Chapter 11

1.9K 37 0
                                    

Bea's POV

Late na ng umaga ako nagising.

Pinapanoud ko lang ang mga pictures namin ni Jia. Di ko akalaing yung loveteam noon naging lovebirds ngayon pero kahit di pa ako sinasagot ni Jia nararamdaman ko ang pagmamahal niya bilang kaibigan muna. Tumatawa lang ako dito mag-isa sa kwarto ko.

Naalala ko yung mga panahon na una kaming nagkakilala ni Jia.

Flashback...

"Guys siya ang bago niyong teammate. Pakilala ka na." panimula ni coach.

"Ahmm ako si Isabelle Beatriz Paras de Leon ahh maybe you can call me Bei or Bea nalang" nanginginig pa ang mga paa ko sa kaba.

May napansin akong babae sa likod ni idol Aly na nakatunganga natatawa ako maganda nga pero parang masama ang ugali.

"Ako si Michelle Morente at siya naman si Julia Melissa Morado"

"Hoy Jia nga nga?" narinig kong saway ni Mich kay Jia.

"Ahh wala! Ang tangkad lang niya." natawa nalang ako sa sagot niya at yumuko siya na namumula.

"Baka nagagwapohan ka lang sakin Jia?" biro ko. Maganda naman siya pero hindi ko alam kong ayos lang ba ito ka jam. Ang daldal ko pa naman.

"Ngee feeler ka naman. Hoy may gatas ka pa sa labi." ayan na. Ang sungit pala nito. Maganda sana

"Meron ba? Eh chocolates kinain ko kanina eh" mas lalo siyang nainis sa sinabi ko kaya nagtawanan lahat sa gym pati si coach.

"Spell BOBO!"

"Naku napakadali."

"Eh ano?"

"B.O.B.O"

"BOBO!" sigaw niya kaya mas lalong natawa sila pati rin ako parang ang sarap humalakhak ng malakas.

"Yun nga bobo!"

"Arghh nakakainis oh" she cursed a bit kaya sinuway siya nila ate Ly.

"Sige nga spell bobo?" hamon ko sakanya.

"B.E.A.T.R.I.Z" sagot niya. Ang pula na niya ngayon na parang sasabog na sa inis na nararamdaman.

"CORRECT!! Ayy teka pangalan ko yun ah?" gusto kong sabayan trip ng araw na ito ah.

"Bobo talaga!"

"Nabobobo lang naman ako pag ikaw kausap ko eh" banat ko kaya napahiyaw lahat pati si coach napailing nalang sa amin ngayon.

"Ohhhhh"

"Sige tahimik na back to training na!" suway ni coach at agad namang bumalik sa mga pwesto ang iba para maka pag training na ulit.

Pagkatapos ng training dumiretso na kami sa dorm para maka pag luto na ang mga seniors at makakain na kami.

"Oyyy Michifu mag lagay ka na ng mga plato sa mesa." utos ni ate Ly.

"Sige po!"

"Tulungan na kita Mich!" si Jia.

"Wag na ako na" I volunteered pero inirapan niya ako.

"Ewww Jia ikaw pa ba yan" pang aasar ko na naman sakanya.

"BEATRIZ" agap niya at mukhang galit na naman siya sa akin.

"Sige na sorry na! Tulungan nalang kita" bawi ko sa kanya.

"Wag na ikaw nalang maghain!" sabi niya kaya tumango nalang ako.

"Sige boss"

Habang naghahain ako lagi lang akong nakatingin kay Jia.

"Oy Bei ah.... Pasulyap sulyap ka na diyan kay baby J." pang aasar ni ate Ella.

"Sorry ate Ella pero sadyang mga mata ko lang po ang hinahanap siya" banat ko na naman. Baka seryosohin nila eh. Lagot ako nito.

"Heyyyyyyyyyyy!" natawa ako sa reaksyon ni ate Ella.

"Pwe" sumimangot na naman ang mukha niya.

"Kahit ilang pwe pa ang sabihin mo Jia di pa rin effective sa akin" sagot ko.

"Kahit ilang sulyap mo pa hinding hindi ako matutunaw" aba'y lumalaban na ha.

"Pwe" sabay tawa ko at nagtawanan nalang kami habang patuloy ang asaran.

"Oh sige na kain na!" sabi ni ate Ly.

Pagkatapos kumain nakatulog na kami agad habang ako pasulyap sulyap lang kay Jia.

Kahit masungit tong babaeng ito mabait naman matulog. Gusto kung makipag kaibigan sa kanya.

Syempre mabait to.

Baka saakin lang siya masungit pero sa iba mabait.

Umaga na tapos alam niyo naman ang baby Bea niyo mahilig matulog kaya habang natutulog narinig ko yung sigaw ni Jia.

Alam na alam ko na si Jia.

"HOYYYYY GISING!! MALAPIT NA MAG AALAS SYETE!" sigaw ni Jia kaya agad akong napabangon sa sigaw niya. Napatingin ako sa orasan agad habang nakakunot pa rin ang noo ko sa babaeng ito.

Hala 7 na?

Naku patay fifty push up ako nito.

"Oh eto na babangon na! Para sayo my Princess" asar ko na naman sakanya.

"Che! Ikaw maghugas ng pinggan hap!"

"Bakit ako?"

"Dahil ikaw ang huli! Kaya bumangon ka na diyan! DALI!"

"Ako pa yung late ako pa yung maghuhugas? Di ba pweding pagkatapos nalang ng training?"

"Hoyy alam ko pagkatapos ng training tulog ka na"

"Toink! Sige na nga! Sho sho sho"

Hahaha ganyan kami ni Jia noon laging asaran!

Haaaaa natatawa talaga ako sa mga bangongot ng nakaraan namin ni Jia.

Kahit ganun siya mahal na mahal ko siya.

Nagulat ako ng biglang may kumatok sa pintuan.

"Hinahanap ka na sa baba Bea"

Ahhh si Jho na naman may trabaho pa pala ako.

Love Me Like You Do (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon