Kabanata 18

96 20 3
                                    

"And in life, it is all about choices we make. And how the direction of our lives comes down to the choices we choose."

- Catherine Pulsifer



Kabanata 18

Kanina pa napapabuntong hininga si ish sa kinauupuan. Gustohin man niyang pakalmahin ang sarili ay hindi niya magawa. Para siyang istudyanteng pinatawag sa guidance office dahil may kasalanan itong ginawa. Pakiramdam niya ay naririnig niya ang mabilis na pintig ng puso niya.

Mahigit isang buwan ding hindi nakita at nakausap ni Ish ang taong nagpatawag sa kanya. Ito ang unang beses na nangyari ito. Madalas, siya ang pinupuntahan nito. At minsan siya ang pumupunta dito nang wala appointment. Pero simula nang malaman nila ang tungkol kay Kuya Rucio ay hindi na siya kina-usap nito. Inintindi na lamang niya at nagbakasakaling huhupa din ang tampo nito. At heto nga, pagkalipas ng isang buwan ay pinatawag siya ng taong ito.

Growing up in Arcenal household, Ish is aware of his position in the family. He's just the adopted bastard by Doñ Lucia Mergar Arcenal. Who expects to serve them in return for raising him. Kahil saan siya mapunta ay ito ang bukam bibig ng mga tao sa paligid niya especially the eldest son of Doñ Lucia, Lucian Amir Arcenal. The person most disliked the idea of adopting him in the first place.

During high school, kinailangang lumipat ng mga anak ni Sir Lucian sa bahay ng Doña dahil sa problema niya at ng asawa nito. Dito siya unang nakatanggap ng utos mula sa Doña Lucia, ang bantayan ang dalawang apo nito. Araw-araw sa tuwing uuwi sila ay kailangan niyang balitaan ang matanda sa mga aktibidades ng dalawa. Noong simula ay trabaho lamang iyon sa kanya hanggang sa masanayan na niya. Ang problema ay naging matalik niyang mga kaibigan ang dalawa. Kaya natuto siyang pagtakpan ang mga ito. Hanggang sa dumating ang araw na kapatid na ang turing ng dalawa sa kanya at higit na pinagkatiwalaan sa lahat ng mga bagay. Hanggang sa masanay na siyang alalayan ang dalawa na higit na ikinatuwa ng lola ng mag ito.

During college, sa halip na Mass Communication ay pinakuha siya ni Doña Lucia ng Business Administration dahil mas mainam day ito lalo pat baling aray ay sa Arcenal Industries din nman daw siya magtatrabaho. Wala naman siyang reklamo doon. Ang importante sa kanya ay makapag-aral at makasama ang dalawa na noon ay umuusbong na ang damdamin nito kay Kuya Rucio. Hanggang sa magka-girlfriend ito at nagdesisyon sila ni Lucio na dumistansya dito.

Gaya nga ng planong inilatag sa kanya ay agad siyang nagtrabaho sa Arcenal Industries. Ngunit ilang taon pa lang ay kinailangan niyang magtungo ng United Kingdom sa upang maging katuwang ng dalawa. Hanggang sa makabalik siya sa Pilipinas at muling nagtrabaho sa Mergar Business Unit sa utos na din ng Doña Lucia.

All his life, Naging kuntento si Ish sa kung ano ang nakalatag sa kanya. He expects to say "yes" to every Arcenal. Iyon ang naging papel niya na nakasanayan niya. Maging ang magtago ng nararamdaman, ay nasanay na siya. Hindi siya nagreklamo dahil ayaw niyang madissapoint ang mga taong nakapaligid sa kanya. Nasanay siyang pasanin ang mga personal na issue ng mga ito. Hanggang sa hindi niya namamalayan na nakukulong na siya. Nawawalan na siya ng identity dahil masyado na siyang sumiksik sa mga buhay-buhay nila. Nakalimot siyang maghangan ng para sa kanya. Nakalimot siyang pwede siyang maging masaya nang hindi kailangang ang validation ng pamilyang kumupkop sa kanya.

"Sir Welsh, the chairwoman is ready to talk to you now." Nahigit ni Ish ang kanyang hininga.

Tumayo si Ish at inayos ang nagusot na damit bago magtungo sa office ng matanda. Saglit siyang tumigil nang marating nito ang pintuan. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Nang makasiguro siyang maayos na ang pintig ng puso niya ay saka niya binuksan ang pintuan.

Hindi na sa kanya bago ang engrandeng disenyo ng office ng Doña Lucia pero ganoon pa man ay manghang-mangha pa rin siya dito. Sa kabila ng kaba niya ay hindi niya maiwasang mamangha sa chandelier na nakasabit sa high ceiling nito. Maging ang mga furniture na akala mo ay nasa Victorian era kagaya ng mansion nito sa probinsya kung saan sila lumaki ng dalawa nitong apo.

Los Caballeros Series: Rucio ArcenalNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