S.U. 42 Another Secret

Start from the beginning
                                    

Naiinis talaga ako, pero bakit ganoon. Dati hindi ko magawang magalit sa bestfriend ko pero ngayon ang bilis uminit ng ulo ko.

"Stars can't shine without darkness," sabi ko kay Caiden habang hawak ulit ang mga kamay niya. "Alam kong ang lahat ng nangyayari ay pagsubok lang. Please gumising ka na Caiden, madami kaming nag-aabang sa'yo. Kailangan mo ring sabihin sa akin kung ano ang kaugnayan mo kay Freja Jazz. Pero 'wag kang mag-alala, hindi ako galit sa'yo."

"Alam mo, ang hirap ng ganito. Ang dami kong gustong alamin kay Fj pero wala siyang balak magsalita. Sa ngayon isa lang muna ang gusto kong malaman. Gusto kong maliwanagan kasi parang ang sakit sa dibdib kapag iniisip ko 'yun. Caiden, may relasyon ba kayo ni Freja Jazz?" bulong ko sa kanya.

"Please sagutin mo ako sa kahit na anong paraan. Gusto kong malaman kung tama ba ang ginawa ko, kung nasa lugar ba ako. Dahil mamaya siya pala ang girlfriend mo tapos nagawa ko pa siyang pagsalitaan kanina. Gusto kong malaman ang sagot Caiden."

"Kailangan ko ng sign," sambit ko. Nakaisip naman ako ng pwedeng gawin niya, "Ganito nalang Caiden, kung hindi mo siya girlfriend, pilitin mong galawin ang mga daliri mo para maiparating sa akin ang sagot. Pero kung girlfriend mo nga siya ay wala kang gagawin. Mananatiling ganito ang mga daliri mo sa kamay ko. Okay? Sige magbibilang ako ng sampu ah."

"Ten, nine, eight, seven, six." Napahinto ako sa sobrang kaba, hindi pa rin gumagalaw ang mga daliri ni Caiden. "Five, four, three, two, teka Caiden uulitin ko. Mabilis ata ang pagkakabilang ko eh," nangingiyak kong sabi. Bakit gano'n, ang sakit sa dibdib. Natatakot akong alamin ang totoo. May relasyon ba talaga sila kaya gano'n kung umasta si FJ kanina?

"Uulitin ko, pero ngayon babagalan ko na," muling sabi ko, "Te-n, nine, ei-ght, se-ven, six." Hindi ko na napigilang maiyak, wala pa ring reaksyon ang mga daliri niya. "Fi—ve, four, thre—e, tw-Tama na nga Caiden, alam ko ng may karapatan siya. Sorry sa inasta ko sa girlfriend mo kanina," emosyonal na sabi ko.

Pinunasan ko ang kamay niyang nabasa dahil sa mga luha ko. Hinawakan ko ulit ang kamay niya, "Sige Caiden lalabas na muna ako. Salamat dahil ngayon alam ko na, may kaugnayan talaga kayo Freja." Unti-unti kong binibitawan ang kamay niya pero bigla akong nagulat nang maramdamang gumalaw ang daliri niya.

"Caiden? Naririnig mo ba ako? Igalaw mo ulit ang mga daliri mo, please," bulong ko sa kanya. Hindi niya ako binigo, gumalaw ulit ang mga daliri niya. "Last nalang Caiden, kung hindi mo girlfriend si Freja igalaw mo ulit ang mga daliri mo," muling tanong ko.

Napayakap ako sa sobrang saya nang gumalaw ulit ang mga daliri niya. Hindi sila ni Freja!

"Salamat Caiden! Miss na miss na kita, please imulat mo na ang mga mata mo. Tatawagin ko lang ang doctor para sabihin 'to. Iiwanan lang kita saglit ah," bulong ko sa kanya. Pero iginalaw niya ulit ang mga daliri niya.

"Ayaw mo ba akong umalis?" tumugon naman siya sa pamamagitan ulit nang paggalaw ng kanyang mga daliri. Napangiti ako, hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon dahil unti-unti nang umaayos ang lagay niya.

"Sige, tatawagan ko nalang ang nars mo at babalitaan ko na rin sina Braxly." Tinawagan ko na ang nars at ipinatawag ang doctor ni Caiden. Tumawag na rin ako sa Aphotic dread, naghiyawan pa nga sila sa sobrang saya.

"Papunta na sila Caiden, sana tuloy tuloy na ang magandang improvement mo." Hindi ko binitawan ang kamay niya, nagkwento lang ako nang nagkwento ng mga magagandang pangyayari.

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na ang doctor at ang buong Aphotic dread. Ipinaliwanag ng doctor ang nangyari kay Caiden. Umaayos na raw ang pagdaloy ng kanyang dugo sa buong katawan lalong lalo na sa kanyang utak. Nagiging okay na rin daw ang responses ng kanyang mga senses.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Where stories live. Discover now