Chapter 9

1.9K 36 0
                                    

Jessey's POV


Gabi na akong dumating sa Manila pati na rin sa condo ko.

Chenick ko yung time malapit na pala mag aalas diyes.

Napansin ko ang laki ata ng buwan ngayon ah. Naalala ko nanaman si Riri.

Sabi niya kasi kapag malungkot ako tumingin ka lang sa buwan at maaalala ko na siya.

Natatakot ako baka di na ako mapapatawad ni Riri.

Baka may mahal na siyang iba.

Natatakot akong harapin siya.

Gusto kung sabihin lahat ng dahilan kung bakit ako umalis.

Sana may panahon pa.

Sana makapag-usap pa kami.

Sana maiintindihan niya.

Paano ko siya hahanapin.

Siguro uuwi nalang muna ako saamin.

Namiss ko na rin sila.

Plano ko sanang bumisita sa USTWVT pero paano kung di na nila ako nakikilala.

Baka bukas nalang sa susunod na araw nalang ako bibisita saamin.

Namiss ko na yung mga bullies din.

Syempre pati si Riri.

Magkikita din tayo Ri at sasabihin ko lahat sayo ang nararamdaman ko at ipapaliwanag ko lahat kung bakit ako umalis.

Ria's POV

Naaalala ko nanaman si Jessey tuwing may buwan.

Bakit ba ang lakas ng epekto mo saakin? Galit ako sa kanya dahil sa kanya nawala lahat ng lupain namin noon.

Flashback...

"Tao po!" isang malakas na katok ang narinig namin galing sa sala at parang gigibain ang pintuan namin sa lakas ng pagkatok niya.

"Bakit po?" tanong ko.

"Layuan mo na ang anak ko pabayaan mo na siya. Pinili na niyang umalis ng Pilipinas at kung di mo pa siya iiwan mapapasaamin tong mga lupain niyo." agaran niyang bungad sa akin kaya nagulat ako na kong bakit idadamay niya ang bahay at lupain namin. Alam kong ganun sila ka kapangyarihan na pamilya pero pwede namang pag usapan ito ng maayos ah.

Tapos may binigay siyang mga papeles na sa kanila na ang mga lupain namin.

Malaki ang galit ko sa pamilya ni Jessey.

Di ko akalain na sa paraan ng paglaban ko sa pagmamahalan namin ay wala palang kwenta. Ito pala ang kapalit.

Kaya kung may panahon man na magkita kami ni Jessey hinding hindi ko siya mapapatawad.

Dahil di niya ipinaglaban ang pag iibigan namin.

Mismo papa niya ang sama ng ugali.

Porket mayaman sila? Ganun nalang ba?

Kaya sa tuwing may buwan di ko maiiwasang maluha.

Ang sakit lang dahil sa loob ng dalawang taon siya at siya pa rin ang mahal ko.

Kahit kailan di ko siya ipinagpalit.

Pero kahit kailan di pa rin mawawala ang sakit na binigay at pinaranas saamin ng daddy niya. Kaya may panahon din na makapag higante ako sa pamilya ko.

Makakalimutan ko rin siya.

Love Me Like You Do (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon