Mahal ko o Mahal ako?

17 5 0
                                    

Dinala ko siya sa Hospital --- i mean ni Papa. Halos mapaos na ako kakasigaw pero tinitignan lang nila ako. Tinawag ko si Papa na dalhin sa Ospital si Tristan marami daw akong di alam kaya parang iwas ang mga tao.

*H O S P I T A L*

"Dok, kumusta po siya?" Tanong ko.

"Maam, di na po ako magpapaligoy-ligoy, maliban sa napunit ang balat sa kanyang kilay mula sa pagbagsak, namataan din namin na bumalik ang kanyang sakit?"

"Sakit? Anong sakit niya Dok?" Tanong ko na may pagtataka.

Walang sinabi sakin si Tristan nung kami pa. Tsaka bumalik? Paanong bumalik di ko maintindihan talaga. Umiiyak parin ako. Ewan di ko alam kung awa o narealize ko mahal ko ulit si Tristan. Pero mahal ko rin si Duke. Ugh! Nababaliw ako.

"Miss ano po ba ninyo ang pasyente?" Tanong ng Doctor.

"Girlfriend niya po." Sabi ko pero may narinig akong pumalakpak.

Napalingon ako si Duke. Paanong nandito siya?

"Duke ..." ani ko na may tumutulong luha.

"Totoo ba ang narinig ko?" Malamig na tanong niya pero di ako magpapaapekto.

"Wag muna ngayon Duke, kailangan ngayon ako ni Tristan." Umiiyak na sabi ko. Hindi ko alam ang hirap ng ganto.

"Sa tingin mo ba di kita kinakailangan ngayon?" Pigil na galit na tanong ni Duke.

"Please naman Duke, wag muna ngayon, he's on critical situation Duke." Sabi ko habang umiiyak.

"Pucha naman Anne, ako ang boyfriend mo pero bakit parang pinagtataboy mo na ko..." ani niya na umiiyak na rin.

"Dahil mahal ko pa siya Duke." Sabi ko at napa upo siya sa may waiting area. Ewan di ko na initindi yung Doctor pero nasa likod ko parin siya.

"So lahat lang pala ng pinagsamahan natin balewala? Ganun ba?" Tanong niya na galit.

"Hindi balewala lahat yun sakin. Mahalagang alala sakin lahat ng nangyari satin. Mahal din kita." Ani ko. Ang hirap ng gantong sitwasyon please Duke wag muna ngayon.

"Sorry for interrupting Maam and Sir, pero ang pasyente nasa malubhang sakit." Sabi ni Doktor

"Pushang Ina dok, ano ba kasi sakit niya?" Tanong ko kay Dok

"Meron siyang kidney cancer. Mabilis ang pagtungtong sa stage 3 ng kanyang sakit dulot ng masamang bisyo, Nasira niya ang pangalawang Kidney. Naoperahan na siya nuon nung trese anyos siya. Kaya medyo mahirap ang sitwasyon ng pasyente kasi sa pangatlong beses dapat mapalitan na ang kanyang kidney. Hindi na aabot pa ng 2 buwan ang buhay niya, ginagawa namin lahat para sa buhay ng pasyente, pero wag kayong mawalan ng pag-asa nandiyan ang diyos magtiwala lang kayo. Maiiwan ko na kayo." Sabi ni Dok.

Napa-upo nalang ako sa Sahig ng Hospital. Halos wala siyang nakwento sakin tungkol sa sakit niya.

Bakit ang unfair niya? Nakakainis siya.

"Maiwan na muna kita." Ani Duke at umalis nakita kong nagpahid siya sa mata ng luha. Tinawag ko siya pero di siya lumingon.

Pununta na sa Room 8 si Tristan. Biruin mo nga naman monthsary pa namin ang naging Room niya. Habang tinitignan ko siya sa higaan niya. Naalala ko nung nakaraang niligawan ko siya ang taba ng pisngi niya. Ayaw niyang magulo ang buhok niya. Ayaw niya ang damit na hanggang bewang gusto niya hanggan sa ilalim ng bewang. Napansin ko pa niya noon ayaw niya ring mahaba at madumi ang kuko niya.

Haay. Pinunasan ko ang luha ko. Naaawa ako kay Tristan sa sitwasyon niya. Ang payat niya na pero nandoyan parin ang hitsura niya kaso lumubog ang pisngi niya dulot ng pangangayat.

Nakita kong gumalaw ang kamay ni Tristan. At lumapit ako hinintay magising.

"Lalabs?" patanong niya habang pamuklat na mata niya.

"Ako nga to tristan ang lalabs mo." Sabi ko at napaiyak nakakaawa siya pero kailangan tibayin ko ang loob ko.

"Lalabs, sorry sa lahat ng ginawa ko hindi ko kinayang mawala ka sakin. Sorry kung di agad ako naniwala sayo na niloloko lang ako ni Hannah." Iyak na iyak siyang nagpapaliwanag.

"Okay na Labs, wag ka ng umiyak. Pano ka gagaling niyan" sabi ko napinipigilang mapaluha.

"Alam mo na pala na bumalik ang sakit ko, nakakayamot lalabs, sa dinami-daming pwedeng magkasakit ako pa! Gusto ko pang mabuhay nang matagal at kasama ka." Ani Tristan habang umiiyak. Naalala ko yjng sinabi ni Dok di na siya aabot ng 2 buwan.

Di ko na napigilan na napaiyak na ako't humagulgol habang yakap siya dapat mapalakas ko ang loob niya. Hindi pa dito matatapos lahat.

"Hindi kapa mamatay labs, maniwala ka sakin ahh, mag sasama pa tayong dalawa. Hinding-hindi na kita iiwan Labs mahal na mahal kita"sabi ko.

Umiiyak lang sya habang magkayakap kami. At nang tumahan na siya at ako. Nagkwentuhan kami. Nawala na pala si Hannah nung nalaman niyang maysakit si Tristan nakipaghiwalay sa kanya. Pero nahuli niya na daw si Hannah bago pa niya sabihin ang karamdaman niya na may kahalikan na lalaki at malala pa naka siping. Nag bisyo na daw siya alak, sigarilyo, pati bawal na gamot tinira niya, kayakinamumuhian siya ng tao sa Barrio kasi naging basagulero daw si Tristan na hindi ko inaakala. Pero pinagsisihan niya na daw yun lahat na nagawa niya at itutuwid ang mali na kasama daw ako.

Ako naman inexplain ko lahat ng plano ko nung di ko siya ni-contact ng sampung araw. Grabe daw pagsisisi niya. Hindi niya daw muna hinayaan akong magpaliwanag. Akala niya kasi nakahanap na ako, kaya naghanap daw siya. Diba nakakainis? Pero okay na tong nagkaintindihan na kami.

PERO nagulat nalang ako ng maalala ko si Duke, boyfriend ko siya ngayon, paano na to? Ayokong sabihin kay Tristan kasi okay na kami. Tsaka hindi ko maintindihan ang sarili ko mahal na mahal ko parin pala talaga si Tristan. Kailangan kong hanapin ang babaeng haliparot na nag ngangalang Hannah. Tignan natin kung saan ang kalandian niya. Napapaisip ako, si Duke nagtatampo yun pero hindi naman masama pakiramdam niya. Pero si Tristan andito nagdadanas ng sakit. Pareho ko rin silang mahal, pero dapat may isa na akong bitawan. Tinignan ko si Tristan nakatulog na kasi sa kakaiyak. Diyos ko, milagro naman po ngayon nalang kami nagkaayos ngayon pa nangyare ang lahat ng to. Kung kapalit lang ay may iwanan akong isa siguradong alam na alam niyo po yun.

Napag isipan kong kailangan kong mag desisyon, at pumili sa dalawa. Si Tristan na mahal ko o si Duke na mahal ko rin. Ang hirap pero kailangan ko nang pumili sa dalawa.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Nakahinga na ba ng mabuti? Comment and Vote po. 6 or 5 chapters to go :)

Nang Dahil Sa Connection (with Extended Chapter)Where stories live. Discover now