Chapter 8

2.3K 45 0
                                    


Mika's POV

Yessss mag gagabi na. Pero paano kung di pala malaki ang buwan ngayong gabi? Paano kung di na talaga siya dadating? Bakit ba kasi siya bigla bigla nalang umaalis ng walang pahintulot saakin?

Aaminin ko nung una galit ako sa kanya sobra. Kasi iniwan niya ako ng hindi ko alam ang tunay na dahilan. Gusto ko na ipasagot sa kanya lahat ng mga ka tanungan ko pero paano.

Di nga siya nagpaparamdam.

Ni isang text man o sulat wala.

Ayy oo nga pala di na pala uso ang sulat.

Pero bakit?

Alam ko na masakit pero bakit di ko siya kayang kalimutan tapos parang feeling ko gusto ko siyang ipaglaban sa pamilya ko na gusto ko na ako mismo ang gagawa ng paraan para di na siya malayo ulit saakin.

Pero paano ko yun gagawin kung di ko alam kung nasan siya?

Nasan nga ba siya?

Namimiss na kita Ara!

Mahal pa rin kita!

Kahit masaklap man ang ating nakaraan pero di kita kayang ipagpalit sa iba.

Ganun kita kamahal.

Bakit ang liwanag?

Malaking buwan?

Hanggang sa nakaiyak na talaga ako dahil naisip ko na meron pa pala akong pag asa na mahanap siya.

Gusto ko siyang makita.

Ihahanda ko na ang sarili ko para mahanap siya. Kahit maubos ko man ang pera ko sa kakahanap sa kanya gagawin ko yun. Ganun ko siya kamahal.

Thank you lord at binigay mo saakin ang sign.

Hindi ako mawawalan ng pag asa na mahanap ka Ara.

Lahat ng gusto mong sabihin makikinig ako.

Dahil hindi ako yung tipo ng taong matigas, manhid at tsaka pusong mamon ako.

Alam ko na bigo ako sa pagmamahal pero ngayon di ko na bibiguin.

Ara's POV

Gabi na pala.

Pumunta agad sa condo ko dito sa Makati. Buti nalang at nakabili na ako agad bago pa ako pumunta dito. Pagpasok ko sa loob ng kwarto agad kung napansin ang malaking buwan.

Tinignan ko ito.

Nang bigla kung naisip na parang si Mika ang kausap ko sa buwan.

Nakatingin lang ako sa buwan ng ilang minuto pero agad naman akong lumabas para magpa hangin.

Namiss ko din tong Manila.

Sa dalawang taon kung nag stay sa Boracay at dun na namuhay ngayon alng ako nakaramdam ng takot.

Takot na baka magkita kami ni Mika tapos di na niya ako papansinin.

Sasampalin.

Ipagtabuyan.

Sana maiintindihan din ni Mika balang araw kung bakit ako biglang umalis.

Gusto ko na maging masaya si Mika.

Kung masaya man siya ngayon masaya na rrin ako.

Sa loob ng dalawang taon na paghahanda para maangkin si Mika, ngayon ko lang naisip na baka di na pala ako ang mahal niya paano kung iba na.

Baka ipinagpalit na niya ako sa iba.

Pero sana naman kung magkita kami maipaliwanag ko lahat.

Sana di siya galit saakin.

Ilang oras na rin akong nandito sa labas ng biglang napansin ng mga mata ko ang isang pamilyar na tao saakin.

Tapos kumaway ito saakin.

Nang lumapit na ito agad ko siyang niyakap.

"Bruh! Kumusta na?" panimula ko.

Ara? Ikaw na ba talaga yan?" hindi pa rin makapaniwala si Kim.

"Mukha ba akong statwa?"

"Ang laki ng pinagbago natin ah?" natatawa niyang sabi sa akin.

"Oo nga eh. Bumalik ako dito para ipaglaban si Mika at ipakita sa pamilya niya na kaya ko siyang buhayin at kahit pareho kaming babae ipapakita ko sa kanila na di pinipili ang pag ibig"

"Wowww pumapag-ibig si Victonara!" natatawang sambit ni Kim.

"Eh kamusta na pala si Mika?"

"Sa pagkaka alam ko lagi lang daw nasa bahay tapos may negosyo naman siya. Parang negosyo nga lang lagi ang inaatupag niyan. Namamayat na nga eh." balita sa akin ni Kim.

"Ano? Kasalanan ko kasi Wafs eh. Kung pinaglaban ko lang ang pagmamahalan namin noon di sana nangyari ang mga pangayayari ngayon."

"Ano ka ba wafs, wag mong sisisihin sarili mo. Sinunod mo lang naman ang gusto ng pamilya ni Mika eh."

"Alam ko bruh. Pero paano ko siya mahahanap?" tanong ko sakanya baka alam niya kong nasan si Mika ngayon.

"Syempre sa bahay nila bakit anong gagawin mo?"

"Baka wag muna bukas." pag aalinlangan ko.

"Ahh sige bruh ikaw bahala. Sige mauna na ako Ara gabi na eh. Sige bukas na naman."

"Sige Kimmah Dora bukas."

Baka nga sa sobrang excited ko lang pero nung sinabi saakin ni Kim yung tungkol kay Mika parang gusto ko munang ipagpaliban ang pagbisita ko kay Mika.

Magpapahinga nalang muna ako.

Marami pa namang araw eh.

Sana di ka galit saakin Daks.

Love Me Like You Do (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon