Kabanata 7

27 3 0
                                    

Kabanata 7

Gabi na nang makabalik sa hotel sina Ish, Lucio, Kuya Rucio at Lola Lucia. Halos nasuyod yata nila ang buong mall kaya ramdam na ni Ish ang pangangalay ng paa nito. Ganoon pa man ay mas inalala nito si Lola Lucia. Panay tanong niya rito kung okay pa ang matanda. Pero sino nga ba ang niloloko niya? Alam naman niyang kapag nasa Manila ang Lola Lucia ay hindi ito mapirme sa tinutuluyan.

Madalas na pinupuntahan nito ang mga signature boutique. At kung may magustuhan ito ay tiyak na bibilhin niya iyon. Kaya nga sa mansion nito ay may isang kwarto na puro signature items ang laman. Halos hindi pa nagagamit ang ilan. Napapailing na lang siya kung minsan. Kung sa bagay ay hindi naman ito madalas lumuluwas kaya siguro sinusulit nito. Dahil kapag nasa mansion ito ay gardening naman ang pinagkakaabalahan nito.

Ang dalawang apo naman nito ay game na game namang pagbigyan ang lola nila sa mga gusto nito lalo na si Lucio na nakapa-hyper nanaman. Hindi niya tuloy maiwasang mag-alala. Kilala niya si Lucio at masasabi niyang off the chart ang kilos nito. Pero kailangan niyang sarilihinin ang bagay na iyon kagaya ng ginawa nilang dalawa noon.

Si Kuya Rucio naman ay alam niyang nakikiramdam pa rin. Mula kaninang brunch ay tila ang lalim pa rin ng iniisip. Iniisip kaya nito ang mga tanong ng lola niya? Gusto niyang tanungin sana ito pero wala siyang lakas ng loob dahil maging siya mismo ay nakakaramdam ng awkwardness.

Yes, Ish likes guys. Hindi niya iyon itinatago pero hindi naman niya pinangangalandakan. As usual ayaw niyang gumawa ng issue na maaaring ikapahiya niya at ng pamilyang kumupkop sa kanya. Hindi man de metro ang galaw niya sa mga mata ng Arcenal ay maingat pa rin siya sa mga kinikilos niya. Katunayan ay nga ay hindi niya binibigyan ng atensyon ang mga lalaking nagpapapansin sa kanya dati.

"Are you staying on this hotel too?" Tanong ni Lola Lucia sa dalawa. Nasa lobby na sila ngayon ng hotel na tinutuluyan nila ng matanda.

"Sabi ni kuya, lola doon nalang kami mag-stay sa condo." Reklamo ni Lucio. Yumakap pa ito sa braso ng lola.

"Rucio, bakin naman doon pa kayo? Pwede naman dito. Is hiss staying with me kaya walang mag-aasikaso sa inyo dito." Protesta ni Lola Lucia.

Ang alam ng nakakarami ay si Kuya Rucio ang paburitong apo dahil ito ang panganay. The golden grandchild ika nga ng iba. Pero kung titignan ay masasabing si Lucio ang paburitong apo. Bukod sa ang Lola Lucy nito ang nagpangalan sa lalaki ay laki sa layaw ito noong bata pa ito. Lucio can easily manipulate his Lola Lucy. Madali para ditong kumbinsihin ang patanda na pumanig sa kanya kung may mga bagay itong gusto at ayaw. Bagay na hindi nagagawa ni Kuya Rucio. Marahil dahil nasanay sila na hindi ito sumasalungat sa mga gusto ng mga nakakatanda sa kanya.

"Ish, asikasuhin mo ang tutulugan nila dito. Pasabi na i-charge sa akin." Baling ni Lola Lucia sa kanya.

"Sige po lola. Aasikasuhin kop o ngayon." Sagot niya sabay na mabilis na pumihit papunta sa direksyon ng ng mga receptionist. Narinig pa niya ang pag-yes ni Lucio. Knowing Lucio, malamang ay may balak nanaman ito.

Hindi naman siya nahirapan na kumuha ng kwarto para sa dalawa dahil kabilang sa VIP list si Lola Lucia. Kilala na din siya ng manager doon dahil madalas ay siya ang nag-aasikaso ng tutuluyan ng matanda sa tuwing lumuluwas. Pwera na lamang kung naisipan ng matanda na dumalaw ng biglaan. Nang iniabot ng manager ang key card ng room ay mabilis na siyang bumalik sa mag-lola.

Bumigat ang mga hakbang niya nang makitang ang tanging naroroon na lang ay si Kuya Rucio.

"W-where are they?" Alangang tanong niya dito. Naka-upo kasi ito sa pang-isahang sofa habang nagbabasa ng newspaper. Sa kabila ng buong araw na paglalalakad ay mukhang fresh pa rin ang lalaki. Kung hindi pa niya kilala ito ay aakalainin mong pag-aari nito ang buong hotel. Kumislot ang dibdib niya nang lumingon ang lalaki at magtama ang tingin nilang dalawa. Pakiramdam niya ay kinapos siya nang hangin. Muli nanaman niyang sinaway ang sarili.

Los Caballeros Series: Rucio ArcenalWhere stories live. Discover now