Chapter 9

1 0 0
                                    

"NAGKAINITAN na naman kayo ni Clint."
Naikuwento ni Bernard ang naging sagutan nila ni Clint sa gym nang makabalik na siya sa kuwarto nila.
"Ewan ko doon. Ang init ng dugo sa akin. Iniisip niya na inagawan ko siya ng guest. Parang bata na inagawan ng candy."
"Naku, iwasan mo makipagtalo. Ayaw nila na nagkakagulo ang mga Hombre. "
"Ayan din ang warning sa akin ni Jonas."
"Si Jonas? Kilala mo na siya?"
Tumango si Bernard.
"He's nice. Nadagdagan na ako ng kakilala. At least may Hindi naangasan sa akin."
"Ang tapang kasi ng mukha mo. Iyong tipong pang warrior. May ibang lahi ka ba like Spanish or Arabian?"
Nalungkot siyang naupo sa kama.
"Hindi lang ikaw nakapansin niya. Mas marami na mukha akong Spanish. Sabi na Mix daw ang hitsura ko ng Mestiso at Arabiano. Wala namang lahing ganoon si Mama."
"Baka sa papa mo."
Marahas siyang napahinga.
"Malamang. Sana mabuhay pa ako para makilala ko ang Papa ko. Ayaw kong mamatay na hindi buo ang pagkatao ko. Gusto ko makilala ang papa ko. Ang dami kong gusto malaman."
"Ako din. I want to spent time with them. Lalo na si Daddy. And to prove to him na may ipagmamalaki rin ako bilang isang Salvador."
Nag-alab ang kanyang pag-asa. Makakaalis sila sa lugar na ito sa tamang panahon.

De Dios Residence.
Mula ng mawala si Bernard ay naging napakalungkot na ng nasabing bahay.
"Keep us updated, Sir." Katatapos lang kausapin ni Eligio ang detective police na nakaassign sa kaso ng pagkawala ni Bernard.
"Ano'ng update ng mga police, Gio?" Sobrang pag-aalala ni Blanca. Tutok sila sa paghahanap kay Bernard.
"Wala siya sa mga kaibigan niya sa Basketball team. Even sa mga lugar na pinuntahan niya ay hindi siya nakita. Tanging sa convenient store at sa tulay siya huling nakita."
"Kung kinidnap siya bakit walang kumokontak sa atin para sa ransom. Mababaliw ako, Eligio na wala sa paningin ko ang anak ko!" Humahagulhol na wika ni Blanca. Nagsisisi siya na lagi silang nag-aaway ni Bernard.
"Alam kong babalik siya. Alam kong mahahanap natin siya. Ipanalangin na lang natin na sana walang mangyari sa kanyang masama.
Niyakap ni Eligio ang kanyang asawa na labis na nag-aalala sa pagkawala ni Bernard.

