CHAPTER 7

10 0 0
                                    

SEAH







Natapos ang tatlong araw na shooting namin ni Amber para sa mga bagong design ng bikini. Hindi ako nagpaapekto sa mga titig ni Aiah. Hindi ko nga siya pinansin kahit magkasalubong kami. Sa lobby, sa pool, at kahit sa mini resto ng building. Nagkakaroon lang ng chance na malapitan siya dahil kay Calleb.

Panay na nga ang pang-aasar sa akin ni Brent kapag nagtatagpo din ang landas namin. Simula din kasi ng gabing iyon ay hindi ako masyadong sumasama sa kanila. Si Harmony at Amber lang madalas. Pero minsan ay si Amber lang. Nahihiya ako kay Harmony. Ewan ko ba kung bakit, pero parang hindi ko kaya na alam na nilang may nangyari sa amin ni Aiah. Si Aiah naman ay parang wala na naman sa kaniya ‘yon. Ako kasi ang nahihiya para sa sarili ko.

Am I able to have this feeling to the same gender as mine?

Parang hindi naman talaga ito normal tignan. Lalo na sa mata ng iba. Model pa man din ako, ano na lang ang sasabihin ng iba. Kung yung mga kaibigan namin ay tanggap na gano’n kami paano ako haharap sa iba na kailangan ko’ng tanggapin ang pangungutya nila.


“Kaibigan mo kami, Seah… dati pa naman naming alam na may gusto ka kay Aiah.” Naupo si Brent sa tabi ko. Hindi ko napansin ang pagsulpot niya. Nag-iisa lang ako sa dulo ng pool, habang yung iba naming kaibigan ay naroon sa kabila.


“Anong sabi mo?” takang tanong ko matapos maproseso ang sinabi niya.


“Nung highschool pa naming alam na may gusto ka kay Aiah…”  Kunot-noo ko siyang tinitigan. Hinahanap sa sinabi niya na tama ba ang narinig ko.


“What do you mean?”


“Nung camping sa highschool…”


Napaisip ako. Camping sa highshool? Alin don ang nagbigay sa kanila ng ideya na may gusto na ako noon pa kay Aiah? Wala akong maalala kaya nagtataka ko pa din siyang tinitigan. Nag-aabang na sa susunod niyang sasabihin.


“Diba iisang tent lang kayo-”


“Wait!” Dammit! Nung niyakap ko si Aiah sa loob ng tent namin? Kaming dalawa lang ang tao do’n eh. Kung si Harmony ang nakakita, sigurado naman akong wala siya do’n! Paanong… oh my god… nakakahiya yon! Dati pa nilang alam? “Nanilip kayo!” nag-iinit na ang mukha ko nang makatayo sa harap niya.


“Oo—I mean, hindi kami—I mean, kami nga… pero hindi naman silip na masama… si Harmony ang nakakita sa inyo, gusto lang niyang makita namin...” kamot ang ulo niyang nag-iwas ng tingin.


Halos kapain ko ang sariling dibdib para lang maramdaman na tumitibok pa ang puso ko sa loob. “Matagal niyo ng alam…” hindi pa din ako makapaniwalang maririnig ko yo’n. “Pero hindi niyo sakin sinabi?”


“Nababahala kasi kami na baka magalit ka samin.”


“Eh bakit si Aiah ang tinutukso niyo?”


“Nasabi ko na yung rason dati ah… kasi nga hindi ko siya nakikitaan na may gusto siyang lalaki. Kahit nga si Ian ay parang hindi niya papatulan, ganon lang ‘yon…”


“Nahihiya tuloy ako…” bumalik ako sa pagkakaupo sa tabi niya. Ibinaba ko ang aking paa sa maligamgam na tubig sa pool. Sinilip ko ang sarili sa repleksyon ng tubig. Naka-bikini pa din naman ako kahit gabi na paano nga’y ayokong dumaan sa pwesto nila Aiah.


“Psh! Bakit ka mahihiya. Masyado kang maganda para mahiya. Tanggapin mo ang sarili mo kasi kami tanggap na namin. Ikaw lang naman ang inaantay namin na ipakita mo sa iba kung sino ka talaga.”


Swings Both WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon