P a g b a b a g o - 2

13 4 0
                                    

Pumunta na ako sa Solamen Restau. 5th time ko na ngayon nakapunta dito. Kasi yung apat kong beses na pagpunta dito kami ni Tristan magkasama. Pero bakit ata ganun? Medyo di ata ako affected sa pagbreak up namin? Maybe napagsisihan ko na tsaka nangako na ako kanina na hindi na ako iiyak pag umabot na ang gabi kaya medyo bangag mata ko. Pero thanks sa Makeup natakluban ang pighati ko charut!

"Good evening Ma'am" Ani nung Koyang Guard. Tinanguan ko nalang si Koyang Guard.

8:29 pm na madali na yata siyang dumating. Tinext ko na nga siyang nandito na ako. Sinabihan pa ako punta daw ako sa Counter ng Alak sabihin ko daw pangalan ko. Wag na uy! Kahiya kaya.

8:45 poshaaa! Naubos kona yung in-order ko. Pushart lang makauwi na nga. Binigay ko na yung bayad ko. Tatayo na sana ako ng nakita ko si Tristan at Hannah. Ano ba ire? Beket genete? Mixed emotion nararamdaman ko ngayon.

Habang nakatingin ako sa kanilang dalwa biglang may humarang sa harap ko.

"Gusto mo makalimutan pero kung makatingin ka parang binabawe mo yung sinabi mo." Ani duke.

"Bakit ang tagal mo?" Ani ko. Pero nung nakita ko sila napansin kong nakatingin sakin si Tristan pero bigla ding umiwas ng tingin.

Tumingin rin si Duke sa tinitignan ko at bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

"Wag kang magrereact, mahahalata ka ng Ex mo na tinitignan mo siya." Ani Duke.

"Pasensya kana kung natagalan, may humabol pang meet-up sa isang Franchise. So tara na?" Aniya. Hindi pa nga siya nakaka-upo

"Teka san tayo pupunta?" Tanong ko.

"Di dapat dito ang pwesto mo may V.I.P. place ako dito, don't worry may tao rin don."

"Dito nalang tayo Duke, ayokong isipin nilang iniiwasan ko sila." Ani ko. Hindi naman ako weak. Why would i? Ohh panes!

"You're strong enough, Baka pag sa stage na kailangan mo ng maging matapang dun kana maging weak." Aniya ano bang tinutukoy niya.?

"Anong tinutukoy mo? Hindi kita naiintindihan minsan weird ka rin." Ani ko.

Kwentuhan lang kami. Kaya pala sir, Businessman ang loko akalain mo yun'. Amo pero sumasakay ng bus sa Ordinary matindi matanong ko nga.

"Bakit nga pala Duke sa pangalawang beses na nagkita tayo sa bus, Ordinary lang sinakyan mo?"

"Nung una. Empleyado palang ako kaya medyo wala pang pera. Kaya ordinary bus lang sinakyan ko."

"Bakit sa pangalawa nasakay ka ulit sa Ordinary bus?"

"Kasi nakita kita. And i found on myself na I like you." Pagkatapos niyang sabihin yun' napatingin ako sa kanya nakatingin din siya sa mata ko. Pero di gaya kay Tristan na may ibang feeling akong nararamdaman pag nakatingin sakin sa mata.

"Aaaaaaah, he he he, ubusin na natin yung kinakain natin ng makauwi kana." Ani ko. Shet ano ba to? Pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Wag mong saraduhin ang puso mo sa isang tao, subukan mo uling buksan ang puso mo. Kaya malakas ka kasi nakuha mo ang susi sa puso mo at ito ang kinakatakot mo buksan muli at iniisip mo hindi na balak isauli ang susi. Pero kung ibigay mo naman sakin, aangkinin ko na at hindi ko na ibabalik." Straight na pagkasabi ni Duke. Nakikita ko ang sinseridad sa kanyang mata. Pa'no nga kung pag-iisipan ko rin.

"Hindi muna ngayon Duke, alam mo naman kakasauli lang ng susi dito (puso niya)." Ani ko

"Pero may pag-asa ba para makilala mo rin at makilala rin kita?" Tanong niya na medyo kinabahan siya.

Hindi naman ata masama diba? Gusto ko rin naman na may kasama ako at hindi nag iisa. Tumango ako bilang sagot. Hala bigla pa namang tumayo at nag YES! Habang sinuntok ang hangin pataas. Loko nuh? Tinginan tuloy yung tao pero si Tristan hindi. Umalis siya sa pwesto niya, siguro mag ccr lang siya napatingin ako kay Hannah. Hala? Lakas ng Loob niya manaray! Punit nga kilay niya at nagkukulay ube ang panga tsee!

