Chapter 10

2.2K 45 0
                                    


Aly's POV

Time check 6:13 A.M

Ang aga ko pala nagising wala naman akong trabaho ngayon.

Nang may nahulog na isang slambook.

Ano to?

Ay oo nga pala slambook namin ni Den. Naalala ko tuloy yung mga happy moments namin noon. Yung mga kulitan at asaran.

Flashback...

Rookies!

Excited na ako sa first ever training ko sa UAAP.

Sino kaya ang mga ka batchy ko?

"Oy Aly alam mo ba kung sino ang mga naka pasok sa try outs?" tanong sa akin ni ate Fille.

"Di ko po kasi alam dahil mas una po kasi akong natanggap ang naubatan ko lang si Bea Tan ata yun eh." sagot ko.

"Ahh sige mag sisimula na yung training pag dumating na yung mga bagong rookies okay?"

"Sige ate! Salamat"

Halos dalawang minuto lang naman akong naghintay dito sa labas para makilala na din ang mga rookies. Kumakain lang ako ng ice cream.

Ang sarap maging bata sana pero heto na eh.

Tatanda din balang araw.

Ng may biglang tumapik sa likod ko.

"Hi rookie ka din ba?" tanong ng isang amerikanang babae na mukhang hindi kalayuan ang edad namin.

"Ahh oo eh!" sagot ko

"Hi I'm Amy ang you are?"

"Ahmm Alyssa Valdez po" pakilala ko.

"Ako naman si Ella!" pakilala din sa akin ng isa pang rookie. Hindi siya matangkad pero makikita mo sa katawan niya ang pagiging athletic.

"Nice meeting you po"

"Hoy babaeng hilaw halika magpakilala kay Alyssa oh"

Nang lumapit yung babae para akong mamatay sa ganda niya parang kailangan ko na ng EO eyewear baka malabo na din ang mga mata ko. Kailangan ko ng oxygen mga kababayan.

"Hi I'm Dennise Den nalang for short" ito ang unang beses na mabibighani ako sa isang babae.

Nakipag shake hands siya sa akin at parang nakaramdam ako ng kuryente sa buong katawan ko ng mahawakan ko ang kamay niya.

Ang lambot ng kamay niya parang unan.

"Aly? Okay kalang?" tanong ni Ella sa akin..

Oo nga pala naka nganga na ako!

"Ahh wala. Nice meeting you Den. Ako si Aly Valdez Ly nalang or Aly!" pakilala ko sakanya.

Feeler ko naman na magugustuhan ako ni Den sa ganda niya.

Eh ako nangangamoy probinsyana. Para lang tindera.

Nakakahiya talaga sa kanya.

"Ahh nice meeting you din Aly"

Yung mga ngiti niya na parang nakakita ka ng anghel galing langit.

Yung feeling na parang artista yung humawak ng kamay mo!

After ng training medyo gutom na ako.

"Oh ano?? Guess what? Jollibee?" panimula ni Ella.

"Eat?" si Amy naman.

"Hindi Amy eight" pabiro nito kay Amy.

"Kain nalang nga tayo! Ano ate Ly? Den?"

"Okay naman sa akin. Ikaw Ly?"

"Ahh syempre gutom na ako eh. So tara?"

"Lezzz gowww!" si Ella.

Papunta kami ngayon sa Jollibee syempre gamit ang sasakyan ni Bea.

"Hoy Amy ako frontseat wag kang bitter!" si Ella na naman at nang aasar kay Amy.

"Hoy Ella ako nauna! You should take a risk!"

"Ako maliit ikaw kapre dun sa likod"

Nagtawanan nalang kaming lima.

Nakakatawa talaga tong si Ella kahit kailan.

"Hoy Aly dito ako!"

Naku patay tabi kami ngayon ni Den.

'Sige na Ly di naman ako mangangagat" sabi ni Den kaya wala akong choice at tumabi na sakanya.

"Chossyyyy" parinig ni Ella.

"Che!"

"What's che?" tanong ni Amy.

"Checkin! Gutom na ako dali!" si Ella.

Pagdating namin sa Jollibee agad namang nag order si Ella at kami alng ni Den ang naiwan sa table namin. Nang may bigla siyang inilabas na isang slambook.

"Aly mahilig ka ba sa slambook?" tanong niya.

"Ahh. Pwede"

"Pa fill up oh. Nandiyan na rin yung akin.Tapos pag natapos ka diyan sayo na." sabi niya.

"Sigurado ka?"

"Syempre naman ikaw kaya ang batchy ko. Para makilala mo din ako kung ano ang mga paborito ko at hindi ko paborito." agap niya.

"Ahh sige thanks" dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko sakanya.

Pagkatapos ko ma fill up lahat ng mga tanong sa slambook kumain muna kami tapos umalis na pabalik sa dorm.

"Oh ano?? Tulog time na" si Ella na naman.

Ito talagang si Ella oh.

Kahit kailan..

"ANAK ALY MAY TRABAHO KA DAW NGAYON kAILANGAN KA DAW SA PSL!" nagulat ako sa sigaw ni mommy kaya agad akong napatingin sa kanya.

Marami pa at mataas pa ang mga flashback ko tungkol saamin ni Den.

Ililigpit ko nalang muna tong slambook.

I miss you, Den.

Love Me Like You Do (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon