P r o m i s e

80 6 0
                                    

"Lalabs, gawa mo na?" Tanong ni Tristan sakin.

"Ito labs, inaayos ko gamit ko." Sagot ko

"Lalabs tuloy ka talaga? Diba pwede naman dito kana pumasok ng College? Iiwan mo talaga ako." Sabi niya. Hayy alam ko naka pout nanaman to sarap pisilin ng pisngi niya swear Hihi.

"Di naman sa ganun labs, tsaka babalik naman ako agad ee. Madali lang matapos ang panahon." Ani ko.

Mahirap man kasi pero kailangan kong gawin para rin to sa future ko, or let's say sa future namin. Ayoko sanang mapalayo sa kanya kaso ang ginugusto kong kurso wala dito sa Probinsya.

"Sana nga lalabs madali lang ang apat na taon, di ka pa nga umaalis lalabs namimiss na kita." Ani Tristan.

"Alam mo ang drama mo Labs, tsaka sa Friday pa ang alis ko, Monday palang ngayon." Ani ko.

"Lalabs date tayo ngayon sa ----"

"Hello labs? Anjan kapa?"

Ilang beses na ako nagsasalita pero walang sumasagot ng tignan ko phone ko. Ngek! Tapos na yun tawag. Hinihintay ko nalang ang tawag niya ng

Isa... dalawa... tatlo... sampu... bente... kalahating oras na ang tagal niyang tumawag? Akala ko ba gusto niyang mag date kami? Ayyts...

*the number you have dial is unattended or out of coverage area please try your call later*.

Yung feeling na dina-dubsmash muna paulit ulit yung sinasabi kainis palagi nalang ganto nasa labas na ako ng bahay. Pero masbmabuti na ata tapusin ko muna angnpag ligpit ng gamit ko.

Ako nga pala si Anne Ramirez-Alfonso Hihi. 18 years old. Hindi naman ata katangkaran ang 5'6 diba? Too humble hehe. Long time boyfriend ko na si Tristan Alfonso, halos 4 na taon na kami. Halos sa dinadami nangyare samin iyakan, harutan, awayan, lambingan, tampuhan, at puno ng pagmamahalan. Isang beses nga di ko inasahan tumatawag ako sa kanya biglang babae yung sumagot makikipagbreak na sana ako kasi sinabi nung babae asawa niya daw may ari ng number na yun. Inaway ko pa yun, pinagmumura, nilapastangan pagkatao niya charot! Makikipaghiwalay na sana ako kay Tristan nung malaman kong lahat na yun but sa halip na ipaglaban niya humalakhak ng humalakhak ang halimaw dun ko natunton.

Wrong Call pala ako. Sounds foolish right? Aaminin ko minsan pagka-Oa ko lumalabas ng tanga. Pero di naman ako tanga pagdating sa Eskwelahan mga Slight lang ^^,

Naayos ko na lahat ng gamit ko, halos mag aalas-3 na ng hapon medyo gutom na rin ako. Kaso wala pala si Mama, si Papa nagpasada ng mahal niyang si Carmela (Motorsiklo ni Papa) timang lang nuh? Binigyan pa ng pangalan.

"Lalabs? Andito kaba?" Sigaw ni Tristan. My Gawwwwwd andito siya. Why ba inlove na inlove ako sa Mokong to.

"Wala ang Lalabs mo dito, namalengke, naglaba, may ginagawa, tulog, naliligo, bukas ka na daw pumunta." Sigaw ko sakanya.

Narinig kong binuksan niya yung Gate. At narinig ko ang yapak ng sapatos niya papunta sa Sala.

"Andami namang ginawa ng Lalabs ko. Ang tanong ginagawa mo ba yun?" Ngisi niya sabi sakin.

"Mokong to ah! E kung sabihin ko sayong Unica Iha ako ni Mama? Kaya di niya ako pinapagawa sa Gawaing bahay, maliban lang sa pag tupi at ligpit ng gamit. Oha! Atleast may gawain ako." Ani ko.

"Anong unica iha ka jan? Sabihin natin bobo ka lang sa pamamalengke pinapabili sayo Upo, binili patola." Ani ni Mama. Na biglang sulpot sa pintuan san kaya to galing?

"Mama naman pinapamukha mo naman akong tanga, san kaba nang galing?" Ani ko.

"Ta mo! Di kalang bobo, bulag kapa, malamang namalengke shunga lang nak? Pasensyahan mo na Tristan tong anak ko ahh mukhang may saltik ee." Ani mama.

"Hehe okay lang po Ma, mahal ko naman si Anne kahit ganyan yan eh" tugon ni Tristan at kumindat pa.

"Ouch naman nay! Parang di niyo ako anak." Sabi ko.

Ayun astig ni Mama, dedma lang sinayang niya effort ng luha ko. Tsk!

"Busangot ka nanaman, mukha kang unggoy." Ani Tristan.

"Sinong unggoy na mokong ka. Umayos ka labs ah"

"Joke lang naman lalabs. Tara date na tayo?" Ani tristan.

"Ge na nga. Magbibihis lang ako. Diyan ka lang wag kang sumama sa kwarto hihi."

Andito kami ngayon sa isang restaurant malapit sa Bay. Hayy ang ganda talaga dito.

"Haaaay, kailan kaya ulit tayo makakapunta rito?" Ani tristan na nag eemote nanaman.

"Ano kaba Labs bukas at makalawa, tsaka alam mo Labs wag ka na nga mag emote diba dapat ako ang mag eemote tsaka mahirap rin para sakin to." Ani ko

"E mamimiss kasi kita ee." Ani niya at yumuko.

Naawa ako kay Tristan. Halos kasi sa apat na taong pagsasama namin ni walang taong nakasira samin pero muntik oo. Pero di rin natuloy diba kasi kami parin lakas kaya ng pagsasama namin. Pero seryoso, parang ako ang lalaki sa relasyon namin. Biruin mo ako pinipilit kong malakas siya hindi. Aba matinde!

"Umayos ka nga Labs, nilalakasan ko rin ang sarili ko kahit ayoko mapalayo sa'yo. Tsaka dapat ikaw ang unang susuporta sa gusto ko. Tsaka labs tandaan ako ang babae satin." Ani ko.

"Lalabs naman ee. Hindi ba pwede dun na rin ako pumasok." Tanong niya.

"Shunga lang labs? Ano pinag kapareha ng Tourism sa Engineering? Isip din labs" Ani ko.

"Seryoso nga kasi lalabs, pero mag-iingat ka dun. Pipilitin kong maging independent tayo sa ngayon." aniya.

"Ganyan nga labs. Ayokong panghinaan ng loob, gusto mo matupad ang pangarap ko-natin diba?" Ani ko. Pinipigilan kong tumulo luha ko. Duwag kasi to si Labs sa iwanan pero sakin lang siya naduduwag. Defensive girlfriend noh?

Tumango siya bilang sagot na Oo.

"O dapat kailangan natin matupad yun. Tara na labas na tayo baka pati plato makain ko pa." Ani ko.

Andito na kami sa Baywalk ngayon naghahanap ng pwesto magsa-sunset na rin kasi ang ganda kaya panuorin nun habang lumulubog. Nang nakahanap na kami ng pwesto bumili siya ng Biscuit at Softdrinks, cheap nuh? Pero okay na yan kesa nganga.

Habang nakaupo na kami biglang nagpatugtog sa radyo si Manong na nanglilimos ewan kung bulag talaga naka shade kasi ee.

[play All my life para sa scene na to']

"Lalabs 'wag kang maghanap dun ng iba ahh. Hindi ko alam kung kaya ko pang mabuhay pag nawala ka sakin." Ani tristan

Mejo kinabahan ako sa sinabi ni Tristan na ganun. Pero bakit ako kinakabahan wala naman akong balak lokohin siya. Kaya go with the flow with Carefree charot.

"Promise labs ikaw larn sapat nua. Hindi ako maghahanap ng iba full package kana para sakin. Ikaw rin labs ah' wag kang magbabago." Ani ko.

"Kung anong problema natin dapat agad ayusin ahh. Dapat alam ko lahat ng ginagawa mo dun o san ka pumupunta." Ani tristan na sa oras na ito seryoso siya.

"Aye. Aye labs! I love you labs! Walang titibag ako lang ang babae mo." Ani ko.

"I love you too Lalabs! Walang titibag ako lang dapat ang lalake mo." Aniya

At nag pinky promise kami at muling pinanuod namin ang sunset na magkahawak ang kamay Hindi ko kayang mapalayo pero kailangan talaga.

Alang-ala samin tong gagawin ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Drop a Comment goys pretty please ╮(╯◇╰)╭

I want your reaction ee.

Nang Dahil Sa Connection (with Extended Chapter)Where stories live. Discover now