CHAPTER 39

7 0 0
                                    

SEAH







KUNOT-noo ko silang binalingan nang mapatapat na kami sa pinto ng bahay ni Kuya James. Pasiring kong iniwasang magsalubong ang paningin namin ni Cassy. Paano’y hindi ako naniniwalang nagpapaligaw talaga siya sa lalaki. Sa lahat ng lalaki ay si Cy pa. Yung kinaseselosan ko. Hindi ba halata? Halatang-halata na pinaglalaruan niya lang ako. Kaya nga hindi ako naniniwala kila Brent kanina ng sabihin sa akin.



“Hey, Princess!” Awtomatiko akong lumingon sa pinto. Bukod sa pagbukas ay umalingawngaw ang malaking boses ni Kuya. “Mommy told me about your friends... come in.” Inakbayan niya ang asawa papasok sa malawak na sala.



Kusa akong nagpatiuna sa pagpasok. Unang beses akong magharap sa mga kapatid ko ng kaibigan kaya nahihiya akong nanatili lang sa pwesto kong nakatayo kasama ang mga nahihiya ko ring kaibigan. Ngayon pa nahiya.



“If you need anything, you can call me.” Awtomatiko akong lumapit kay Kuya nang magsalita si Ate Arianna.



“No need, cognata. I’m glad enough that you let them in.” Nakangiti kong sabi. Naguguluhan man siya ay tumango na lang. Bumaling ako kay Kuya at maganda din naman ang ngiti.



“So, who is your boyfriend here?” nanlalaki ang mga mata kong nag-angat ng tingin sa kaniya, awtomatiko akong bumalik sa pagitan nila Andrew at Harmony. “Ang gagandang babae at lalaki naman ng mga kaibigan ng prinsesa namin...” Dagdag pa niya. Lalo akong kinabahan.



“Kuya, wala...” kamot ko ang ulong sumulyap sa mga kaibigan ko bago isa-isahing ituro at ipakilala.  “This is Kian and his wife Mia, Brent and his girlfriend Harmony—”



“Hah? Hindi noh! Hindi po, Kuya. Friends lang po kami...” natatarantang pinalo ni Harmony ang braso ko.



“Ayaw po niya sakin.” Pang-aasar pa ni Brent at lalong nainis naman itong babae at siya ang binalingan ng pagpalo. “Ayaw mo naman... talaga ah...” tatawa-tawang iniwasan ang hampas nito.



Pati tuloy si Kuya ay natawa hanggang sa makita kong mapunta ang tingin niya sa likod. Sila Aiah at Cy na lang ang naroon. Si Andrew at Harmony ang nasa kabilaang tabi ko. Sila Kian, Mia at Brent naman ang nasa likod namin. Sandaling napukaw din ang atensyon ni Ate Arianna sa tinitignan ng kaniyang asawa hanggang sa mamula ang mukha nito.



“Are you... ahm... a Filipino actor?” nauutal niyang tanong. Ang kausap ay walang iba kundi si Cyrus.



Mabilis kong naramdamang lumapit sila sa likod namin at hindi ako nakagalaw ng humiwalay sila Andrew at Harmony sa tabi ko dahilan para ako ang mapagitnaan nila Cassy at Cy.

Gago!

Ganito talaga!



“Yes, Misis...” natunugan ko ang kaba sa boses ni Cy ngunit prente pa ding ngumiti sa kabila ng nanginginig niyang boses. “Cyrus Vicente.” Hindi namin inaasahang lahat na biglang titili si Ate Arianna nang ilahad niya ang kamay dito. Saktong nilingon ko siya ay nagtama agad ang paningin namin. Nahihiya na sa namumulang mukha.



Nagtititili si Ate Arianna at hindi magkamayaw kung paano lilipat sa tabi ko para magpakuha ng litrato. Iiling-iling naman si Kuya na nanghingi agad ng paumanhin sa inasta ng asawa. Nang makuntento naman si Ate Arianna ay sabay-sabay kaming pinaupo sa mahabang sofa. Kasya na kaming walo, maluwag pa nga.



“Sabi ni mommy , magi-stay daw kayo dito?” naupo si Kuya at inalalayan ang asawa sa tabi niya. “I forgot... who is this pretty woman?” Napalingon ako sa tinuro niya sa kanan ko. Sa hanay kung saan ang mga kaibigan ko. Katapat lang nila.



Swings Both WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon