Chapter 17

981 38 28
                                    

Seulgi's POV

I'm currently here at the office. Late nga ako pero ang mahalaga 'di ko nakasabay si Irene.

"Hoy! Late ka na naman! Napapadalas ata pagiging late mo ah." Singhal ni Seungwan.

Hindi ko ito pinansin at dumeretso na agad sa desk ko. Sinundan naman niya ako and leans at the door. "Kang Seulgi! I'm talking to you, why dond chu anser meh!" Pabirong sabi nito.

Tumatawang inilingan ko ito. "Wala, late lang talaga ako magising. Anong meron?" Tanong ko rito nang mapansin ko na tahimik ang paligid at lahat seryoso sa ginagawa.

Hindi katulad ng madalas kong datnan, iba ang atmosphere ngayon. Walang nagkwekwentuhan, o di kaya'y lumalapit sa desk ng iba. Talagang seryoso sila na aking pinagtataka.

Kumamot naman ito sa ulo. "Ah eh 'yung asawa mo kasi galing dito." Pabulong niyang sabi.

Napakunot ang ulo ko. "Bakit daw siya dumalaw rito?" Takang tanong ko.

"Hinahanap ka, kaya lang nagalit sa'min eh. 'Yung dalawa kasing babae na sinasabi ko na may gusto sa'yo nagchissmisan kanina." Tumigil muna ito to take a breath. Mukhang binabalikan niya ang pangyayari kanina dahil umaakto pa itong kinikilabutan sa takot. 

Tinotoo ko kasi ang sinabi ko kanina. I waited for her na umalis bago ako lumabas ng kwarto, to make sure that hindi kami magkakasabay dumaan pa ako sa 7/11 and bought a small can of Pringles.

Kanina after ko umakyat, narinig kong kumakatok sa pinto and commanded me na sa kanya sasabay papuntang office. But since I'm still mad at her, pinili kong magstay muna sa kwarto and wait for her to leave.

Akala niya siguro naka-alis na ako dahil sinigurado kong walang bakas ng mga gamit ko sa labas, even my shoes. Narinig ko pa siyang nagmamadali sumakay sa kotse niya. Tsaka lang ako naka-alis sa bahay nang sigurado ako na hindi siya babalik ulit.

"Anong kinalaman ng nagchichissmisan? Bakit siya nagalit?" Sunod-sunod kong tanong.

Matagal nang sinasabi ni Seungwan na may gusto yung dalawa babae naming coworkers dito. Ngunit hindi naman ako naniniwala, kasi sa itsura kong 'to may magkakagusto?

Ang babaw naman siguro ng dahilan kung kaya siya nagalit ay dahil sa nagchichissmisan sila. But knowing Irene, ayaw niya talaga na nagkwekwentuhan sa oras ng trabaho.

"Kasi Seul ikaw ang pinag-uusapan nila. Narinig ko kanina na balak kang ayain kumain sa labas, nagulat na lang kami nang patayuin niya 'yung dalawa at binigyan ng maraming trabaho. Lahat 'yun naka deadline ngayong araw. Kapag hindi raw napasa sa kanya, tatanggalin na niya. Hindi na sana kami madadamay kung 'di lang nagreklamo 'yung isang kaibigan nila. Kaya ang ending lahat kami may kailangan tapusin. Grabe 'yang asawa mo, Dude! Masakit sa muscle brain ko!" Mahabang kwento nito.

"Tapos sobrang nakakatakot 'yung aura niya kanina. Para siyang mananakal ng tao. Hindi ko talaga makakalimutan 'yung nangyari kanina, first time na tumayo mga balahibo ko." Pagpapatuloy nito while rubbing his arms.

Really? Bakit naman kaya? Maybe because hindi ko sinunod ang gusto niya na sabay kami kaya maiinit ang ulo. Pero palagi namang mainit ulo nun.

"Tulungan mo naman ako Seul, para mabilis ako matapos. Ililibre kita, promise. Siya nga pala may hindi ka pa kinokwento sa'kin ah. Bakit ka bigla-biglang nawala? Tinatawagan kita 'di ka naman sumasagot. Naghintay kaya ako ng matagal doon!" Inis nitong sabi.

Agad naman akong humingi ng paumanhin dito. "Mahabang storya ulit. I'll tell you later, and kaya hindi rin kita masagot or masasagot pa dahil sira na ang cellphone kong touch screen. Ang nasa akin na lang ay di keypad pero hindi ko naman alam 'yung number mo. Kaya sorry ulit if 'di na ako nakatawag pa muli." Paliwanag ko rito.

The Unwanted Husband (Seulrene) Where stories live. Discover now