CHAPTER 20

7 0 0
                                    

SEAH








“WELCOME to Manhattan...”



Puno ako ng excitement nang makababa kami sa taxi'ng sinasakyan namin. Mula dito ay natatanaw ng mata ko ang ganda ng NYC. Malayo man ay talagang may nagtataasang building ang magmamalaki sa lugar na iyon. Siguro pag gabi dito ay napakaganda niya.



“Saan tayo tutuloy?” Tanong ko sa kaniya nang makaharap siya at mabitbit ko na din ang isang bag at maleta ko.



“I owned a condo here in Manhattan, but I’m not sure if you would like staying there. We can book on hotels if you want...” sagot niya na nakapagpanganga pa sa akin lalo.



“No, we can stay at your place. Gagastos pa tayo ng hotel may condo ka naman pala.” Sa sobrang excited ko ay hinigit ko na ang maleta at nagtatatakbo kung saan ang direksyon ng may matataas na establisyemento sa lugar.



Tulad ng isang hindi ko malaman kung hotel ba ito. Glass wall ang kabuuan. Ngunit hindi ko masilayan ano man ang meron sa loob. Pero sa tingin ko sa taas nito ay isa itong hotel.



“Pasok na tayo?” Maya-maya ay nakasunod na pala siya sa akin. Nagtataka ko siyang tinapunan ng tingin.



Seryoso ba siyang sa hotel kami? “I told you, we can stay at your condo.”



“Our Lower East side Loft... Our building.” Tinuro niya mismo ang matayog na building na mismong nasa harapan namin.



“Ito? Condo lang yan?” hindi makapaniwala kong nilapitan ang entrance. “This great big building?”



“Hindi naman ito ang pinakamataas.”



“But this one is so much luxurious!”



“Ahh... Let’s go then.”



Pumasok kami sa loob at wala na siyang ibang ginawa kundi ang makipagkamustahan sa staff na nasa front desk. May kung anong pinagsusulat lang siya bago kami tuluyang makalagpas. Nang dalawa na lang kami si elevator ay hindi ko napigilan ang mapatili sa tuwa.



“My gosh!!! Aiah! I’m so free!” hindi ako mapakali kakatalon at ganon na lang ang saya ko ng huminto lang ako para yakapin siya. “Your the first woman who kissed me, touched me, make me happy, and you are the first person makes me alive. You are the everything that always take the first time in my life, Aiah...” hindi ko maitago ang tuwa. Lahat ay nasabi ko ng hindi nag-iisip kung ano ang magiging reaksyon niya.



You are my first dream come true. At patuloy mong tinutupad ang pangarap ko.



“I’m  glad you’re happy.” Bulong niya sa tenga ko bago ako kumalas. “Actually, I did not owned the unit. It's from my friend.” Maya-maya ay sinabi niya nang makalabas kami at tahakin ang unit niya. “Binigay niya lang sa akin kasi hindi niya magagamit... ano man ang makikita mo sa loob, lahat yon ay galing sa kaniya.”



“That friend of yours seems extremely rich.”



“We can say.”



“Sino ba siya?” tanong ko ng tumigil na kami sa tapat ng isang pintong kulay krema. Halata namang kahoy pero bakit ang kintab. Pang mayaman talaga.



“You don’t need to know... iba ang pagkakakilanlan nila dito, I can’t afford to mess with their names.”



“Bawal sabihin yung pangalan niya?”



Swings Both WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon