Chapter 11

905 31 19
                                    

Seulgi's POV

"Why are you smiling? Are you thinking about Jennie?" Napalingon ako sa kanya when she speaks. Nakakunot na naman ang noo, at halata ang pagiging irritable.

Nandito pa rin kami sa kotse niya, naabutan kasi kami ng traffic. Kahit may road widening na isinagawa, traffic pa rin. Haysss

I shook my head. "No, may naisip lang ako."

"Make sure you're not thinking about your other girl, or I swear to God, I'll kill you." May pagbabanta nitong sabi.

Napalunok naman ako. Matagal ko na siyang kilala, if she said something walang pag-aalinlangan niya itong gagawin. Especially if nagdecide siya sa isang bagay, once she said it hindi ka na pwedeng komontra. Ayun na ang final, end of discussion na agad.

Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya. Nag-aalinlangan pa ako na baka paluin niya ang kamay ko or ayaw niyang hinahawakan ko siya.

Nang makita ko na mukhang okay lang sa kanya, I slowly caress her hands. "Ikaw lang naman ang laman ng isip at puso ko, Hyun." Seryoso kong sabi as I kiss her hand.

Kinuha ko rin ang kamay niyang nakalagay sa steering wheel, hindi pa naman umaandar sa unahan. And hold both of her hands. "Look at me." I sweetly said.

Tumingin naman siya sa'kin habang nakataas ang isang kilay. "Ikaw, at ikaw pa rin ang pipiliin ko habang ako'y nabubuhay. At sa susunod na habang-buhay." And kiss both of her hands.

Nakita ko namang namula siya at nag-iwas ng tingin. I chuckled, kinikilig yarn?

She removed her hands nang umandar na ang nasa unahan namin.

"Good" Sabi niya bago paandarin ang sasakyan.

Cute mo Hyun

---

"Hoy! Tulala ka na naman!" Binatukan ako ni Seungwan kaya tumingin ako sa kanya ng masama.

"Bakit ka ba bigla-biglang nambabatok?" Inis kong sabi at hinipo ang ulo ko. "Eh kung ikaw kaya batukan ko?"

Tumawa naman siya at lumayo ng unti. "Kanina ka pa kita tinatawag, tapos hindi ka sumasagot. Pagtingin ko, nakasulyap ka lang sa bintana tapos nakangiti ng parang ewan. Siguro may ginawa na naman sa'yo si Ms Bae."

Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya. I can't help but smile whenever I recall 'yung pagpayag ni Hyun sa proposal ko.

"Hoyy, kinakausap kita! Lumalayag na naman isip mo." Lumapit naman ito sa'kin at tinitignan ako ng maigi.

"Alam mo pare, may kakaiba sa'yo."

Kinunutan ko naman ito ng noo. "Ano na naman 'yan Seungwan?"

"Kanina ka pa nakangiti, tapos good mood ka ngayong araw. Then umiwas ka agad ng tingin ng nabanggit ko si Ms Bae. Sabihin mo nga sa'kin may nangyari noh?"

Umiling naman ako at nag-iwas ng tingin. "W-wala. Ganun pa rin kami." Pigil ngiti kong sabi.

"Hindi ako tanga, Seul. Alam kong nagsisinungaling ka, hindi mo nga magawang tumingin sa'kin tapos nag i-stuttered ka pa."

Kilala talaga ako nito. Bumuntong-hininga muna ako bago humarap sa kanya. "Pumayag na siya, Seungwan."

Nagtataka naman itong tumingin sa'kin. "Pumayag sa ano? Tsaka sino?"

"Kilala mo kung sino tinutukoy ko. Basta ayun, pumayag na siya. Bahala ka mag-isip kung ano. Tinatamad na ako magkwento." Pangbibitin ko.

Gantihan lang. Akala mo nakalimutan ko na 'yung batok mo sa'kin. "Luh, Seul naman!" Inis niyang sabi.

The Unwanted Husband (Seulrene) Where stories live. Discover now