Kasiyahang kinatakot ko.

21 4 0
                                    

This chapter is Dedicated to my Bebest @CarmiEllaBognalbal thanks bebest sa pag support Ayabyu hihi. Keep reading guys XoXo.

---------------------------------------------------------------------------
Ito ang araw na kinakatakot ko. Sabi ni Papa ikakasal daw ako ngayon. Anong nangyayari ba sa kanya? Porket ba ang dating tricycle niya naging kotse na, pati ba naman pag-uugali niyang mabait naging pusong bato na? Grabe si Papa.

“Anak, ayos ka lang ba?” ito na nakasuot na ako ng Wedding Gown. Masaya sana ako kung si Tristan ang papakasalan ko.

Ni hindi alam ni Tristan, ni tito at ni Mami na nanay ni Tristan na walang pangalan dito sa kwento. Leshe tong author pinahihirapan IQ ko, ang hina na nga pero seryoso natatakot ako.

Alam mo nak, may plano ang diyos para sayo, kaya wag kang mawalan ng pag-asa alam kong ayaw mo na kay Duke pero papa mo na nagsasabi ee.” Yinakap ako ni Mama. Himala ata? Ibang iba nung dati si Mama. Pero okay nanto kahit papano parang may kakampi ako. Ngayon ko lang naramdaman na may Ina akong hindi bitter sakin.

Tumingin sakin si Mama. At kumunit ang noo. Sabay duro ng noo ko.

Hoy! wag ka nga magdrama papangit ka niyan, ngiti lang nak. Para di ka haggard. Masaya ako sayo nak. Asikasuhin ko muna si Justine.”

SI justine bunso kong kapatid magta-tatlongntaon na yun. Pero alam niyo. Halos mabaliw na ako sa loob-looban ko hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Hindi ako makatulog ng maayos hindi ako makakain ng maayos at pati pag upo sa bowl ng kubeta di ako maka concentrate kakaisip kay Tristan. Wala na akong balita sa kanya. Kumusta na kaya siya? Sana okay lang siya.

Pusha! Ka talaga anak sabi kong wag iiyak eh tignan mo Avril Lavigne kana. Ayusan na nga kita lintik kang bata ka.” ani ni Mama at inayos niya daw make-up kuno.

Matapos ang kalahating oras na pagme make up ay sumakay na kami sa kotseng magdadala sakin-samin ni Mama.

At ng malapit na kami sa Simbahan halos ayoko na pumasok na tila isa akong demyong nagpupumigil, humhiling na itigil muna ang oras pero wala tayong magagawa mangyayare at mangyayare ito. At nung buksan ang simbahan, Halos maging isang paraiso ang loob ng simbahan. Ang ganda, pati favorite flower ni Tristan na Orchids ay yun ang nakasabit sa bawat malilit na poste na gumagabay sa tela na pangharang para sa Red Carpet grabe ang ganda kaso. Sana si tristan nalang ang mapapakasalan ko. Habang naglalakad ako palapit. Bawat hakbang ng paa ko palapit ay yun di ang pabilis na pagpatak ng luha ko. Tristan patawad. Di ko ginugustong nangyayari sakin ngayon. Patawarin mo ako ikaw lang mahal ko, Ikaw lang at wala ng iba.

Habang nasa gitna ako. Biglang sumalubong sakin si Papa at inalalayan akong maglakad.

Anak, magiging masaya ako para sa'yo.” ani Papa.

"Ikaw lang ang magiging masaya papa ano kaba!?” sarcastic kong sabi sa kanya. Hindi na siya sumagot sakin at nakita ko si Duke na naka black & white tuxedo. Napaka gwapo niya pero hindi siya ang nagpapatibok sa puso ko.

Ibinigay na ako ni Papa kay Duke at tumango siya kay Papa. Habang naglalakad na kaming dalawa. Nabigla ako ng may nakita akong naka wheelchair.

Si Tristan, ang laki ng ngiti niya habang napaluha. Napatingin ako kay Duke.

Surprise anne. Sana hindi kana galit sakin. Alam kong mahal mo siya at may mahal na rin akong iba.” ani Duke.

Sino na ang mahal mo?”

“Si Hannah.”

“Huh? Si Hannah? Bakit yung unggoy pa!?”

“Someday you will know. Ngayon na muna ang atupagin mo.” tumingin siya kay Tristan.

Oh Tristan, ingatan mo siya ah. Wag mong paiyakin.” ani Duke kay Tristan.

Grabe mixed emotion nararamdaman ko at tumingin ako kay Tristan nakangiti at ang gwapo niya sa white tuxedo niya parehas kaming puti. Napatingin ako kila mama, papa, at kay Justine.

Si Mama nag mouthed ng “Smile ka nak.”

Si Papa nag mouthed din ng “Want my Surprise?”

Si Justine naman nag ok Sign lang.

Tumango lang ako sa kanila at ngumiti humarap sa taong mapapangasawa kong si Tristan.

Di ko na papatagalin ko ang wedding vow namin.

Hinanda ni Tristan ang wedding ring na ibibigay niya sakin. Nakaupo ako sa stole kasi nga nakaupo si Tristan sa wheelchair at nakaharap siya sakin.

"Lalabs itong singsing na to ang nagsisimbulo ng buong pagmamahal ko sayo. Ang hirap pala magsabi ng Vow lalabs. Pag gan'tong wala kang ideya. Pero labs ikaw ang nagturo sakin na kung ano ang akin ay dapat akin at hindi lahat ng pagsubok ay nalalampasan gaya ng pagsusuko. Akalain mo yun labs naipaglaban natin sa tadhana ang pagmamahalan natin. Masayang-masaya ako ngayong araw na to lalabs kasi itong araw na to na ipinagmamalakinkita sa harap ng tao at sa diyos. Lalabs mamahalin kita sa hirap at ginhawa at hanggang sa huli ng aking paghinga i will do to love you until my last breath.” Aniya habang lumuluha at isinuot sakin ang singsing.

“Itong sing-sing na isusuot ko sayo ay simbolo ng mga problemang hinarap natin at pinag wagian, at ito'y isinisimbolo mo sakin hangga't suot mo ang singsing na ito ay mahal mo parin ako. Labs, alam mo naman minsan bobita ako pero diba mahal mo naman ako? Hindi ako marunong magsabi ng vow, pero mahal na mahal kita 'til death do us part. Hindi ko akalaing ang pingarap ko ay natupad na din. Minahal, minamahal, mamahalin kita pangako Labs sa hirap at ginhawa, sa ligaya at kalungkutan, back and forth mahal na mahal kita.”

Lalaki, maari mo ng halikan ang 'yong pinakamamahal na Babae.” ani pader. Grabi sa Tagalog nuh hehe. Pero ang saya ng araw ko ngayon na Official kaming mag-asawa ni Tristan.

Habang inaalis ni Tristan ang telang epal sa harap ko ay muli siyang umiyak na nang nakita niya ang mukha ko.

“Namiss ko ang mukha ng asawa ko ngayon.” aniya at muling pumatak ang luha ko.

Ako rin Labs, namiss din kita.” ani ko at ako ang nag sungab ng halik sa kanya halos gumalaw ang labi niya tila handang makipaglaban. Kaya sinunggaban ko ang halik niya ng bigla siyang natumba nanaman sakin. At hinawakan ko siya tila wala ng pulso at nakita kong minumuklat niya pa ang mata niya at pahirang binanggit ang;

M-m-mahal n-na m-m-mahal k-kita, at i-ingatan m-mo a-ang m-magiging a-anak n-natin.” aniya at dahang-dahang pumikit ang mata niya at nakangiti.

Hindi maari ito maari!

Hindi pa dito ang katapusan ng kwento namin!

Author ay este Lord! Parang awa niyo na.

Paranasin mo rin sakin ang may asawa.

Halos mabasag ang salamin sa sigaw ko !

At lahat nagsilapitan samin at kinuha si Tristan at nilagay sa Ambulansya.

Ito ba ang kasiyahang kinakatakot ko?

Sana hindi pa dito ang huli.

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

Hi Guys! Vote and Comment naman kayo oh :)

Naging hobby na ata ni Tristan ang mahimatay aa, ahaha

Btw thanks sa pagbasa ng NDSC ❤

Lovelots Xoxo.

Nang Dahil Sa Connection (with Extended Chapter)Where stories live. Discover now