Kabanata 10

114 19 8
                                    

Kabanata 10

"Hi, Russ!" Malambing na bati ng babae sa nakaupong lalaki sa isang umbrella shed. "Sabi ko na nga ba at nandidito ka." Anang ng babae na mabilis na lumapit dito.

Umupo ang babae sa tabi nito na para bang close sila na ang totoo ay hindi nga ito halos kilala ng nito. Ang tanging alam nito ay transferee at kaklase niya ang babae.

Umusog ang lalaki para bigyang puwang ang pagitan nilang dalawa. Naaalibadbaran kasi siya.

"What do you need?" Walang kabuhay-buhay na tanong nito sa babae na ngayon ay nakatitig sa kanya. Nakahulma ang ngiti sa labi nito na ipinagkunot noo naman ng lalaki.

"Tayo ang magkapartner sa econ subject, alam mo ba iyon?" Wika ng babae.

Saka niya naalala na pinagpares sila ng kanilang professor sa subject na Economics. Hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng kapartner ng professor. Sanay kasi siyang magtrabaho ng mag-isa. Well hindi naman literal na mag-isa. He works perfectly fine na tanging ang dalawang taong pinagkakatiwalaan niya ang nasa paligid.

"You don't need to do anything. I'll do it myself. Then I'll give you a copy before the submission deadly so you can read it." Pagkasabi noon ay agad na inayos ng lalaki ang gamit niya at walang paapaalam na iniwan ang babae. Napauwang baba naman ang babae sa ginawa ng lalaki.

"And then, what happen next?" Tanong ni Doc. Thomas Bishop sa kaharap na lalaki. Gusto niya malaman kung bakit ganoon na lamang ang naging epekto ni Zabina sa pasyente niya. Considered as cured na kasi ang lalaki base sa nakikita niya during their last talk three years ago. At malakas ang paniniwala niyang magaling na ito dahil madalas silang magkita sa labas. Katunayan ay present siya sa mga karena nito. Aside kasi sa pagiging pasyente nito ay naging malapit na kaibigan na rin nito ito.

"Naging makulit si Zabina. Naging pursigido siyang makipagkaibigan sa akin." Sagot ng lalaki. "It took one semester bago kami tuluyang maging magkaibigan. After that siya na ang naging kasama ko."

"Kelan naman kayo naging mag-on?" Tinititigan ni Doc Thomas ang kilos ng lalaki. Pansin niyang hindi madali sa kaibigan ang sariwain ang nakaraan nito sa babaeng dati niyang minahal

"Third year college." Sagot nito. Tumingin ito sa bintana na parang may inaalala.

"Bakit hindi mo siya ligawan? Para naman may gusto naman sayo si Ate." Alangan na suhesyon ni Ish habang pinaglalaruan ang inorder na halo-halo habang ang isa pang katabi nito ay nangangalahati na ang kinakain.

Kakatapos lamang ng orientation ng mga first year noon. Sinundo niya sina Lucio at Ish sa auditorium at dinala sa isang fast food chain malapit sa campus. Nagugutom na daw kasi si Lucio.

"Okay lang bang mag-girlfriend na si kuya?" Nakangiting tanong niya sa nakasimangot na Ish.

"Bakit ba kami ang tinatanong mo? Masaya ka naman na kasama siya diba? Palagi mo nan gang bukam-bibig." Si Lucio ang sumagot. May himig nang pagtatampo sa boses nito.

Alam niyang nagtatampo nanaman ang kapatid niya. Ilang beses na siyang nakabali ng pangako dahil sa palagi niyang kasama si Zabina. Nangako naman siyang babawi sa kanilang dalawa pero mukhang hindi basta-basta matatanggal ang tampo nito. Hindi niya tuloy maiwasang maguilty.

Nakita niyang magsasalita pa sana si Lucio nang palihim na siniko ito ni Ish kasabay ng pagdilat ng mata. Wala namang nagawa si Lucio kung hindi manahimik na lang.

"How about we watch a movie tonight?" Mungkahi niya. Ngunit bago pa man makasagot ang dalawa ay agad namang tumunog ang phone nito. Nang makita niya kung sino ang tumatawag ay mabilis nitong sinagot iyon. Sumenyas ito sa dalawa na lalabas lang siya sandali.

Los Caballeros Series: Rucio ArcenalWhere stories live. Discover now