Chapter 32

1.2K 45 34
                                    

Seulgi's POV

"Wow, you have a very nice name. Nice to meet you, Iseul. You can call me Mr. Pogi." Ngiting sabi ko rito.

Luminga-linga ulit ako sa paligid. "Sino kasama mo rito? Nasaan sila?"

He shake his head. "I don't know, I was with my Mom and Nanny when tumakas ako to go here at the lego section. But now I can't find them."

Tumango-tango ako. "So that's why you're crying. Gusto mo ba sumama sa'kin?"

Umakting pa itong kunwari nag-iisip pero tumango rin. "Okay, but can I call you Dad?"

Nabigla naman ako sa tanong nito. "Why? Where's your Dad?"

"Mom said, Dad's working abroad kaya hindi raw ito nakakauwi. I haven't see him ever, I only have his picture. Other than that, I don't know anything about him." Malungkot na sagot nito.

Kawawa naman itong batang 'to. Bakit kaya hindi umuuwi ang Tatay nito. "You said you have his picture right? Can I see it?"

Baka kase kilala ko 'yung Daddy nito.

Umiling ito. "My bag is with my Nanny. Nandoon po 'yung picture niya eh."

"Oww it's okay. Let's go? Kumain ka na ba?" Tanong ko rito.

Umiling ulit ito. "Not yet po Dad."

Natigilan ako sa sinabi nito. Somehow, it sounds so good to my ears. Para bang may nakumpleto sa'kin dahil tinawag niya akong ganun.

"Is it okay if I carry you?" Tinanong ko muna ito, baka ayaw niyang binubuhat siya.

Tumango lang ito at nagpabuhat na. "So, saan mo gusto kumain?"

"Can we buy pringles po, Dad?"

"Why favorite mo rin ba ang pringles?" Tumango lang ito and showed his cutest smile.

"Yup! Yup! Mom doesn't allow me to eat lots of pringles." He pouted. Natawa ako sa sagot nito.

Pinisil kong ang pisngi nito. Ang cute cute eh. "Normal lang 'yan kiddo. I'll buy tons of pringles can, okay? Favorite ko rin 'yang pringles."

Gamit ang kaliwang kamay, tinulak ko na ang cart. Nasa kanan ko kasi itong bata, ilalagay ko sana siya sa cart pero ayaw raw niya.

Dahil nasa toys section pa rin kami binilhan ko na muna ito ng mga laruan. Pagkatapos binayaran ko na muna lahat bago dalhin ito sa Mcdo.

Kung si Nini ang favorite ay Jollibee, si Iseul naman ay Mcdo. Kitang-kita ang saya sa mata nito nang bilhan ko ito ng chicken at isang box ng pringles. Todo-todo ang pagpapasalamat nito habang pilit pa akong sinusubuan.

Nasa'n kaya ang Daddy nito? Ang bibo ng batang ito, at gwapo. Malamang gwapo at maganda ang magulang nito.

"Iseul" Tawag ko rito.

"Yes po?" Sagot nito habang busy pa rin sa pagkain.

"Who is your Mom? Do you know her number?"

Umiling ito. "No po, Daddy. But I know her where she work po."

"Punta tayo doon after you eat, okay?" Kanina ko pa kasama ang batang ito, baka hinahanap na 'to.

Bigla itong tumigil sa pagkain at nalungkot. "Ayaw mo na po ba ako kasama?" Lumabi ito at mukha nang iiyak.

My eyes widened at dali-daling yinakap siya. "Hush no, baby. Hindi dahil sa ayaw na kita kasama, maybe your Mom is looking for you."

"I'm sure worried na 'yun sa'yo at baka kung sino-sino na ang tinatawagan para lang mahanap ka. Also, don't you miss your Mom?" Dugtong ko rito.

The Unwanted Husband (Seulrene) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum