Kabanata 5

215 27 16
                                    

Chapter 5

Kanina pa gising si Ish. Nakaupo ito sa kanyang kama at nagmumunimuni. Inisip niya ang nangyari kagabi. Kung paano pumunta si Kuya Rucio sa condo para mag-sorry. Kung paano nito siya titigan kagabi. At kung paano nito sabihin na gusto nitong siya ang maging Team Manager nito sa darating na invitational speed racing sa France. Masaya siya, sobrang saya.

Ngunit tila may caution sign siyang nakikita. Pakiramdan niya any ano mang sandali ay may may tutunog na fire alarm. He's been here so many times. Bakit ba hindi pa siya nadadala. Ilang beses na niyang sinermunan ang sarili nito at sinabihang sa iba nalang. Bakit hindi niya lubusang mabura ang pagtingin nit okay Kuya Rucio. Yes, he had feeling to Rucio Ismael Arcenal and he doesn't like the feeling. The feeling of uncertainty.

Kung pagbibigyan niya ang sarili ay para itong maglalakad sa lubid na walang safety gears. At anu mang sandali ay malalaglag siyang walang sasalo.

Napayakap si Ish sa mga tuhod nito. Napako naman ang kanyang mata sa isang frame. Kuha nilang dala iyon. Special iyon dahil si Kuya Rucio mismo sa photographer na kunan silang dalawa. Sa series ng shots ay iyon ang naka frame na iyon ang pinakagusto niya. Iyon kasi ang picture na nakaupo ako sa isang high chair samantalang nakatayo naman ito sa bandang likuran at nakayak ang isang kamay sa kanyang balikat. Nakahawak naman ang dalawa niyang kamay sa brasong nakayak dito. Matatamis ang mga ngiti nito. Naalala pa niya kung paano kiligin ang mga mga taong nasa set nang makita ang particular na picture na ito. Palibhasa ay usong uso noon ang mga BL tandem kung kaya na pagdiskitahan pa kaming dalawa.

Sa mga ganitong sandali, gusto niyang hilingin na sana ay may stop and delete button ang puso. Na sa oras na mahuhulog na ay maaari niyang pindutin nanag hindi na siya nasasaktan.

Hindi namalayan ni Ish na tumutulo na pala ang luha nito. Nararamdaman niya ang sakit sa dibdib niya pero wala siyang magawa para maibsan iyon. He did it again.

Nasa kalagitnaan si Ish ng pag mo-moment nang sunod-sunod ang pagdating ng mga notification sa phone niya. Napakamot tuloy siya ng ulo sa subrang inis. Dinampot naman niya ang kanyang phone at tinignan. Nanlaki an gang mga mata niya nang makita ang isinend ng social media team sa kanya. Nang tignan niya ang mismong post ay nagulantang siya nang napakarami nang reaction at shares ang post. Nag-iisip palang siya nang pwedeng gawin nang magring ang phone niya. Napapikit siya nang makita kung sino ang tumatawag.

"H-hello, Coach Race?" Nanginginig man ay nagawa pa rin niyang makapagsalita ng maayos.

"Fix this, Welsh." Bungad agad nito. Hindi niya mawari if galit ba ito. "And Welsh, I want you back here."

"Yes, sir."

Nakahinga naman siya ng maluwag nang ibaba ng kausap ang tawag. Ilang Segundo muna siyang nag-inhale exhale, sinusubukang mag-isip bago mabilis na nagtungo sa banyo upang ihanda ang sarili.

Cavalier Cars is one of the top-grosser automotive companies in the global market. Those in charge manage it carefully so as not to tarnish the reputation of the company. They believe in authenticity that transcribes various aspects including its employees, products, and ambassadors. Any issue that may affect the reputation should be disposed of immediately, especially those that can be affected by people's opinions. And a scandal is a part of the issue that the company will not tolerate. And that's our job as Ads and PR specialists come in.

Maliban sa Mergar Modeling Agency ay kasama sa iisang sub business ng Arcenal Industries ang LMA Ads and PR Solutions kung saan nag ca-cater sa mga high end business kabilang na ang Cavalier Cars. Personal na binigay ng Lola Lucia kay Ish ang account ng Cavalier Cars sa kanya upang mas mabantayan daw nito ang dalawang apo. Pero hindi nito sinabi na bukod sa dalawang apo ay may labing-anim pa pala siyang babantayan.

Los Caballeros Series: Rucio ArcenalWhere stories live. Discover now