
"Pabalik na ang tunay na Satanas."
He was so curious. Ano ba ang impierno ang dala ng Don Anastacio na iyon?

PRIMO POV
Matapos pumunta sa Kwarto ni Bernard at Rendon ay tumungo siya sa kuwarto ni Clint. Nag-iisa lang ito. Sa lahat si Clint ang special. May TV at nakakanood ito. May mga magaganda at branded na damit sa closet. Talagang pinaganda ang kuwarto ng bankable hombre ng Absalom Paradise. Naabutan niya nga ito na nanonood ng anime habang kumakain ng pringles.
Hinatid niya ang mga food supplements nito gaya ng glutathione at multivitamins. Talagang alagang-alaga ito na parang prinsipe.
"Ngayon ka lang uli nadaan dito ah." Ani Clint.
"Mas pinatutukan sa akin ang bago."
Sumalubong ang kilay nito.
"Mabuti wala si tatay dito. Ang angas niyon ay hindi puwede kay tatay. Parating na siya bukas di ba?"
"Oo."
Pagak na natawa si Clint.
"Patay siya to kay Tatay. Umayos na siya sana."
Palabas na siya nang tawagin siya nito.
"Siya nga pala, dumaan kami sa clinic kanina. Nasabi ni Nurse Jed na na-admit daw doon si Pebbles. Bakit kaya?"
"Inatake siya sa puso noong isang araw. Nailigtas siya ni Bernard."
"Nandito siya noong isang araw at kasama niya si Bernard?" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Clint.
"Oo, guest ni Bernard si Sir Peebles."
Biglang nalukot ang guwapong mukha ni Clint. Para itong may nalanghap na masamang hangin.
"Akala ko, ako lang ang hombre niya!"
Mukhang hindi maganda ang sinabi niya. Madali pa namang napikon itong si Clint.
"Magpa-page ka lang kung may kailangan ka."
Iniwan niya si Clint na badtrip.

LUMABAS si Bernard para magwork out. Naiwan niya sa kuwarto si Rendon. Sa Gym ay napukaw niya agad ang matalim na mata ni Clint sa kanya habang nagwe-weights ito. Hindi niya na lang ito pinansin. Tinungo na lang niya ang locker kung saan naroon ang mga towels niya. Matapos kunin iyon ay napansin niya na lang na nasa likuran niya si Clint.
"Bakit ikaw ang naging guest ni Pebbles? Ano'ng ginawa mo?"
Tiim ang mata na hinarap niya ito.
"Wala. Bakit hindi mo itanong kay Sir Benedict?" Agad siyang umiwas dito pero sinundan siya nito pabalik sa gym.
"Inagawan mo ako ng guest. Bago ka pa lang dito. Kilalanin mo ang binabangga mo?"
Napika siyang hinarap ito sabay marahas na nasampay ang towel sa balikat niya.
"Hindi ako nakikipag-agawan. At saka hindi kita binabangga. At pwede ba tigilan mo ako. Kung may reklamo ka sa desisyon ni Sir Benedict o ni Mr. Pebbles. Huwag ako ang pagdikitahan mo!"
Matalim ang mga mata na inilapit ni Clint ang mukha nito sa kanya. Hindi naman siya nagpasindak dito.
"Siguraduhin mo lang dahil kapag humarang ka uli sa mga daan ko dito o agawin mo ang mga para sa akin, ako mismo ang papaslang sa iyo!"
"Pinagbabantaan mo ba ako?"
"Isa iyang babala. Kayang kaya ko iyan maniwala ka. Kaya huwag mo akong angasan! Ako lang ang Primero Hombre ng Paraisong ito. Ako lang!" Marahas na tinapik siya nito. Re-rebut sana siya pero may umawat sa kanya.
"Hayaan mo na siya. Huwag mo na patulan."
Nakikita na niya ito pero ito ang unang pagkakataon na lumapit ito sa kanya.
"Mainit na dugo sa akin niyan. Ano ba problema niyan."
"Ganyan talaga iyan si Clint. Ayaw niyang nauungusan siya. Pasensyahan mo na lang. Mahirap na magkagulo tayo dahil baka pare-parehas tayo na mapahamak.
Mukhang maayos ito at diplomatic. Para siyang bagyo na kinalma nito.
"Ako nga pala si Jonas. Ikaw si Bernard hindi ba?"
"Nice to meet you, Jonas."
At sila na nga ni Jonas ang nagsama sa kanilang work out.

Absalom Paradise Where stories live. Discover now