Chapter 13

836 36 15
                                    

Seulgi's POV

"Ahh, Mom akyat na po kami. Good night!" Sinundan ko naman agad ito pataas. Hindi man lang ako hinintay, grabe talaga.

Nang makarating ako sa kwarto niya, nakabukas na ang pinto pero kumatok muna ako. "Hyun, bakit nam-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko sinaman niya akong tingin.

"Just shut up, okay? If kokontra ka pa kay Mom aabot ang usapan hanggang Jupiter." She said crossing her arms.

Napakamot naman ako sa ulo. "Sa'n ako matutulog? I know you're not comfortable na makata-"

"Shh!" Tignan mo talagang babaeng ito, ang hilig mangputol eh. Putulin ko kaya sungay nito.

Humiga na ito sa kama at pumikit. "Uhm.. Sa lapag na lang ako matutulog." Sabi ko rito. Wala kasing couch sa kwarto niya.

Actually, this isn't my first time visiting the kwarto. I've been here before, and it feels familiar.

This scenario occurred exactly years ago, when I first arrived here. The guess rooms were not available at the time because they were being renovated. I was about to go home at the time, but due to the heavy rain, hindi pumayag si Mom kaya I had to stay here. She insisted that dun na lang ako matulog, at dahil mga bata pa naman kami noon sabi niya sa kwarto na lang ako ni Hyun matulog.

Tumanggi pa ako noon, dahil nga kawawa naman sila Nanay walang kasama sa bahay. But Mom said naipaalam na raw niya ako kay Nanay.

When I first saw Hyunnie's room na amazed ako, instead na pink ang color since ayun ang karaniwang favorite ng mga bata, kanya kulay red. Her room is 2x bigger than our house. I don't even have separate room with my sister, makahiwalay lang kami ng bed but we don't have separate room.

Dahil nga we can't afford to, at maliit lang ang bahay namin. 'Yung bahay namin is enough for us, we don't need bigger rooms, fancy table, or luxury things. Sapat na sa'min kung anong meron kami, as long as we got each other's back.

Hyun's room has bathroom, kaya hindi na niya need lumabas pa, it even has mini kitchen at mini bar area pero ni isang couch wala?

Kaya natulog ako sa lapag noon. Mom give me mattress at mga unan. But now, walang binigay sa'kin maybe she thought that magkatabi na kami natutulog ni Hyun. I guess matutulog ako ng walang unan, buti na lang sanay ako.

Kasi sa bahay namin noon, sa lapag din ako natutulog. May maliit lang ako na foam na tinutulugan ko. Good thing may dala akong bag, pwede ko na itong gamitin as unan.

Nilapag ko na ang gamit ko and sinimulang tanggalin ang polo ko. Hindi talaga ako sanay matulog na may damit pero dahil nasa ibang kwarto ako, it's better to wear at least a shirt.

Carpeted naman ang floor ni Hyun kaya okay lang mahiga rito. "What are you doing?" Natigil ako sa pangtanggal ng polo nang magsalita siya. Nakadilat na ito at seryosong nakatingin sa'kin.

"Ahh nagtatanggal ng polo?" Kamot-ulo kong sabi.

"Why?"

"Kase maiinit?" Confused kong sagot rito.

Tumaas naman ang kilay nito. "How come it's so hot in here when there's air conditioning?"

Ay oo nga pala. "Ahh eh hindi kasi ako sanay matulog ng naka polo pa." Kamot-ulo ko pa ring sabi.

Pinasadahan naman niya ako ng tingin. Na conscious naman ako. "Why?" Mahina kong tanong rito. I can't find my voice, my heart's beating fast dahil lang nakatingin ito sa'kin.

Umirap naman ito at tumalikod na. Napakamot naman ako sa kilay, napaka talaga. Hindi kita maintindihan Hyun, sakit mo sa bangs.

Tinangal ko na ang pulo ko at humiga. I make myself comfortable, pagod din kasi ako dahil maraming ginawa kanina sa office. Papikit na sana ako when she speaks.

"You can sleep here," I barely heard what she says dahil sa sobrang hina nang pagkakasabi nito.

"Beside me." I quickly open my eyes to look for her. Nakatingin na pala ito sa'kin.

"Ah okay na ako rito Hyun." Pagtanggi ko rito.

Kumunot naman ang noo nito. "Sinabi ko na nga na pwede ka matulog dito, pipiliin mo pa rin diyan? Get up!"

Nagulat naman ako sa biglang pagsigaw nito. "Hurry up, at humiga ka na rito Seulgi." Utos nito.

Dali-dali naman akong tumayo. "Sigurado ka ba talaga, Hyun? Okay lang sa'kin matulog sa lapag-"

"Stop talking and just lay down on the bed!" Putol ulit nito sa'kin.

Hayys kahit kelan talaga...

Nahiga na ako sa tabi nito but I make sure meron pa ring space. Kinuha ko na ang isang unan at ilalagay na sana sa gitna nang kunin niya ito. "What are you doing?!"

Napalunok naman ako sa sobrang talim ng kanyang tingin. "Naglalagay ng divider? Baka kas-"

"Why do we need a divider?" Putol ulit nito sa'kin. Paano niya ako maintindihan kung palagi niyang pinuputol sasabihin ko.

Unti na lang papatulan ko 'to. Pasalamat ka Hyun, mahal kita. "Ah kasi baka hindi ka comfor-"

"What?"

"Would you please make me finish what I'm trying to say first!" Nagulat naman siya sa bigla kong pagsigaw. Mas lalo tuloy dumilim ang kanyang mukha, like anytime sasakalin na niya ako.

I gulped. Hindi ko rin expected na masisigawan ko siya. "Why did you shout at me?!" She deadly said.

Kung ito man ang huling beses na mabubuhay ako sa mundong ito, make Hyun fall for me, please. Huwag mo munang bawiin buhay ko, hindi pa tapos mission ko.

Mas lalo naman akong kinabahan nang itulak niya ako pahiga at umupo sa lap ko. "H-hyun a-ano kasi- s-sorry." Nakayuko kong sabi. I can't look straight at her eyes. She's deadly looking at me kaya mas lalong kinabahan ang puso ko.

She leans in close to my face kaya naman napa-urong ang ako ng unti. "Don't shout at me!" Madiin nitong sabi at hinawakan ang leeg ko.

I gulped. Hindi pa ako handang mamatay, please. Pa resched muna. Napapikit na ako ng maramdam kong tumataas ang kanyang kamay papunta sa mukha ko.

Wala sa sariling napahawak ako sa bewang nito, para sana ilayo siya dahil nag-iinit na ako. Kita mo, kahit kinakabahan ako sa pwede niyang gawin, naisip ko pa 'to. Hindi ko pa balak na gawin ang gaanong bagay. But she started caressing my face and lightly tapped it. "Let's sleep,"

Napadilat na ako sa sinabi niya. "You're not gonna slap me?" Hindi makapaniwala kong sabi.

Tumaas naman ang kilay nito. "Do you want me to?"

I quickly shake my head no. I'm not used to her being like this. Naninibago ako, but I prefer this new side of her than the other one.

"Let's sleep," Muli nitong sabi and lay on top of me. Ramdam kong bumilis ang tibok ng puso when she lays her head right on my heart.

Alam kong rinig niya ito. I can also hear it racing dahil sa kanya. Siya lang ang nagpapatibok ng ganito sa'king puso. "I know you hear my heartbeat faster, Hyun. It's because of you, you're the reason it's behaving that way. I love you." Bulong ko rito when I notice malalim na ang kanyang paghinga, indicating that she's sleeping.

I kiss her head and cover our body with a blanket. I'm glad may improvement, Hyun. But until when? Sana hindi panandalian.

Kapag ako iniwan mo after mo ako pakiligin, mumultuhin talaga kita.

_________________________________________

Eyyyy! Happy 1k reads! Salamat!

The Unwanted Husband (Seulrene) Where stories live. Discover now