Chapter 13

1.3K 26 2
                                    

Ria's POV

Time na para magtrabaho ng may napansin akong isang bote na may litrato namin ni Jessey syempre alam ko na regalo niya sakin yun pero kahit kailan di ko tinapon dahil sa ginawa ng pamilya niya saakin naging matatag ako at bumangon muli.

Kung makapag higante man ako di ko gagawin ang ginawa nila saamin kundi ang kapalit ay ang pagmamahalan namin ni Jessey pero bakit sabi ng isip ko wag yun dahil sa kanila nawala si Jessey pati ang mga lupain namin pero sabi naman ng puso ko walang silbe ang mga paghihigante na yan kundi mahalin mo ang taong mahal mo kesa naman sa huli magsisisi lang at ako at di ko ipinaglaban si Jessey sa pamilya niya.

Pero bakit sa sarili ko gusto kung magalit dahil sa ginawa nila sa akin.

Lalong lalo na sa pamilya ko.

Pati si Nikki at ang bata bata pa nun naranasan na niyang masaktan at dahil pa kay Jessey na taong mahal ko at taong malapit na rin sa pamilya ko.

Tuwing nakikita ko ang mga pictures namin ni Jessey naalala ko nanaman ang nakaraan namin at ang mga masasayang alaala.

Flashback...

USTWVT Dorm

"Oi! Ri buksan mo na ang pinto baka si Jessey na yan." sabi ni Pam.

"Sige po ate!" sagot ko.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko si ate Jessey.

"Oh ate Jessey saktong sakto ang pagdating mo kakain na" agap ko.

"Salamat baby Riri!"

"Malungkot ka ata ate ah?" tanong ko.

"Stress lang!"

Nung mga panahon na yun kami na ni Jessey.

Sabi niya sa akin may pupuntahan lang siya.

Ano kaya ang nangyari.

Bakit kaya siya malungkot.

Pumasok ako sa kwarto at bumungad sa akin ang mukha niyang malungkot na naman.

"Ate Jessey bakit ka malungkot? Alam mo second monthsary na natin bukas?"

"Ahh Ria pwede bang wag muna nating pag-usapan ang mga ganyang bagay?"

"Di ba importante sayo ang monthsary natin?"

"Arghh Ri umitindi ka naman! Pleasee? Ngayon lang." tumango lamang ako kahit masakit para sa akin iyon.

"Sige!" sagot ko.

Biglang nag ring ang alarm.

Nagising nalang ako sa isang malakas na alarm pagtingin ko may isang bote sa unan ko tapos may may picture namin ni Jessey tapos may sulat.

"Baby Ri uwi ka muna sa inyo kailangan ko pa kasing umuwi saamin dahil hinahanap ako ni daddy tapos uwi ka mamayang gabi para makapag celebrate tayo!"

Napangiti ako sa sinabi niya dahil gusto niya talaga na mas uunahin ko ang pamilya ko. Pero bakit niya ako papauwiin?

Tanghaling tapat ako umuwi saamin para maka balik ako ng maaga sa dorm.

Pagdating ko sa amin sinalubong ako ng kapatid ko na si Nikki.

Pati na rin sila mama at papa.

Kumain muna kami ng may biglang kumatok sa pintuan.

"Ri ikaw nalang ang mag bukas." sabi ni papa.

"Sige po Pa." sagot ko.

Pag bukas ko ng pintuan nakita ko kaagad ang di nakangiting daddy ni Jessey.

"Magandang tanghali po tito. Pasok po."

"Di na kailangan. Ang kailangan ay ang iwan mo na si Jessey at kung di mo iiwan mapapasaamin lahat ng mga lupain niyo" nagulat ako sa sinabi niya at paano--?

"Pero mahal ko po si Jessey!"

"Bibigyan kita ng palugit isang araw lang babalik ako bukas! Maliwanag."

"Pero-"

"Walang pero pero"

Agad naman itong umalis.

"Anak ipaglaban mo si Jessey" si papa ngayon.

"Salamat po Pa. Pero hindi ko po alam ang gagawin ko" sagot ko.

Pag-uwi ko sa dorm nabalitaan ko nalang na pupunta na si Jessey sa Singappore kaya agad akong pumunta sa bahay nila ni Jessey at pumasok nalang.

"Kapag ikaw ang lumaban mapapa sa amin na ang mga lupain niyo"

"Jessey mahal kita lumaban ka. Wag mo akong iwan." hagulhol ko.

"Sorry Ri di na kita mahal mas pinipili ko ang pagiging architech sa Singapore kesa sayo" sagot niya kaya mas lalo akong nanghina sa mga sinabi niya.

"Oh ano Marivic Velaine Meneses deal? Sa amin na ang mga lupain niyo dahil ikaw ang lumaban" hindi makatarungan ito.

"Bakit masama bang lumaban?"

"Mabuti na rin yun para marunong ka ring lumaban sa sarili mo na di ka na mahal ni Jessey"

Tapos bigla nalang akong tumakbo papalayo.

Syempre ng dahil sa boteng ito lumakas pa ng lalo ang loob ko na makapaghigante.

At may biglang kumatok kaya nabalik ako sa huwisyo ko.

"Come in"

"Maam Velaine may bisita po kayo sa labas"

"Sige salamat manang"

Hayyy napasarap na sana imagination ko sa nakaraan ah.

_______________________

Love Me Like You Do (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon