CHAPTER 27

6 0 0
                                    

SEAH







“WHO are you?” Nanginginig ang boses ko. Umaatras habang siya ay papalapit. “D-don't come near me...” Nilingon ko ang pintong pinagpasukan niya. Hindi siya nagsalita kaya muli akong humakbang paatras. “Sino ka!?” Buong tapang kong sigaw.



Tumagilid ang ulo niya at siguradong dahil iyon sa nagsalita ako ng ibang lenggwahe. Nagtataka na siya ngayon at kinuha ko iyong pagkakataon para lingunin ang pinto ng kwarto. Lalo pa akong napaatras nang muli ko siyang harapin ay naglalabas na siya ng patalim galing sa kaniyang likuran.



“Please... don’t hurt me...” nakikiusap kong ani. Ngunit ganon na lang ang takot ko nang mabilis siyang lumapit sa akin dahilan para ituloy ko ang pagtakbo sa kwarto. Nadulas-dulas pa ang kamay ko sa pagpihit ng doorknob bago ko iyon tuluyang mabuksan!



Tumakbo agad ako sa loob ngunit sa kasamaang palad ay nakahabol ang kamay niya.

Naipit!



“Help!” hindi lang isa, bagkus ay paulit-ulit kong sinigaw ang iisang salitang iyon habang pilit na iniipit ang kamay niya. “Get out! Help! Please Help!!!!” mangiyak-ngiyak kong tinutulak ang pinto pero napakalakas niya kumpara sa maliit kong katawan!



Nawawalan ako ng pag-asa. Lalo pa akong naiyak nang makita ang cellphone ko na nasa bed side table.

Napakalayo niya!

Pinagpatuloy ko ang paghingi ng tulong hanggang sa tumahimik ang paligid. Paghagulgol ko na lang ang naririnig ko. Ngunit ang kamay ng tao sa labas ay naroon pa rin sa pagitan ng pinto. Hindi ko iyon magawang luwagan sa pagkakakapit!

Baka mamaya!

Mamaya ay paraan niya lang iyon para mapwersa niya ang pinto! Hindi ko kayang maging tanga sa pagkakataong ito!

Cassy baby, kailangan na kita!

Please tulungan moko!

Napaatras ako sa pinto nang marinig ang lagabog mula sa labas. Kasunod ng ingay na iyon ay ang pagpalahaw ng boses ng lalaki. Doon na ako nabuhayan ng loob at naiisip na si Cassy ang dumating. Pero laking gulat ko ng mabitawan ko ang pinto ay siyang pagbagsak ng putol na kamay ng kanina lang naipit.



“Oh my god...” nausal ko habang binubuksan ang pinto at marahang lumalayo. Hindi ako nagkamaling putol talaga ang kamay nito nang mahagip ng paningin ko ang bandang sala na nakahandusay na ang lalaki at hindi gumagalaw, sa tabi niya ay ang patalim na may bahid ng dugo... dugo niya lang ang posibleng mantsya no'n. Nagdurugo ng husto ang putol na kamay na pumasok sa kwarto kung nasaan ako.



Maagap akong lumabas takip ang bibig ko para sana hanapin si Cassy, pero hindi siya...

Walang Cassy sa paligid...

May babae...

Mula sa mata hanggang paa ay kulay itim ang kaniyang suot. Kung hindi ko pa mapapansin ang gintong kwintas na kumikinang sa leeg niya ay hindi magagawi ang tingin ko sa panloob niyang itim, maiksi, leather, at hinapit ang dibdib. Labas ang tiyan niya hanggang pusod. Pinakikita ang kakaibang hubog. Ang balakang at beywang na hindi maipagkakailang sa itim niyang pantalon, nanunukso pa din ang kurba. Hindi sapat ang hanggang binti niyang coat para itago ang makintab niyang boots na aabot sa kaniyang tuhod.

Napalunok ako nang lumingon siya sa gawi ko. Hindi ko lubos na makita ang mata niya kung sa akin ba nakatingin dahil sa itim na itim niyang salamin. Magtatanong pa sana ako pero hindi ko na naituloy nang makilala siya.

Swings Both WaysOnde histórias criam vida. Descubra agora