Chapter 6

2.9K 69 0
                                    


Den's POV

Mag gagabi na pala. Pagod na ako dito sa kwarto gusto ko munang lumabas.

Gusto kung mapag isa

Pumunta ako sa garden namin at nagpakuha nalang ako kay Manang ng juice at cake.

Iniisip ko pa rin si Aly.

Nasan na kaya siya?

Sana iniisip niya pa rin ako.

Paano kung nasa tabi tabi lang siya.

Nagmamasid?

Pero malabo.

Kahit ikakasal na ako kay LA, di pa rin kita kayang kalimutan Aly. Minsan nga lang ako magmahal eh ilalayo ka pa sa akin. Alam kung mahirap man ipaglaban ang pagmamahalan natin pero ni minsan di ako nawalan ng pag asa na babalik ka.

Dadating ka rin Aly.

Ako na ngayon mismo ang kikilos para di matuloy ang pesteng kasalan na ito. Bukas na bukas babalik ako sa Atenista Dorm at magtatanong kung nasan ka.

Pwede din sa Batangas kung maaari.

Aangkinin kita muli Aly.

Tiis lang muna ngayon.

Nasan kaya si Aly?

Aly's POV

Marami din ang nagtatanong kung nasan ako. Pero mi isa walang nakakaalam. Lagi lang akong nagmamasid kay Den. Nakatira ako sa isang sempleng bahay likod sa bahay nila Den. Gusto kung puntahan si Den pero di ito lumalabas.

At himala nang nakita ko siya sa garden nila ay bigla akong napangiti buti at okay lang siya.

Maganda pa rin.

May condo din ako.

Minsan lang ako natutulog dun. Isa na akong teacher ngayon.

Sa isang public school lang ako nagtuturo syempre may dalawa akong kotse at nagpursige talaga akong makatapos para may maipagmalaki na ako sa pamilya ni Den kong sakaling magkita na kami ulit. Pero hindi muna sa ngayon.

Dalawang taon akong nagtiis na di kausapin si Den. Lagi lang akong nagmamasid sa kanya tuwing umuuwi ako dito.

Kaya worth it na rin.

Marami ding mga bagay na di ko kayang talikuran lalong lalo na ang volleyball diyan nagsimula lahat eh.

Kaya sa tuwing nag vovolleyball ako ang lagi kung inspirasyon ay si Den maliban sa family ko.

Baka bukas na bukas makakausap na kita. Sana lang talaga.

Sasabihin ko na sa pamilya mo na kaya na kitang alagain at ipaglalaban kita kahit ano pang masasakit na salita ang ibato nila saakin.

Kahit kailan Den di kita kinalimutan.

Di kita pinagpalit.

Ikaw pa rin ang mahal ko.

Wala ng iba.

Ikaw lang at ako Den.

Handang handa na ako bukas.

Kung di man bukas maghihintay at maghihintay ako.

Di ako susuko.

Mahal na mahal kita Den.

Love Me Like You Do (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon