U n e x p e c t e d

15 5 0
                                    

Napag-isipan kong ipabukas ko nalang ang pagpunta tsaka bukas na Monthsary namin noh! Hihi kaya nga binilan ko siya ng Favorite niyang Tada!! Polong Pula hihi.

Halos napagod rin ako kahit alam kong tulog ako di ako makabwelo matulog sa bus partida nga kanina mahina lang daw ang hilik ko sabi ni Manong Kundoktor. Oha!?

Kinaumagahan pero Gabi na.

Gan'to talaga kabilis duba? Ganyan ka-excited ang Jeep ay este Jhefpney na yan. Sabi niya kasi Ano pang silbi ng short story kung di naman maikli. Pero wala akong paki sakanya di kami close charut.

Bumili pa nga ako ng paborito naming Banana Que tsaka Softdrinks. Bitbit ko rin yung bag na laman ng Regalo ko. Papalapit na ako dun' sa may bakuran nila ng may narinig akong sigaw ng babae.

Nagpaka superhero na ako kasi baka dito ako madiscover ee. Pero shet! Sino tong babae na naka-panty lang?

"Sino ka? At bakit ka pumasok dito sa pamamahay ko!?" Sigaw nung babae. Sino ba siya?

"Mahal sino ba yang ... Anne?" Woah? Tristan? Infairness gu-mwapo siya ahh. But sino ang babaeng yan tsaka naka Undies lang sya. Shet! Sana

mali ang inaakala ko.

Tulala lang kami sa isa't-isa. Pero basag rin tong babaeng to biglang umepal. Sandalan ba naman si Tristan? Mukha siyang tuko swear!

"Labs bakit ganyan ang suot mo? Tsaka sino siya." Sa halip na sumagot si Tristan, yumuko ang pucha! Matindi talaga tong baklang to. Walang GMRC (Good manners right conduct yun' bobo ng author) but i have to take it seriously ... mali grammar ko leshe! Tagalog nalang para no offense. Kailangan ko muna mag seryoso.

"Ako ang mahal ni Mahal" taas-noong sagot nung babae.

"Ikaw ba tinatanong? Wag ka ngang epal." Ani ko pero bakit di ako makagalaw sa kinatayuan pero para ring biglang may bumuhos na yelo at malamig na tubig sa katawan ko (Ice bucket charut) na ikinaguho ko nang sabihin ni TriStan ang

"Ang girlfriend ko, si Hannah." Pero parang di bukal sa loob niyang sabihin ang Girlfriend.

"Pero ... Paano tayo? Paano pagsasama natin?" Sabi ko hind ako tulad ng ibang babae, tatakbo nalang at di na ipaglalaban.

"Wala ng tayo Anne, diba halos sampung araw mo ako pinabayaan?" Ani Tristan na nakatingin sa iba tsaka biglang titingin sa kisame, pinipigilan na pumatak ang luha.

"Pushart kang bakla ka! Sampung araw pinalit mo tong hito na to sakin? Sa halip mas maganda ako diyan. Kaya ko yun ginawa kasi gusto kong i surprise. Pero ako ang na surprise." Ani ko pero di ko na pigilan pumatak ang luha ko.

"Hoy! Hindi ako hito! Diba mahal?" Ani Hannah.

"Huwag kang umepal! Kung ayaw mong ngudngudin ko mukha mo diyan sa sahig." Banta ko sa kanya.

"Subukan mo."

Sinusubukan ang galit ko nito ahh!

"Hoy bakla! Hawakan mo to wag mung kakainin o iinumin yan!" Ani ko. At nung nahawakan na niya yung bitbit ko.

Nagsuntukan lang naman kami, sipaan, sapakan, sabunutan, bato bato pik, chinese charut! Matatapos na ang away namin nung natumba ang hito. At aambangan ko na ng suntok ng bigla akong hilahin ni Tristan.

"Itigil mo na to Anne. Please tama na, hindi ka ganyan." Ani Tristan.

"Nagtiwala ako sa'yo Tristan. Tapos gan'to madadatnan ko. Hindi ko lubos maisip na gagawin mo to sakin. Congrats sayong bakla ka! Nagtagumpay kang saktan ako."

Aalis na ako ng bahay nila ng bigla niya akong tinawag. Lumingon naman ako at lumapit. Pucha! Oo nga pala yung pagkaing pinahawak ko tsaka yung Polo.

Hinatak ko sa kanya yung pinahawak ko. Pero yung Polo? Tinapon ko sa basurahan nila.

Umiiyak ako pauwi habang kinakain bitbit ko sayang kaya tsaka napagod ako dun ah!

"Anaaaaaaaaak! Anong nangyare sayo? Bakit ganyan itsura mo? Na rape kaba? Ilang putok at nang mq blotter yan." Ayos nuh? Tunanong kung na rape tatanong pa kung ilang putok. Ogag.

"Ok lang to nay, tsaka na rape ka jan." Ani ko. Ayoko sabihin sa kanila. Ayoko mag-alala sila duba?

"Ee bakit ganyan mata mo? Diba galing ka kila Tristan ano bakit daw di siya nakapunta?" Ani Mama. Yan na nga ba?

"May Ebola siya nay, pang Lifetime na sakit yun. Di na siya pwede lumapit sa atin." Ani ko pero bigla ba naman akong kinotongan. Aray ahh!!

"Gaga pinaglalaruan yun sa Court bobo mo nak ano nga kasi yun?" Ani Mama.

Pero di na ako nakasabi kundi naiyak nalang. Agad nalang akong tumakbo papuntang kwarto. Shet! Kakalungkot naman ang magiging pasko ko. Wala siya, akala ko pa naman makakasama kaming mag simbang-gabi pero di pala. Ayy juicecolored ano bang nakain nun? Bakit? Buti nalang sana pala di na ako natuloy dito. Pero bigla kong naisip yung cellphone nga pala!

Kinalikot ko na ang Bag ko, at Hola! Nakuha ko na pero lowbatt ehh. Kaya chinarge ko muna, di tunganga iyak ng iyak hanggat sa nakatulog.

Kinaumagahan ko na nabasa yung mga Messages niya sakin na halos mag 458 na to be exact na text niya. Puro galit kaba?; Please reply; Lalabs niloadan na kita textbk kana man ohh; Ano bang nangyayare sayo?

Pero ang mga di ko kinaya na mga text niya ay
Ganyan kana ba ka selfish? Iniisip mo lang sarili mo lalabs; Ayaw mo naba sakin?; Hindi na kita pipilitin pa lalabs pag di kapa nagtext sa huling araw ng November di na kita aabalahin pa.; Makakahanap rin ako kasi sigurado meron kanang ibang gusto.

Duba? Nakakaguilty nga naman ang ginawa ko kaya pala dapat. Magsorry ako. Tama magsosorry ako. Gagawin ko ulit yung dati. Kinuha ko yung gitara sa dingding ng kwarto ko medyo maalikabok na rin pero wala akong paki. Dumiretso muna ako sa Tindahan binilhan siya ng Tatlong Cloud9 favorite nya yun ehh.

Alam ko nagtataka kayo, pero ako pa talaga nanligaw kay Tristan kay Labs :) torpe nun. Tsaka di naman ako conservative sa pagkatao ko, kaya ako gumawa ng way duba? Try niyo rin hihi. Ansaya mapunta sayo ang taong mahal mo Charut.

Andito na ako sa harap ng bahay nila at inayos ko ang upo ko dun sa maliit na lamesa pinagtutungaan ni Mang Kanor, tiyuhin ni Tristan.

Tanghaling-tapat ngayon tirik ang araw pero hindi ako makahintay sa gabi. Ini-strum ko na ang Gitara ko.

Sandali nalang,
Maari bang pagbigyan,
Aalis na nga,
Maari bang hawakan ang iyong mga kamay,
Sana ay maabot ang langit ang yong mga ngiti,
Sana ay masilip,
Wag kang mag alala
Di ko ipipilit sayo,
Kahit na lilipad,
Ang isip ko'y torete sayo ohhh...

Itutuloy ko na sana ang kinakanta ko ng nakita ko si Tristan na maga ang mata pero bakit

"Ang init-init Anne, ang ingay mo. Umuwi kana." Ani tristan pero di nakatingin sakin.

"Pero bakit di ka makatingin sakin? Kung pagbibigyan mo ako mag explain maiintindihan mo ako" ani ko.

"Kailangan paba? Malinaw na sakin Anne." Malamig na sagot niya sakin.

Eto nanaman si Luhang epal pumapatak nanaman.

"Alam mo Tristan!? Napaka manhid mo, ako na nga tong gumagawa ng paraan para magkaayos tayo. Sa halip na dapat ikaw ang mag-explain ako pa. Napaka bakla mo, nakakayamot ka! Bakit ganyan kapa? Tandaan mo Tristan 20 years old kana, pero ang ugali mo parang 14 gaya nung dati. Magbago ka rin nuh?" Ani ko.

"Tapos kana ba? Makaka-alis kana." Gaya kanina, malamig na tono niya at agad sinarado ang pintuan diba disappoint ako.

Kainis! Gusto ko ng kausap pero sino? Wala naman akong ka-close dito ee. Umuwi na lang ako at nagmukmok sa kwarto. Napaisip ako si duke! Pero sabi ko sa kanya, di ako hihingi sa kanya ng tulong. Pero ngayon lang naman duba?

Nang Dahil Sa Connection (with Extended Chapter)Where stories live. Discover now