Antonio Vargas POV

DIAMOND FROST Police Department.
Kasalukuyang pinag-aaralan ni Police Inspector Antonio Vargas ang bagong kaso ng pagkawala ng isang binata na isang Varsity player at anak ng isang Motel Tycoon at Neurologist na si Dr. Eligio de Dios. Si Bernard de dios. Dalawang linggo na itong nawawala matapos dukutin sa tulay. Hindi natukoy kung saan tumungo ang sasakyan na huling namataan sa isang pantalan patungo sa Province of Daang Tubig. Wala rin rehistro at plaka ang sasakyan kaya hindi nila ma trace.
"Masyado kang attached sa mga mga missing cases natin ah."
Magalang siyang sumaludo sa hepe nila na si Chief Glenn Adamos.
"Medyo lang sir. Naalala ko lang sa kanila ang kuya ko na matagal na ring nawawala. Alam ko lang ang pakiramdam ng naghahanap ng nawawala."
"Hindi ba naikuwento mo na first year high school ka ng hindi na nagpakita ang kuya mo. Ilang years na ba siyang nawawala."
"Ten years na po."
"Tagal na rin. Huwag kang magagalit sa suggestion ko. Sa mga morgue ba nagtanong na kayo."
"Ginawa ko na yan sir kahit noong nag-aaral pa ako pero wala po. Kaya umaasa ako na buhay si Kuya."
"Hindi kaya hindi siya nawawala. Baka ayaw magpakita. Mahirap hanapin ang ayaw magpakita."
May punto si Hepe pero hahanapin pa rin niya ang kuya niya.
Naalala niya nang huling makita niya ito.
Masinsinan silang nag-usap. Dinala siya noon sa kapatid ng tatay nila.
"Antonio, mag-aral ka mabuti. Gusto ko makatapos ka. Ako nang bahala sa iyo hanggang makatapos ka."
"Bakit kuya saan ka pupunta?"
"Nagtatrabaho ako sa Maynila. Magpapadala ako pantustos mo. Ipangako mo magtatapos ka. Huwag kang tumulad sa akin na kahit elementary hindi nakatapos."
At hindi na nga niya nakita ang kuya niya mula noon.
Ngunit kahit na nakatapos siya ng high school. College at maging police ay hindi na niya nakita ang kuya niya. Kahit na namatay ang Tiyo Danny niya na nag-alaga sa kaniya ay hindi nito nadalaw. Ngunit bago namatay ang Tiyo niya ay may binilin ito sa kanya.
"Hanapin mo si Anastacio Amoroso. Siya ang makakapagturo sa iyo kung nasaan ang kuya mo."
Tinandaan niya ang Pangalang iyon. Hinahanap pero hindi niya rin makita. Hindi siya nawalan ng pag -asa na makikita niya ang nag-iisang kapatid.
"Kapapasok lang na balita. Nagbalik na sa bansa ngayon ang kilalang Businessman at Philanthropy na si Don Anastacio Amoroso matapos ang pagdalo nito sa Modern Commerce Conference kasama ng ilang mga sikat na negosyante sa buong Mundo."
Nataranta siyang nanood ng balita. Ito na ang isa sa hinahanap niya. Si Anastacio Amoroso. Bakit ngayon lang siya nagkaroon ng balita dito? Isa pala itong businessman. Paano ito nagkaroon ng koneksyon sa Kuya niya?

PAGKATAPOS ng Duty ni Antonio ay umuwi siya at hinarap ang kanyang sariling pag-iimbistiga sa kung nasaan ang kuya niya. Sa kuwarto niya ay mayroon siyang crime board. Naroon ang picture ng kuya niya at ikinabit din doon ang picture ni Don Anastacio Amoroso. Nagkaroon na siya ng link. Nasa crime board ang development ng kanyang ginagawang paraan para mahanap ang kuya niya. Lahat iyon ay bigong mailabas ang kuya niya. Ang dating park na minsan nilang tinirhan noong naging palaboy sila. Ang palengke na pinasukan ng kuya niya hanggang sa mga morgue. Ngayon ay may malinaw na siyang lead kung paano mahahanap ang kuya niya .
Sa pamamagitan ni Don Anastacio Amoroso.

DON ANASTACIO POV

"BAKIT may napanood ako sa News? Alam niyo na ayaw kong napanood ako. Ayaw ko ng atensyon!" Kahit naiirita ay kalmado ang pagkasabi ni Don Anastacio.
"It's beyond our control, Sir. Nakikilala na kayo sa loob at labas ng bansa. Sa dami ng mga investments at businesses niyo dito...."
"Next time take that in control. Kapag sumikat ako, ang mga mata ay tututok sa akin at baka malaman nila ang mga tinatago natin. Ayusin mo ito, Mino!" Napika na siya pero nanatiling kontrolado ang sarili. Ayaw niya talaga ng atensyon lalo na ang kasikatan.
"Opo, Sir. Kausapin ko na rin ang mga ilang sumulat ng article about sa arrival niyo."
Gumaan na ang pakiramdam niya na nasa pantalan na sila. Malayo na sa Siyudad. Patungo sa Daang Tubig. Sa kanyang Isla. Kung hindi lang importante ang inayos niya ay hindi siya aalis. Pero nasayang lang dahil hindi niya nakuha ang gusto niya.
"Hindi mo kailanman makikilala ang anak mo. Hindi ko siya hahayaan na mapunta sa iyo. Kung hindi mo ako titigilan malalaman ng mundo kung sino ka at kung gaano ka nakakadiri!"
Gusto niyang magwala at pumatay kapag naalaala niya ang sinabi na iyon ng kanyang babaeng labis na minahal. Sinundan niya ito sa New York sa dinaluhan nilang Conference.
He admitted that he is still in love with that woman. Lalo na nang malaman niya na nagkaanak sila. Nalaman niya na nasa Japan ang bata at doon na pinalaki. Hindi niya na napiga ito dahil delikado ang lagay niya. Ginawa niya ang lahat para makilala ang anak pero nang malaman niya na may sarili siyang anak ay lalo siyang nagsumikap. Nagpayaman. Hanggang sa malunod siya sa yaman.

