Kabanata 20

97 16 6
                                    

Kabanata 20

Inabala ni Ish ang kanyang sarili nang mga sumunod na araw. Kinailangan niyang matapos ang ibang pending na mga trabaho dahil kinakailangan niyang personal na asikasuhin ang watch party ng endurance race na sasalihan Sovereign at ang lalaking pinanggigigilan niya, si Price.

"Kung narito lang sana si Cat", bulong niya. Si Cat ang madalas niyang pagkatiwalaan sa mga ganitong bagay. Pero dahil nagresign na ang kaibigan niya ay kailangan pamahalaan iyon ng personal.

Tiwala naman siya sa team na kinuha niya pero gaya din ni Cat ay gusto niyang maayos ang lahat na ultimo sa mga maliit na detail ay dapat presentable.

Isang kaugaliang pinasimulan niya ang watch party sa kada race match. Ito ay para na din makapanood ang mga maiiwang team members at staff Cavalier Cars. Hindi naman kasi lahat sumasama sa kung saang bansa gaganapin ang karera. Yung ibang members ay mas gustong manuod sa watch party dahil bukod sa pagkain at alak, nagagawa nila ang gusto nilang gawin nang libre. Ngunit may ilan ding mga members na pumupunta sa mismong venue pero sariling pera nila ang ginagamit.

Ang assistant slash driver niya ang nagdrive sa kanya patungong Cavalleros Compound noong araw na iyon. Madaling araw palang ay nasa byahe na sila. Nag-offer ang nobyo nitong siya na ang susundo sa kanya ngunit tinanggihan niya ito dahil wala pa itong tulog mula sa duty nito. Ala sais y medya ang simula ng karera sa Le Mans, France, ala una y medya iyong ng hapon dito sa Pilipinas. Kailangan niyang makarating ng Caballeros Compound bago mag-alas diyes ng umaga.

Hindi naman siya binigo ni Kuya Bong dahil saktong alas diyes ng umaga ay papasok na sila ng compound. Nagpahatid siya sa club house kung saan gaganapin ang watch party.

The club house was converted to a bar like ambience. May four wide screen TV na nakapalibot para kahit saan pumwesto ang gustong manood ay malaya itong makakapanood nang hindi nahihirapan. The technical make sure na hindi magkakaproblema sa sounds. Magkaiba ang table ng mga inumin at pagkain. Nakapalibot din sa area ang mga round tables at high chairs. Sumisigaw ang masculinity ng paligid dahil sa color palette na ginamit.

Muling inilibot ni Ish ang paningin sa paligid. Nang makontento na siya ay hinarap niya ang interior design tean na hinire niya at pinasalamatan. Nagbigay na lang siya ng final instructions bago sila e-dismiss. Naiwan siyang mag-isa sa venue.

Umupo siya sa isang high chair. Hindi naman siya pupwedeng umalis doon dahil anu mang sandali ay ipapasok na din ang mga food at drinks.

Meron siyang inaayos sa kanyang Ipad na hawak nang mahagip ng peripheral vision niya si Reighan. Prente itong palakad lakad na akala mo ay nagso-survey ng lugar. Humarap siya dito at gumiti.

"So totoo palang wala na si Cathy?" tanong nito.

"You should blame Price for that." Sagot niya sabay balik ang tingin sa kanyang Ipad. Ayaw niyang maalala ang nangyari dahil kukulo nanaman ang dugo niya sa lalaking iyon.

"Ang gagong 'yon." Dinig niyang sambit ni Reighan.

"Sinabi mo pa." pagsasang-ayon niya nang hindi inaalis ang tingin sa ginagawa.

"By the way, what's the deal between you and Rucio?" Alangang tanong ng lalaki na ikinagulat niya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong. Magkapatid lang ang turingan naming wala nang iba. Gusto niyang isagot pero alam niyang hindi iyon ang totoo.

"Sir Welsh, na ririto na po ang mga food." Napadako naman ang kanyang tingin sa nagsalita. Lihim siyang nagpasalamat sa tumawag sa kanya dahil sinalba siya nito sa awkward question na iyon. Seryoso, saan naman nito nakuha ang idea na iyon. Seriously, hobby na ata ng mga Cavalier Racer's Organization ang magtsimisan.

Los Caballeros Series: Rucio ArcenalМесто, где живут истории. Откройте их для себя