Kabanata 9

144 24 11
                                    

Kabanata 9

Walang gustong magsalita sa pagitan nina Ish at Lucio. Pareho silang nakikiramdam kung sino ang magsasalita sa kanilang dalawa. Both of them made a promised. 

Napalingon sila pareho nang biglang bumukas ang pinto ng office at iniluwa nito ang hindi nila inaasahang babae. Napakalakas ng loob niya na pumunta pa dito na parang wala siyang ginawang masama.

"Why did you invite that girl here, dad?" Galit na sigaw ni Lucio habang turo si Zabina na papasok ito sa loob ng office. Alam ni Ish na kanina pa ito gustong sumabog.

"Wala akong alam na pupunta siya, Lucio." Sagot ni Sir Lucian. Katulad niya ay nagulat din ito nang makita ang babae.

"Oh come on, dad. Ngayon ka pa ba magmamaang-maangan?" Mabilis na lumapit ito sa daddy nito.

Agad namang iniharang ni ish ang katawan niya upang pigilan ito. Alam niyang kung hindi niya gagawin iyon ay makakapanakit ito. At ayaw nilang mangyari iyon. 

"For god sake, Lucio, Daddy mo ang kaharap mo!" Lihim na nasabi nito. 

"Easy, Pike." Bulong niya dito. "Baka magising ang kuya mo. Please control yourself. Baka pati ikaw ay sumpungin dito."

"Just make her leave. Ayokong paggising ni kuya ay makita nanaman niya ang babaeng iyan." Madiing singhal nito. Tinapunan nanaman nito ng matatalim na tingin ang babae. Parang hindi naman naapektuhan ang babae. Maging siya ay talagang kumukulo ang dugo dito. 

"Ano ba kasing nangyari?" Si Lola Lucia naman ang nagsalita. "At ano naman ang kinalaman ni Zabina sa nangyari?" Nalilito na rin ang matanda. 

Malaki. Gustong sabihin ni Ish. Pero minabuti niyang si Lucio na ang magsalita. After all it's not his story to tell.

Napansin niyang bumaling sa kanya ang tingin ni Lucio. Nagtama ang mata nilang dalawa at hindi niya alam ang magiging reaction. Nang lingunin niya ang Lola Lucia ay nakapako na din pala sa kanya ang tingin nito.

"Well, may magsasalita ba sa inyo?" Ma-otoridad na tanong ni Sir Lucian. "Kanina pa kayo naming tinatanong. Halatang may mga alam kayo kaya simulant na ninyong magsalita."

"For goodness sake, Lucio! Ish! Kung ano man ang nalalaman ninyo ay sabihin na ninyo!" Pagalit na wika ng matanda. Napapikit si Ish nang mariin nang marinig ang pagsigaw ng matanda. Nararamdaman na niyang napupuno na ito. Natakot siya na baka makaapekto sa kalusugan ng matanda ang galit nito. 

Tinungo ni Ish ang pintuan at binuksan ang pintuan bago tumingin sa babaeng dahilan ng kaguluhang ito. Kumunot noo naman ito.

"No, if this about Russ, I should know." Nagpanting ang tainga ni Ish sa sinabi ng babae. As if na parang sila pa ni Kuya Rucio kung makaasta.

"Zabina, don't try my patience." Sinubukan niyang maging normal ang boses niya upang matago ang galit. Masyado nang galit si Lucio para dumagdag. "This is family matter." 

"Hindi ka din naman parte ng pamilya nila." Sagot ng babae. Talagang sinusubukan ang pasensiya niya.

"Just leave, Bitch!" Sigaw ni Lucio na nakaani ng reaction sa lola nito.

Tinitigan lang niya ang babae at malapad na binuksan nito ang pintuan. Walang nagawa si Zabina kundi umalis. Well, if nagmatigas naman ay balak ni Ish na ipakaladkad ang babae sa security.

Paglabas ng babae ay mabilis na isinara ni Ish ang pintuan.. Hindi agad siya nakaharap sa mga taong naiwan dahil nagsimula na siyang manginig. Pakiramdam niya ay hindi niya kayang isiwalat ang sekreto ng Kuya Rucio nang hindi siya maaapektuhan.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya upang makaipon ng lakas ng loob bago humarap sa tatlong taong naiwan sa loob ng office. Agad na sinalubong niya ang mata ni Lucio. Naghihintay siya ng hudyat sa lalaki.

Los Caballeros Series: Rucio ArcenalWhere stories live. Discover now