Chapter 3

5.6K 87 0
                                    

JiBea.

Papunta ako ngayon sa ospital. Kailan ko ulit bumalik dahil naka schedule ang medical check up every thursday.

Pagpasok ko sa ospital bigla din naman akong binati ng mga nurse pati doctors. Isa na ako ngayong businesswoman. Marami na akong ginawang resto kaya nagdesisyon akong bar na naman at isang foundation sa mga batang wala ng mga magulang. Diba bait ko?

Pagpasok ko sa opisina ni doc ay bigla akong kinabahan.

"Bea dapat ipagpaliban mo muna ang mga negosyo mo sa mga kapamilya mo o sa taong mapagkakatiwalaan mo. Hanggat tumatagal ay lalong lumalala." he warned me about this too many times. Pero ano pang silbi ng buhay ko kong tutunganga lang ako sa bahay buong taon. Mas lalong lala itong sakit ko sa puso.

"Doc ano pa ba ang ibang paraan para di lalala?" minsan gusto ko nalang matawa sa sitwasyon ko. Hindi ko naman ramdam na may sakit ako sa puso eh.

"Sa ibang bansa ka na mag pa opera Bea dahil alam mo naman dito sa Pilipinas kulang na kulang tayo sa gamit" doc said.

"Doc di pa po ako sinasagot sa taong mahal ko" I am always joking in front of him because I know he's so worried about my health. He's been my doctor since birth at para ko na rin siyang kapamilya.

"Dapat sabihin mo na rin sa kanya lalong lalo na sa pamilya mo" yeah no one knows about this. Mas pinili kong itago ang sitwasyon ko because I dont want them to worry. Gusto ko normal lang ang takbo ng buhay ko bago ako mawala sa mundong ito.

"Paano po? Di ko po alam. Gusto ko na wala silang iisipin. Kaya ko pa naman doc diba?" kahit ganito na ang sitwasyon ko may bahid na takot pa rin akong nararamdaman.

"Bea I'm so sorry pero kailangan mo na talagang mag pa opera. Wala ng oras. Sabihin mo na habang di pa huli ang lahat." and that made up my mind. Pero paano ko sisimulan? Sigurado ako na mag aalala sila. Paano si Jia?

"Doc naman eh! Bolero!" natawa nalang ako sa sarili kong kalokohan. Ayokong maiyak sa sitwasyon ko. Kong oras ko na talaga, tatanggapin ko iyon.

"Totoo Bea! Sige marami pa akong pasyente." he walked out and tears starting to fall now. Ang sakit lang isipin na hindi na pala ako magtatagal sa mundong ito.

Paano na to? Ayoko siyang iwan?

Si Jia ang taong nililigawan ko pero hanggang ngayon di pa niya ako sinasagot. Dalawang taon na ako nanliligaw sa kanya. Simula nung gumraduate na kami sa UAAP. Aaminin ko naging torpe ako noon sa kanya. Lagi lang akong nagpapapansin sa kanya. Nilalaro ko siya pero madali namang mapikon. Hanep talaga yong babaeng iyon. Kaya minahal ko ng lalo eh.

Pero di ko akalain na panahon ko na pala para mag paalam sa kanya. Isang taon pa lang tong sakit ko pero lumala pa lalo. Gusto ko pang magpakasal!

Sweet naman si Jia sa akin. Lagi niya akong binebisita sa opisina. Pero hindi ko talaga siya maintindihan kong bakit hanggang ngayon pagkakaibigan pa rin ang gusto niya para sa aming dalawa.

Minsan nakakakain lang ako ng tanghalian at hapunan kapag nandiyan siya dahil ayaw niya daw ako mapagod.

Minsan natanong ko na sa kanya kung bakit ang sweet niya saakin pero di pa rin ako sinasagot.

Hayy Lord ikaw na bahala saakin.

Sana wag muna ngayon.

Kailangan ko pa siyang pakasalan.

Jia's POV

Napansin na niya na ang sweet ko sa kanya. Oo natutunan ko nang mahalin si Bea pero di ito alam ng pamilya ko. Paano pag sinaktan nila si Bea? Tapos ilalayo kami sa isa't isa. Gusto ko na siyang sagutin pero ayoko muna siyang mawala.

Kailangan ko pa siyang makasama.

Mahal na mahal ko si Bea noon pa.

Naitanong ko na rin kay papa ang tungkol sa crush ko.

Flashback...

"Papa paano po kung babae ang crush ko?" natatawa ako sa tanong ko. Hindi ko alam pero unti unti ko ng nagugustuhan si Bea.

"Edi tomboy ka." sagot ni papa.

"Papa naman eh. Si--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Tapos biglang tumayo si papa ng naka kunot ang noo at tila gustong manuntok

"Jia! Ayokong maki pag relasyon ka sa isang babae. Kung sino man siya malalagot siya saakin. Baka mapatay ko pa siya."

At bigla na siyang lumabas ng bahay!

Kaya simula nun di ko na kayang sagutin si Bea. Sa tuwing tinatanong niya kung bakit ang sweet ko sakanya tapos di ko pa siya sinasasagot yuyuko lang ako. Masakit din para sakin yun.

Syempre mahal na mahal ko si Bea. Kahit tumanda man akong dalaga siya parin ang laman nitong puso ko.

Kahit mamatay pa siya. Kahit nakakainis yun.

Bigla nalang pumasok sa isipan ko ang mamatay.

Kasi minsan napapansin ko si Bea na namumtla tapos di kumakain minsan nga bigla nalang siyang nahihimatay.

Sana wag naman. May tinatago kaya siya sa akin?

Gusto ko pa siyang ipaglaban.

Iparinig sa kanya ang matamis kung Oo.

Dahil patagal ng patagal unti unti din akong nagkaroon ng lakas ng loob na ipaglaban siya sa papa ko. Pero di ko pa alam kung ano ang magiging reaksiyon ni mama. Pag nalaman niya na si Bea ang mahal ko sana matanggap kami pareho.

Iyak lang ako ng iyak dito sa kwarto ko habang tinitignan ang mga litrato namin ni Bea.

Hanggang sa naka tulog na pala ako sa kakaiyak.

Kakayanin ko to.

Para sayo Bea.



Love Me Like You Do (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon