Chapter 4

3.9K 72 0
                                    

Ara's POV

Matagal na ring panahon pagkatapos akong nagpakalayo muna at iniwan si Mika. Mahal namin ang isa't isa pero ang pamilya mismo ni Daks ang nagpalayo sa amin. Nagbanta kasi ito na ilalayo nila si Mika tapos sa states na daw manirahan. Syempre ayoko namang mangyari yun.

Kaya naisipan ko na ako nalang ang lumayo. Dalawang taon na ako dito sa Boracay naninirahan.

Dito na rin ako nagtayo ng negosyo katulad ng A.r.A's Bar at ang KaRa's Resto kaya KaRa ang pinangalan ko dahil ito lang ang tanging paraan para di ko siya makalimutan.

Kombinasyon ito ng pangalan naming dalawa.

Isang loveteam noon.

Gusto ko siyang balikan sa Manila para ipakita sa pamilya na mahal na mahal ko si Mika at kaya ko na siyang buhayin.

Ginawa ko to lahat para sa kanya. Kahit kailan di ko siya kinalimutan. Kahit marami pa diyan di ko siya pinagpalit.

Naghintay ako.

Nagligpit ako para maka punta na ng Manila at bawiin si Mika at yayain na magpakasal.

Dahil noon pa man siya at siya lang ang laman ng puso ko at siya lang ang tanging laman ng utak ko. Siya ang dahilan kung bakit ko nagawa lahat to. Itong mga tinayo kung negosyo ay para sa future namin.

Sa loob ng dalawang taon siya  lagi ang napapaginipan ko. Alam kung masakit yung nakaraan namin pero ngayon kaya ko na siyang ipaglaban.

Papunta na ako diyan, Mika.

Mika's POV

Dalawang taong naghintay.

Dalawang taong nagpakatanga.

Dalawang taong umiiyak.

Dalawang taong nagsisisi.

Dalawang taong nagtiis.

Dalawang taong di nagpakita.

Ni di ko alam ang dahilan kung bakit siya umalis kung bakit niya ako iniwan.

Mga bangungot sa nakaraan.

Na napaka lungkot.

Kahit mamatay man ako di pa rin mawawala ang sugat sa puso ko .

Masakit na masakit yung iwan ka lang bigla sa taong mahal mo ng sobra.

Flashback...

"Daks mag promise ka saakin na di mo ako iiwan huh?" sabi ni Ara.

"Syempre di kita iiwan" sagot ko kay Ara.

Naalala ko na naman yung panahon na nag promise kami sa isa't isa na walang bibitaw.

Pero pagkatapos nun di na siya nagpakita.

Ni isang message man lang wala.

Wala!

Wala na rin akong balita sa kanya.

Isang sign lang ang hinihingi ko.

Pag may nakita akong malaking buwan ngayong gabi ibig sabihin nun mahal pa din niya ako at mahal ko siya at babalikan niya ako para bumou ng isang malaking pamilya.

Hehe medyo hugot ng gusto ko.

Mabuti na rin yun.

Hala may gagawin pa pala ako. Kailangan ko pang ayusin yung Bakery ko. Baka lugi na yun.

Oo may bakery. na ako at pinangalanan ko ng MiRa's bakery.

Syempre madami din namang costumers. Mag gagabi na. Kailangan ko pang i check ang mga trabahador ko para sa bago kung business. Plano kung pangalanan ng KaRa nanaman. Wala na akong pakialam kung magalit man si Mommy at Daddy. Syempre pera ko naman to eh.

Sana malaki ang buwan ngayong gabi!

Ara's POV

Flashback..

"Ija" sambit ng mommy ni Mika.

Nagulat naman ako dahil bigla nalang sumulpot ang mama ni Mika ng di inaasahan.

"Ara mag usap nga tayo. Sandali lang"

"Sige po tita" sagot ko at sumunod na sa kanya kong saan man kami mag uusap.

Huminga muna kami ng malalim. Kinakabahan ako sa sasabihin ni tita.

"Ara alam ko na mahal na mahal mo si Mika pero ayaw na ayaw ito ng papa ni Mika kasi kung ipagpatuloy niyo pa ang relasyon niyo ilalayo ng papa niya si Mika at sa states na niya ito patitirahin habang buhay. Gusto mo ba yun?" ito na ang kinatatakutan ko.

"Pero tita?" gustuhin ko mang mag protesta at ipaglaban si Mika, alam kong hindi ko pa kayang buhayin si Mika lalo na't nag aaral pa kami parehas.

"Ija! Gusto mo bang malayo si Mika? O ikaw nalang ang lalayo?" yumuko ako at parang hindi ko kaya ang pinapagawa ng mommy niya sa akin.

Di ko na sinagot ang tanong ni tita at tuluyan na akong umalis at nag impaki nalang at nagpakalayo. Kong ito ang nakabubuti sa amin, gagawin ko. Para kay Mika.

Naalala ko nananaman yung mga bangungot sa nakaraan. Malapit na ako Manila.

Mababawi din kita Daks. Ipaglalaban na kita.

Ipapaliwanag ko lahat sayo kung bakit ako umalis.

Love Me Like You Do (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon