Prologue

489 44 14
                                    

Pagtigil ng itim na sasakyan sa tapat ng isang mansion ay agad na bumaba ang driver nito. Dalidali itong nagtungo sa passengers seat upang pagbuksan ng pinto ang lulan nito. Pagbukas ay maingat na bumaba ang nasa early fifty na babae. Si Doña Lucia Mergar Arcenal. Ang matriarch ng mga Arcenal.

Hindi pa man ito tuluyang nakakababa ay nababanaag na ang pagkapino ng kilos na ito. May kaedaran man ay hindi maitatangging maganda ang doña at nagsusumigaw ang pagkaelegante nito.

Nang makababa na ang doña sa sasakyan ay agad itong bumaling sa loob ng sasakyan. Ngumiti ito habang pinagmamasdan ang batang lalaki na himbing na natutulog sa loob ng van. Halinang-halina ito sa bata mula nang makita niya ito.

"Ish, nandito na tayo", marahang paggising ng doña sa bata na agad namang nagising.

Umupo muna ang bata habang kinukusok ang mga mata nito. Agad namang pinigilan ni Doña Lucia ang mga kamay ng bata at kinuha ang panyo sa loob ng designer bag na nakasukbit sa kanyang kamay. Pagkakuha ay siya na ang nagpahid ng mukha ng bata.

"Huwag mong masyadong kusutin ang mata mo at baka ma-iritate." Saway niya sa bata.

"Dito na po ba sa bahay ninyo?" Tanong ng bata. Mahihimigan ang hiya sa boses nito.

Nakangiting tumango ang doña sa bata at inabot ang kamay nito upang alalayang bumaba.

Pagkababa ay agaw na namilog ang mata ng bata dahil sa pagkamangha.

"Wow." Mahinang sambit ng bata na para bang hindi ito makapaniwala sa nakikita.

Ito kasi ang unang beses na makakita nang ganoong kaganda at kalaking bahay. Nakakakita na din naman siya ng mga malalaking bahay. Pero masasabing ito ang nakita niyang pinakamaganda.

"Welcome sa bahay ko, Ish." Masayang bati ni Doña Lucia habang ini-level niya ang sarili upang magpantay sila. "At simula sa araw na ito, dito ka na din titira."

Lalong nanlaki ang mata nang bata. Bahagya pang bumuka ang bunganga nito. Isang expression na nagpataba ng puso ng doña.

Noon pa man ay malapit na talaga ang loob nito sa bata. Naaalala niyang palaging nababanggit ito nang kanyang personal assistant slash driver na si Miguel, ang ama ng bata. Palagi din niyang nakikita ang bata sa tuwing pumupunta siya ng Manila para bisitahin ang companya at ang mga anak niyang tila walang oras na dumalaw sa kanya.

Sa kasamaang palad, isang aksidente ang kumitil sa buhay ni Miguel at naiwan ang sa pangangalaga ng tiyahin ang bata. Ikinalungkot ng doña ang nangyari dahil parang anak na din ang turing niya dito. Mas nakitaan pa nga niya ng malasakit si Miguel kaysa sarili niyang mga anak. Kung kaya nang malaman niyang inaalipusta ng tiyahin ang bata ay agad siyang kumilos. Lingid kasi sa kaalaman ng lahat ay may binabayaran siyang tao upang masiguradong maayos ang pagtrato ng tiyahin sa bata.

Matagal nang biyuda ang si Doña Lucia. Namatay sa sakit sa puso ang asawa nitong si Don Gregor Llano Arcenal. Simula noon ay naramdaman niya ang unti-unting paglayo ng tatlo niyang anak. Pinili kasi ng mga ito na manirahan sa ibang lugar sa halip na manirahan sa mansion.

Ang panganay niyang anak na si Gregor Mergar Arcenal ang pumalit sa pagiging CEO ng negosyo ng pamilya. Maging ang asawa nitong si Theresa Arcenal ay may sarili ding negosyo sa Manila.

Ang ikalawang anak naman niyang si Lemmuel Mergar Arcenal ay piniling sa United Kingdom manirahan dahil doon din naka based ang asawa nitong model.

Si Ellianna Luis Arcenal Velloso naman, ang bunsong anak, ay nasa poder naman ng pulitiko nitong asawa.

Sa makatuwid, mag-isa na lamang ang Doña Lucia sa kanyang mansion at malaking bagay na naroroon si Miguel. Ito ang nakakausap niya, nauutusan at kung anu-ano pa. Kaya hindi siyang nangiming kunin ang anak ni Miguel sa pinagbilinan nito. Tiwala naman siyang hindi kokontra si Miguel sa kanyang ginawa.

Los Caballeros Series: Rucio ArcenalWhere stories live. Discover now