Lost without his Love ( Final Entry )

34 5 0
                                    

Nagising akong nakahiga sa malambot na damo na napapaligiran ng maganda't iba-ibang kulay ng mga bulaklak napansin ko rin ang mga paru-parong nagsiliparang ng ako'y gumalaw sa kinahihigaan ko. Hindi muna ako tumayo dahil dinadama ko ang kasariwaan ng hangin at mapayapang kapaligiran. Napalingon din ako sa paligid, andaming matataas na puno na may mga nakadapo na Orchids sa katawan ng puno. At napatingin din ako sa itaas hindi masyadong masakit sa mata ang tumingin sa langit dahil natatakluban ng malalagong dahon ng puno ang init ng araw. Naririnig ko rin ang mga huni ng ibon. Nagkakantahan sila habang lumilipad sa ilalim ng dahon sa itaas. Napaisip ako na parang nasa isang paraiso ako. Iniangat ko ang kalahating katawan ko at naupo. Napansin ko ring may ilog na malayo-layo sa pwesto ko pero sapat para makita ko ang malinis at makintab na tubig ng ilog na nag rereflect galing sa araw. Ang ganda pala talaga ng totong paraiso. Halos hindi mo naiisip ang problema mo pero naisip ko "bakit ako nandito?". Muli ay tumayo na ako at pumunta ako malapit sa ilog at tinignan ang repleksyon ko. Ang ganda ko charut. Nakita ko ang mukha ko sa tubig na may nakalagay sa ibabaw ng buhok ko, puting bulaklak na ginawang korona ang ganda. Pero nagulat nalang ako nung nagrepleksyon din ang mukha ni Duke. Napalingon ako sa tabi ko at katabi ko nga siya. At niyakap ko siya ng mahigpit at muling bumitaw. Nakita ko sa mukha niya na wala ang mga scars at peklat sa mukha leeg at kamay niya.

"Anne yung promise mo sa'kin aa" aniya na nakangiti.

"Oo pangako yun, pero Duke buti mabuti na ang kalagayan mo, pati mga sugat mo nawala siguro nag plastic surgery ka?" tanong ko sa kanya.

Tumawa siya at hindi man lang sinagot ang tanong ko.

"Pangako mo sakin' di mo kakalimutan si Hannah, alam ko galit ka sakanya pero sana pakinggan mo ang side niya. Mabait siyang tao at may dahilan lahat ng ginawa niya. Pakisabi sa kanyang sa kanya ko natagpuan ang tunay na pagmamahal at lagi akong nasa tabi niya hindi ko siya iiwan. Ingatan niyo rin ang sarili niyo at magiging anak niyo ni Hannah." aniya.

Di ko namalayan na muling pumatak ang luha ko.

Bakit kasi si Hannah!? Sa dinami-dami siya pa pero kailangan ko na rin atang tanggapin tsaka gusto ko rin malaman ang side niya. Tsaka parehas kaming nagdadalang tae este tao? Nagbunga rin ang kalandian niya charut pero sabi ni Duke minahal niya ng totoo si Hannah. Wala na akong magagawa kaligayahan niya yun. Pero

"Duke tara na uwi na tayo. Kawawa naman si Hannah kung iiwan mo siya. Tsaka si Tristan." napatigil ako sa sinabi ko. Oo nga pala si Tristan, parksheet nakalimutan ko siya. Hinila ko si Duke pataas para makabalik na pero di ko alam ang lugar na to pero parang napuntahan na namin to ni Tristan di ko lang maalala. Pero bakit parang ayaw kumilos ni Duke?

Napatingin ako sa kanya ng may pagtataka pero nakangiti siya.

"Di na ako pwedeng sumama e." aniya nakangiti at may biglang pumatak nalang na luha. Ano ba to si Duke nadadala ako ng luha niya bakit? Di ko maintindihan siya.

"Bakit naman nakakainis ka Duke. Tignan mo umiiyak na ako." ani ko nakakainis kasi siya e, nakakadala ang iyak niya.

"Anne pwede ba ulit humingi ng pabor?" aniya na na crack ang boses niya dulot ng paiyak na siya at di ako nabigo umiyak nga siya pero wala na ang ngiti sa labi niya.

"Oo papayag ako basta wag kang umiyak. Di ko tuloy matigil ang paghikbi ko o." ani ko at napangiti siya ulit.

"Payakap nga *lumapit sakin at niyakap* at pahalik sa noo *at hinalikan niya ako sa noo* para sayo yan at para rin kay Hannah. Sabihin mo gusto kong pangalan para sa anak namin Hanke lalaki magiging anak namin. Hihintayin ko siya dito." bumitaw na siya sakin at pinunasan niya ang luha niya.

Nang Dahil Sa Connection (with Extended Chapter)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