"Tumigil kana nga loko to'. Nakakahiya pa naman baka sa sabihin nung dalawa nagpapansin tayo." Ani ko.

"Hayaan mo sila, wala na bang karapatang maging masaya?" Ani Duke.

"Di naman sa ganun, lumalabas na OA kana." Patawa kong sabi sa kanya. Kasi pasayaw-sayaw pa nung naka upo na. Pero buti nga tumigil na siya.

Kwentuhan lang kaming dalawa, tungkol sa Pastlife namin. Nag ka Girlfriend na rin siya kaso nga lang wala silang official break-up kasi nga daw biglang nawala yung girl. Hinintay nya daw pero nag iba pananaw niya nung nakita noya ako charut ganda ko nemen duba? Pero everytime na napapatingin ako kila Tristan at Hannah. Medyo Ouch din pala. Simple lang silang tignan pero sinseridad ang pagmamahal na napapakita. Kasi dapat ako ang nandun' ee.

Nung nakaramdam ako ng pagbawas (iihi lang wag Malisyosa) nagpaalam muna ako kay Duke bago tumungo sa Cr. Ogag ang posha! Sasamahan daw ako sa Loob utut niya!

Palabas na sana ako ng biglang pumasok ang asungot.

"Ohh! Hi Anne! Kumusta ang araw mo?" Malanding may pagka-sarkastikong pag tanong niya.

"Wala akong oras para sa mga Unggoy." Ani ko.

"Infairness gwapo ng partner mo a', pag may time ako pakilala mo ako. Mukhang masarap siya ee." Ani Hannah with malanding voice.

Napatingin ako sa kanya, yaks! Parang matanda na.

"Hoy babaeng malandi't-haliparot na kala mo maganda ang kilay pero tabingi pakalagay ng eyeliner. Makuntento ka sa kung meron ka. Hindi lahat maaring mapasayo." Ani ko.

Ang loka-loka nag salamin tinanong pa ako kung okay na daw kilay niya nag Okay na ako kahit makapal na ang kaliwa ano close?

"Hoy ikaw rin, wag ka ngang magsalita na akala mo malandi ako, hindi kaba marunong ng salitang salita tunay na pagmamahalan?" Sarkastikong sabi ng Unggoy.

"Gaga! Tunay na libog yun', tsaka 10 araw nawala ako kato na and worst may nangyari pa? Wow ang dali mong bumigay. Bakit nga pala nakikipagsagutan sayo? Ito na ang huling pagkikita natin, lubayan mo kung sino ang nasa akin ngayon, hinayaan ko na sayo si Tristan." Ani ko at papalabas na talaga ako ng Cr ng.

"Gusto mo palit tayo ng Date? Actually kakasawa si Tristan e, tsaka mahina sa kama. Parang yummy partner mo." Aniya.

Kumulo na ulo ko sa kanya makakatikim tong malanding Unggoy na to'

"Hayop ka! Ang landi mo! Ang kapal ng mukha mo! Ke babaing tao mo! Aso ang ugali mo" ani ko at sinapak ko siya. At wow! Umiyak siya. Himala! Pero ngumisi siyang nakakaloko yung totoo abnormal ba to?

"Anne!" Sigaw nagmula sa pinto at nakita ko si Tristan at galit na galit sakin.

"Tristan wag ka magtiwala't-maniwala sakanya pinagloloko ka lang ------" pinutol niya ang sinasabi ko.

"Tama na Anne, di mo na kailangan magpaliwanag, tara na Hannah" sabi nito at kinuha si Hannah na kunyaring humagulgol. Best Actress ang PouTounge Ina.

Pero niloloko lang siya ni Hannah, pero kailangan ko na talagang alisin sa isip ko na wala na kaming pag-asa magbalikan.

"Anne." Ani duke pero di ko sya pinansin at nakatayo parin sa pwesto ko.

"Huwag ka ng umiyak. Hayaan mo sila, papakita ko sa kanya ang kanyang sinayang." Aniya at niyakap ako at napahagulgol ng medyo konting oras lumabas na kami sa Cr buti hindi masyado Exclusive ang Pwesto ng Cr sa Kainan.

Dumiretso na kami umuwi at hinatid niya ako sa Bahay. Nagpaalaman na kami ni Duke at hinalikan niya ako sa Pisngi. Pero parang wala lang.

"Kakalimutan na kita ngayon." Huli kong sinabi bago pumikit at nakatulog.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Nasa sainyo yan kung gusto niyo mag Vote but still i'm yearning Krahaha.

Nang Dahil Sa Connection (with Extended Chapter)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin