Pagdedesisyon

14 4 0
                                    

Halos isang linggo na si Tristan dito, mas lalo siyang pumayat, ayoko sanang isipin pero madali na rin ang kanyang oras kaya sinusulit ko at sinusulit ko rin makahanap ng donor ng Kidney. Hindi ko makontak si Mami-ay Tita pala. Hindi niya pa alam. Biruin mo naman pumunta pa ako sa bahay ni Tristan, putek andaming kalat na bote mga basag, mga upos ng sigarilyo, at pasak ng sigarilyo. Hinanap ko Cellphone niya at buti hindi niya pa pinalitan ang password. Lalabs8. Kinuha ko number ni Tita kasi nagpalit daw ito ng number.

"Ano!? Panong nakabalik!? Saang hospital kayo."

Ani mama- ay tita pala.

"Tanungin niyo nalang po kay Dok, nasa Carangahan Hospital po tita." Ani ko

"Sige, pero teka bakit ikaw Anne ang nandiyan? Asan si Hannah." Takang tanong ni Tita, nanay ni Tristan. Nakabukod kasi si Tristan kasi sabi niya sakin gusto niya lang daw para malapit siya sakin.

"Wala na po sila ni Hannah." Ani ko at pigil na galit.

"Hay salamat, alam mo anak, ayaw ko talaga siya kay Tristan kasi itsura palang parang malandi yun unlike sa'yo, na mabait at marespeto." Ani ni Tita. Tinatawag talaga ako ni Tita na anak, kasi nga nung unang pinakilala ako ni Tristan sadyang nagustuhan talaga ako ni Tita. Kaka overwhelmed din duba ang sinabi kaso parang kulang wala atang maganda assuming me hihi.

"Tita pupunta po ba kayo? May pupuntahan lang po kasi ako."

"Ahh yes anak, pupunta ako diyan wait for a while ahh. And don't call me tita mas magandang Mama." Aniya.

Actually tawag ko talaga sa nanay ni Tristan, Mama minsan Mami. Kaya parang feel ko welcome parin ako sa kanila.

Hinintay ko lang si Mama, at dumating na siya. Nagpaalam ako sa kanya sinabing may kailangan lang kausapin. Kailangan ko ng kausapin si Duke. Tinatawagan ko siya palaging busy minsan out of coverage daw.

Dumiretso muna ako sa Opisina ni Duke. Wala siya dun tinanong ko ang secretary nila sabi lang sakin di po siya pumasok Miss, tsaka bakit niyo po natanong, mukhang may problema kayong dalawa ahh.

Diba? Chismosa. Nginitian ko lang siya kesa sagutin wala naman siyang matutulong sakin.

Dumiretso ako sa mansyon niya. Nakita ko si Manang katulong siya dito sa bahay.

"Magandang hapon po Manang. Andito po ba si Duke?" Tanong ko at parang nabalisa ito. Bakit naman kaya?

"Aah... eeh... Wala dito si Sir ehh, mamayang alas-6 pa yun ng gabi uuwi may ipapasabi kaba?" Kabadong sagot ni Manang. Nahalata kong may tinatago si Manang.

"Manang! Asan na po yung pagkain? Pakidala niyo na po pagkain namin dito sa kwarto." Narinig kong sabi ni Duke sa parang Box, parang telepono yun na nakakausap mo rin ang nasa kabilang linya. Teka namin? Ibig sabihin may kasama siya? Sino naman? At bakit parang nagsinungaling sakin si Manang.

Tinignan ko si Manang, at napayuko. Nakita ko may pagkain na sa lamesa nakalagay sa Tray.

"Ako ang magbibigay." Malamig na sabi ko.

"Pero Maam... Sorry po." sabi ni Manang.

"You don't have to worry Manang, baka si Duke na nagpasabi na wag sabihing andito siya but he fail." Sabi ko. Oha!? Nakaka-english rin ako pag galit.

Dumiretso ako sa hagdanan paakyat sa paikot na hagdanan. Nasa ikatlo na akong palapag at nakaharap sa pinto ng kwarto ni Duke.

*tok-tok-tok* kumatok ako baka isipin niyo sinabi ko pa yan.

Nang Dahil Sa Connection (with Extended Chapter)Where stories live. Discover now