Chapter 7

2.8K 48 0
                                    


Bea's POV

Pauwi na ako ngayon dahil mag gagabi na rin. Di ko alam kung paano ko sasabihin kay Jia at sa pamilya ko ang tungkol sa sakit ko.

Gusto ko na ako lang ang nakakaalam para wala na silang iintindihin pero pilit ng pilit si Doc na sasabihin ko na dahil lumalala na ito ng sobra. Ayokong ma pressure si Jia sa sakit ko.

Lalong lalo na di pa niya ako sinasagot. Manghihinayang lang siya kung bakit niya ako sinagot. Parang gusto ko nang umiyak at gusto ko nang sumuko. Ayoko namang magsisi si Jia na ako ang minahal niya.

Bakit ba ako nagkaroon ng ganitong sakit eh noon wala naman eh.

Healthy na healthy ako noon kung mag warm up para lang akong bata na free gawin lahat pero ngayon kailangan ng pag ingatan.

Plano ko sanang ipasyal si Jia bukas pero paano kung unting-unti na ako bibigay? Paano na ako magpapakasal kay Jia? Bakit ba laging may hadlang sa buhay. Balak ko sanang sabihin na bukas kay Jia.

Pero paano kung di siya maniwala? Paano kung di na niya ako sasagutin? Mas lalala pa tong sakit ko ng lalo.

Gusto ko sana bukas pasyal kami sa ibang lugar gusto ko muna ng bonding tapos sasabihin ko na sa kanya at sa pamilya ko.

Ayoko siyang mag alala.

Baka maging pabigat lang ako sa kanya.

Ayoko ng ganun.

"Hoy Bea may dala akong J.Co gusto mo?" lumapit sa akin si Jho at may dalang pagkain.

"Oy Jho nandiyan ka pala. Ah sige pakilagay nalang sa ref." sagot ko.

Oo tama kayo si Jho ang kausap ko simula kasi nung nanligaw ako kay Jia sa kanya ako humihingi ng advice tapos business partner ko na rin yan. Siya ang nagbabantay sa akin. Siya lang ang nakaka alam ng sakit ko. Oo kung akala niyo kami lang ni Doc ang nakaka alam pati rin si Jho.

Flashback...

Papunta na ako ng hospital pero parang may nagmamasid sa akin. Dumiretso lang ako sa opisina ni Doc.

Pagkatapos ng medical check up ko napansin ko na si Jho nakatayo sa kotse ko.

"Jho anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya pero ang talim ng mga tingin niya sa akin.

"Kailan ka pa nagsinungaling?" nakakunot na ang noo nito sa akin.

"Ang alin?" palusot ko.

"May sakit ka Bea. Nahihibang ka na ba?" I failed to lie. 

Yung araw ng check up ko pala sinundan pala ako ni Jho.

"Bakit ba?" tanong ko. Ayokong may nakakaalam nito pero heto ngayon si Jho nangingialam sa buhay ko. Pero hindi ko siya masisi dito.

"Bakit mo tinago yang sakit mo?"

"Baka mag alala lang kayo tapos baka di na rin ako magtatagal na makasama si Jia"

Tapos bigla nalang itong tumakbo tapos pagdating ko sa bahay nun nakita ko siyang may kausap sa telepono. Tapos nag loudspeaker siya.

"Hello Jia! May sasabihin sana ako sa iyo eh" panimula ni Jho sa tawag nila.

"Ano yun Jho?"

Naku baka sabihin ni Jho ang tungkol sa sakit ko. Papasok na sana ako ng biglang tumawa si Jia sa phone.

"HAHAHAHA!! Ano ba Jho. Healthy na healthy si Bea." sagot ni Jia sa kabilang tawag.

"Pero kailangan mo siyang bantayan baka magkasakit diba?" may halong pag aalala na sa boses ni Jho ngayon.

"O siya siya bye na muna may aasikasuhin pa kasi ako eh" putol ni Jia.

"Sige Jia. Dont forget sa mga sinabi ko. Bantayan mo si Bea baka mahimatay sa kakatrabaho."

Kaya ayun nagulat nalang ako at buti di sinabi ni Jho.

Bukas na bukas Jia! Kung may lakas na loob akong sabihin sayo ang katotohanan. Sasabihin ko.

Kaya ko to.

Jia's POV

Lagi ko nalang iniisip yung sinabi ni Jho saakin. Na kailangan ko daw bantayan si Bea ng mabuti.

Bakit nga ba?

Di ko alam kung pano ko sasabihin kay Papa na nanliligaw si Bea sa akin.

Gusto ni Bea na siya nalang kumausap kay Papa pero ako ang may ayaw dahil baka mapano pa si Bea o kung ano pa ang gagawin ni Papa kay Bea. Pero sana matanggap naman kami ni Papa.

Mag gagabi narin kasi kailangan ko munang magpahinga pagod din kasi ako sa trabaho eh.

Love Me Like You Do (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon