Bakit ganito? :(

22 4 0
                                    

Dinala namin sa baba si Tristan sa baba at agad naman nagdala ng Wheelchair? Sa halip na yung parang higaan ilagay siya, yan tuloy naka anggat ulo niya. At dinala siya dun sa E.R.

Halos dalawang oras na akong naghihintay sa labas natext ko na rin sila Mami, Tito, at si Papa. Ogag! Yan pag nasa taas pala walang signal loko yun ahh! O sadyang pinapatadhana kami ni Tristan.

Pero sabi niya diba kanina parang pinaglalayo daw kami ng tadhana well kung talagang pinaglalayo kami ng tadhana. Makikipaglaban ako para lang kami ang maitadhana charut!

Naalala ko tuloy yung masasayang araw namin ni Tristan nung mga High School napapagkamalan pa kami na Bakla-tomboy na partner. Kundi lang sa Looks namin di maaalintala na Babae't lalaki kami. Palagi naming ginagawa bago mag uwian galing eskwelahan aakyat pa kami sa 3rd floor bldg. ng school para lang mapanuod kami ng Sunset. Kakamiss yun.

"Miss!? Nakikinig kaba?" ani ng nasa harap ko... ay doktor pala.

Sorry dok kung di kita napansin bigla ka kasing umepal. Charut lang. Kamusta na po si Tristan maayos na po ba siya? Gusto ko po siyang makita.” hysterical kong tanong. Oo nakikipagpatintero ako kay dok makapasok lang.

Miss baliw kaba? Hindi ka pwedeng pumasok sa loob nasa Operating room siya. Tsaka kritical na ang kalagayan ni Tristan, ayon sa kalagayan ng kanyang atay, halos umitim na ito at mayndurog ang kaliwa, pasensya na pero isang linggo nalang ang magiging buhay niya kapag wala pang kidney donor para sa Transplant.” ani ni Dok.

Bakit ganun? Parang tinutusok ang puso ko habang sinasabi yun ni Dok. Scheduler ba siya? Nakakayamot.

Mawalang galang na Dok. Hindi ako baliw unang-una at hindi huli. Tsaka sa tingin mo ba makakalma ka kung alam mong kritikal na ang kalagayan ng taong mahal mo?! Sabihin mo dok!? Tsaka panong isang linggo manghuhula kaba? Sa halip na gawin niyo ang lahat para madugtungan ang buhay niya.” ani ko habang inaambahan ng kamay ko ang dibdib niya.

Miss mauna na ako sayo may iba pa akong appointment, sana magkahimala para sa mahal mo. Kausapin mo ang diyos baka ikaw ang hinihintay niya. Excuse me” Ani dok at tuluyan ng umalis.

Hindi parin ako matigil kakaiyak at dumating na rin sila Mami nanay ni Tristan. Sinabihan pa nga akong kumain muna ng pananghalian. Pero wala akong gana. Pumunta nalang ako sa Rooftop ulit. Tinignan ang ulap, Sunset nanaman. Pero napaluha nanaman ako. Ang hirap ng ganito. Bakit ganito? Sinabon ko naman Charut! Bakit ganito? Kung kelan malinaw na samin lahat. Pero lahat nga ba? Pano relasyon namin ni Duke. Hihiwalayan ko na sana siya sa personal pero hindi ngayon.

Ngayon ko ata kailangan kausapin si G.

“Lord patawad, pagkat ako'y makasalanan, makasalanang nilalang charut! Lord, pasensya na po kung bihira lang kitang kausapin pero hindi naman po ako yung taong tatawagin ka pag me kailangan. Pero ngayon ko lang po ginawa to, halos kaso mabaliw na ako kakaisip kung anong gagawin ko.” sininga ko muna sipon ko epal kasi e.

Lord, sana naman po wag ngayon. Di ko pa kaya. Kung hindi man po ako makahanap ng mag dodonor kahit--- kahit--- dalawang linggo makapiling ko lang siya na malusog at masigla. Pero lord, magbigay ka naman po ng senyales kung may pag-asa pa po ba? O hanggang asa nalang ba?” ani ko at umiyak na ng bonggang-bongga. Halos madilim na nung bumaba ako ng nag text si Duke? At ang lakas pa ng loob niyang magtext.

From: Duke
Anne alam ko galit ka sakin, sorry sa kung napagbuhatan kita ng kamay, sorry kasi nagtaksil ako di ko kasi maiwasang magselos kahit alam kong may sakit si Tristan. Bilang kapalit sa mga nagawa kong masama sayo. Handa akong tulungan si Tristan malakas naman ako at inom lang naging bisyo ko pero kaya kong maalis yun. Ibibigay ko sa kanya ang kaliwa kong kidney. Hihintayin ko ang responde mo para maka aksyon na ako. Tandaan mo Anne, ginagawa ko to para sa ikakasaya mo alam kong mahal mo pa siya kaya handa akong ibalik ka sa kanya.

Nang Dahil Sa Connection (with Extended Chapter)Where stories live. Discover now