2007
Tinungo ni Anastacio ang tinitirhang bahay ng ina ng kanyang anak. Nakalusot siya sa mga mahigpit na guwardiya ng nasabing exclusive Village. Sa bahay na iyon ay lumabas ang dalawang batang lalake. Kasama ang isang lalake. Ito ang napangasawa ng dati niyang nobya na ina ng kanyang anak.
Isa sa mga batang iyon ay anak niya. Hindi na niya nalapitan ang mga ito dahil umalis na. Sa pag-alis niya nakasabay niya pa ang mga ito. Nang makalabas na sila ng village ay nagulantang siya sa rumaragasang truck na bumangga sa mga ito. Sumalpok ang kotse na tumama sa isang poste. Napalabas siya para tumulong pero marami ang mga tao na karamihan ay mga pulis sa Malapit ang rumesponde.
Gusto niyang lumapit upang malaman kung maayos ang mga mata. Ang isang bata ay umiiyak pero ang isa ay duguan na nilabas ng kotse. Agad ding dumating ang ambulansya. Sumunod siya at mga ilang oras lang nalaman na napuruhan ang isang bata.
Nabahala siya na baka ang anak niya iyon habang nakatingin sa batang nakaligtas na tulala sa gilid. Lalapit sana siya dito nang makita niyang lumapit ang dating nobya. Naghihinagpis sa sinapit ng kaawa-awang bata.
Hindi na siya nakalapit. Naisip na maghintay ng tamang pagkakataon.

BINUROL ang bata sa isang Sanctruarium. Iyon ang napag-alaman ni Anastacio. Sa labad niyon ay magtiyaga siyang naghintay at inabangan ang dating nobya. Mga ilang oras ang lumipas ay nagpakita ito na palabas. Agad niya itong nilapitan.
"Anak ko ba ang namatay."
Umiwas ito sa kanya pero agad niya itong nahaltak pabalik ngunit isang sampal ang tinamo niya.
"Wala ka nang anak. Patay na siya!"
Nagulantang siya. Parang ayaw iyon tanggapin ng utak niya.
"Kaya tigilan mo na ako. Isa pang lapit mo sa akin ipapadampot kita sa mga pulis!"
May malaking bahagi ng utak niya ang ayaw tanggapin ang nangyari. At iyon na nga ang huli nilang pagkikita ng dating nobya.

2023
Sa Pantalan ng Province of Daang Tubig. Maaga siya sa usapan para puntahan ang Absalom Paradise. Ang kanyang imperyo. Ang naging daan para tuluyan siyang yumaman at maging halang ang kaluluwa. Wala na rin saysay na maging mabuti sa mundo dahil wala naman siyang tagapagmana. Hindi nga niya alam kung saan ito inilibing dahil kahit iyon ay pinagdamot sa kanya. Marami na man siyang anak sa Isla. Katulad niya na pinagkaitan din ng mundo.
"Wala pa ba ang mag-aangat ng tarangkahan?" Untag niya.
"Parating na sila sa loob ng limang minuto." Ani Mino.
Alam kong masama akong tao. Naghihintay na ang lugar ko sa impyerno. Pero alam ko na makapangyarihan ka Dios ko. Alam ko sa puso ko at utak ko na walang imposible. Handa kong iwan ang lahat lahat makasama ko lang ang anak ko. Deal iyan, Lord. Buhayin mo ang anak ko at bigyan mo ako ng pagkakataon na makasama siya. Tatalikuran ko ang lahat! Lahat lahat!
Dumating na ang nag-angat ng lever.Isang lalake na nakaitim na overhaul ang tumungo sa isang lever place at ibinaba ang pinakamataas na lever. Dahil doon may tulay na umangat sa tubig. Doon dumaan ang sasakyan. At nang makatawid na sa mahabang tulay na iyon at nawala na ang tulay.
Papunta na siya sa kanyang imperyo.
Sa Absalom Paradise.

Absalom Paradise Where stories live. Discover now