Chapter 2

7.5K 130 3
                                    


Past.

Miss Lazaro?? Are you ready to be Mrs. Valdez?? Will you marry me Den?

Isang masakit na desisyon.

Isang desisyon na di ko tanggap.

Isang desisyon na pilit kung kinalimutan.

Pero kahit kailan di ko makakalimutan.

Isang bangungot ng nakaraan.

Isang bangungot na pilit akong ginigising sa katotohanan.

Na kahit kailan siya pa rin ang laman ng puso at isipan ko.

Siya ang dahilan kung bakit ako ngayon di pa nagpapakasal kay LA.

Dahil ayokong magsinunggaling sa harap ng diyos.

Kahit ano pa siya mamahalin at tatanggapin ko siya.

Kahit kasalanan sa diyos tatanggapin ko lahat ng pait at sakit na ibibigay saakin wag lang siya mawala.

"Dennise anak ipapaayos ko na yung engagement party niyo ni LA. Mag dadalawang taon na to! Ano ready ka na ba? Please Dennise kalimutan mo na siya. Alam mo naman na di kayo tanggap ng daddy mo. Nakakahiya sa pamilya isang babae na naging MVP lang? Yun ba? Dennise wake up!" mom's voice roared like thunder. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sa lahat ng mga paratang niya tungkol kay Aly, ito ang hindi ko gustong marinig galing sakanya. Kahit ina ko siya, hindi pa rin tama na pagsalitaan lang ng ganun ang isang tao na walang ginawa kundi ang mahalin ako at tanggap ako bilang ako.

"Mom you dont understand. Dahil hindi ikaw ang nagmahal. Dahil kahit kailan di mo yun mararamdaman." I shouted. I tried my best not to cry again in front of her. She was shocked by what I said. Sasampalin niya sana ako pero pinigilan niya ang sarili niya.

"Sige nga ikwento mo! AT IINTINDIHIN KO! But Dennise don't assume na maka cancel pa ang kasal niyo ni LA dahil diyan sa kwento mo." mom gave up on telling me this. I am going to marry LA for convenience and its not about love.

Oo tama nga dalawang taon na na cancel ang kasal at ngayong taon na to gaganapin na talaga ang kasal. There's no turning back. Dahil yung panahon na nag propose si Aly sa akin ay biglang may sasakyan na bumanga sa saamin buti nalang at nabreak agad nito. Laking gulat ko na si Daddy pala kasama si LA.

"Dennise anong kalokohan to?" dad shouted in the middle of the road.

"Tito siya po yung babaeng mahal at gustong pakasalan ni Denden. Siya din ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon namin noon ni Den." LA lied and lahat gagawin niya para lang mahila niya ako sakanya. Pumagitna agad ako para hindi nila masaktan si Ly.

"Dad let me explain." kaya kong lunukin ang pride ko para kay Aly. It is me against my father and LA. And maybe also the world.

"Tito sana po matanggap niyo kami. Di po kasalanan ni Den ako po." Aly held my hand and I'm hurt seeing her crying and hurting too because of us, because of me.

"Dennise pasok. Dennise pasok sa kotse isa--"

"Dad!" lumuhod ako sa harapan niya para magmakaawa na sana lubayan na niya kami ni Aly. I will choose her over and over again. Kahit sariling pamilya ko pa ang babanggain ko.

"Den tumayo ka nga. You don't deserve someone like her." si LA at lumapit sa akin. Agad niya akong binuhat papasok sa kotse at kahit anong gawin ko mas malakas pa rin si LA kesa sa akin. I saw dad punch Aly in the stomach. Hindi pa rin ako tumigil sa pag suntok kay LA sa likod hanggang sa naipasok na niya ako sa kotse at agarang ni lock iyon.

"ALY!!! Bitawan mo ako LA! Dahil kahit kailan di kita kayang mahalin! Tanga tanga ka lang sa akin. Si Aly ang mahal ko!" hindi ko na alam ang gagawin ko. I was just shouting inside the car.

"Den?" mas lalo akong naiyak ng makita ko si Aly na pinipilit makatayo.

"Kahit sino ka pa di kita tatanggapin di ko gusto ang katulad mo! Layas!" dad punch her again kaya mas lalo akong nagwawala dito sa loob ng kotse.

"Dad pakiusap!" I was shouting again and again pero binabaliwala iyon ni daddy.

"Wala kang mapapala sa mga luhod at luha mo! Wala kang kwentang tao." dad.

Agad pumasok si daddy at pinatakbo na ang sasakyan. Humagulhol pa rin ako sa iyak hanggang sa unti unti ng nawawala sa paningin ko si Alyssa. Ang babaeng pinakamamahal ko.

Dalawang taon din akong wala ng balita kay Aly.

Di ba niya kayang ipaglaban? O siguro naintindihan na niya ngayon kong hanggang saan nalang kami?

Simula ng iniwan ako ni Aly ay lagi nalang akong nagkukulong sa kwarto ko. Kahit isang text o message lang sa social networks wala. Kaya hayun parang nawalan na ako ng gana na ipaglaban siya. Ang tadhana na ang lumalayo sa amin.

It hurts like hell.

"Dennise wag mong iyakan ang isang tao na wala ng pakialam sayo." mom said.

Pero kahit gusto ko na siyang kalimutan di ko pa rin kaya.

Nananatili pa rin siya dito sa akin.

Kahit kailan hindi nagkaroon ng space si LA sa puso ko.

"Anak Dennise alam mo bukas daw pupunta daw muna tayo sa Makati dahil kailangan mo ring makita ang bago mong bahay."

"Bahay?" walang gana kong tanong.

"Yes! Kaya magpahinga ka na."

"Sige po mom" agaran kong pagsang ayon.

At tuluyan na rin akong nakatulog. Nakatulog ako dahil pagod na ako sa kakaiyak. Iniiyakan ko nanaman siya.

Alam kung mahal mo pa rin ako Aly.

Dahil nag promise ka na kahit magakalayo tayo ako parin.

Kaya di ako susuko.

Kaya kung takasan ang kasal ko kesa naman magsinunggaling ako dun at mag I do sa taong di ko mahal.



Love Me Like You Do (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon