Kabanata 22

13 0 0
                                    

Kabanata 22

Muling nag-inat si Ish. Kakatapos lamang niyang makipagmeeting sa team niya sa Pilipinas. May mga bagay kasi na dapat din niyang asikasusin maliban sa aksidente. Kailangan din na gumawa ng mga content na magpapalaihis sa attensyon ng mga tao. Yes, he is concern to Price. But he also need to do his job for the company. Buti na lang at hindi pa nagpaparamdam ang kaibigan nito.

Sa kabila ng hectic na schedule ni Ish ay sinisiguro niyang natatawagan niya si Lucio. Nag-aalala din kasi siya sa kalagayan nito. As always, thankful siya at palaging handang tumulong si Doc. Thomas. Kahit papaano ay nababawasn ang alalahanin niya kapag nakakausap niya ng matino ang lalaki.

Sunod niyang tinatawagan si Johann. Somehow si Johann ang napagsasabihan niya ng mga reklamo niya. Para tuloy naging stress absorber niya ito. Buti nga hindi ito nagrereklamo at nananatiling mahahalahanin. Katunayan ay hindi ito nakakalimot na paalalahanan siyang kumain sa oras ant magpahinga. Palagay nga yata niya ay kabisabo nito ang oras sa france dahil timing ang mga mensahe nito.

Kasalukuyan siyang nasa lobby para mag-set ng account nang mapansin si Kuya Rucio na papasok ng hotel. Inihiling niya na sana ay hindi siya nakita nito pero mukhang huli na dahil nahuli na siya ng mga mata nito. Napa-tch nalang siya.

"Busy?" Alangang tanong ni Kuya Ricio.

"A lil bit." Hindi siya sigurado sa sinabi niya dahil nakaramdam agad siya ng awkwardness.

Ito ang unang pagkakataon na magkita uli sila matapos silang sunduin nito sa airport. Nang mga sumunod na mga araw kasi ay naging maingay ang mga galaw niya para hindi sila magkitang dalawa.

"Can you spare me some time with you?" Naging seryoso ang tono ng tanong nito.

"Ahm..."

"Please?" Hindi siya makatingin dito. He hates his blue eyes that make him hypnotized. "For good time's sake."

Naramdaman ni Ish ang lungkot sa huling sinabi nito. Nakaramdam kaya ito na iniiwasan sina nito?

"Okay." pagpayag niya sa huli. Wala naman kasing mawawala kung pagbibigyan niya ang lalaki.

Hindi na siya nakatanggi. Ayaw din naman niyang pasamain ang loob ng lalaki sa pagtanggi nito. Marahil ay heto na din ang oras na makapag-usap na sila.

Isa pa ay may race tournament si Kuya Rucio next month sa Circuit Paul Ricard, Le Castellet. Gusto niyang kamustahin ang paghahanda nito. Ayaw man niyang aminin ay nag-aalala siya dahil sa nangyari kina Sov at Price.

Sabay silang lumabas ni Kuya Rucio. Nagulat pa siya nang makitang may naghihintay nang sports car sa harap ng hotel. Akala niya ay dederetso na ang lalaki sa drivera seat pero sa halip ay pinagbuksan muna siya nito ng pinto. Sinaway niya ang sarili na tila nakaramdam ng kiliti sa kanyang puso. "Umayos ka, heart. Alalahanin mong in a relationship ka na!"

Pagpasok niya agad na bumalot ang lamig ng loob ng sasakyan kasabay ng familiar na air freshiner.

"Is this you car from the Philippines?" Tanong niya nang makapasok ito sa driver's seat. "The smell is familiar."

"I just borrowed this." Nakangiting wika nito. "I just requested to change the fragrance."

Tumango-tango lamang siya. Hindi na kasi niya alam ang susunod na itatanong. Pinipilit niyang mawala ang agam-agam niya ngunit hindi niya mapigilang makaramdam ng awkwardness sa lalaki.

Matapos ang ang maikling usap ay nasundan iyon ng mahabang katahimikan hanggang sa ipark nito ang sasakyan. Hindi na niya hinintay na ipagbuksan pa ng lalaki. Kusa na siyang bumaba dahil hindi na niya matagalan ang katahimikan sa loob.

Los Caballeros Series: Rucio ArcenalWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu