CHAPTER 25

5 0 0
                                    

SEAH








MANGIYAK-ngiyak akong humabol kahit pa bumabagal na ang takbo ko. Ngunit nang mamataan ko siyang pumasok sa isang eskinita ay hindi agad ako nakasunod. Parang hinigit na ako ng hangin palayo roon. Hindi na maganda ang pakiramdam ko kung tutuloy pa ako sa paghabol.

Pero hindi pwede! Sigurado akong wala ng gaya ng disenyo non doon sa mall. Hindi ko alam kung saan ako makakabili ng ganon.

Lakas loob kong hinugot ang tapang ko kahit na hindi ko alam kung meron ba. Sumunod ako doon at tinakbo din iyon ngunit hindi pa man ako nakakapasok sa mismong eskinitang pinasukan niya ay natigilan na ako. May babaeng nakatayo sa nakahandusay na katawan ng lalaki. Napaatras ako nang bigla siyang lumingon. Ngunit napukaw ang atensyon ko sa hawak niyang paper bag.



“Oh my god! My engagement ring!” nasapo ko ang sariling bibig. Gusto kong kunin na iyon kaso natatakot ako sa babaeng nasa dilim. Mas matangkad lang siya sa akin ng konti ayon sa tikas niya.



“Miss?” Napaatras ako nang humakbang siya palapit. “Don’t be scared... I heard you speak in tagalog.” Tumango ako ngunit patuloy ang pag-atras. “Wait... Miss. Wag ka ng aatras.” Huminto ako.



“Ahh!” ngunit mabilis akong tumalikod para tumakbo nang bigla niyang takbuhin ang direksyon ko. Umalingawngaw ng paulit-ulit ang busina ng mga sasakyan. Hindi ako magkandaugaga sa pag-atras kahit hindi ko alam kung may aatrasan ba ako sa mga sasakyang humaharurot sa direksyon ko.



“Miss, sabi ko ng wag kang tatakbo!” Nanginginig na ang kamay ko nang mahablot niya ako. Hinigit niya ako sa gilid ng kalsada. Sinapo agad niya ang balikat ko. “Miss... Miss?”



“S-sorry... h-hindi ko alam! Hindi ko na babawien yan! Sayo na lang yan, wag mo lang ako sasaktan!” para akong tangang nangangatal ang bibig ko at takot na takot.



“Miss, hindi mo ba ako narinig?” Natigilan ako nang marinig ang hinhin sa boses niya. At saka ko pa lang na-realize na nagsasalita siya ng tagalog. “I’m sorry, Miss... natakot kita, pero tumulong lang naman ako. Here. I’m sorry.” Tinitigan ko ang mukha niya. Pero nakatago sa face mask kaya tinanggap ko na lang ang paper bag.



Lumayo ako ng bitiwan niya. Doon ko lang Nakita ang suot niya. Katulad ng mga tao sa paligid. Kaso mas madumi ang suot niyang coat. Naka-t-shirt lang at pantalon na gaya ng normal na taga-rito. Madumi din ang puting rubber shoes niya.



“Ahh... sige, aalis na ako...” nag-angat ako ng tingin sa kaniya nang tumalikod na siya.



“Wait po... sorry po, I didn’t mean that.” Pagtukoy ko sa pagtingin sa kasuotan niya. Lumapit ako sa kaniya at hinarap siya. “Hindi pa po ako nakakapagpasalamat sa inyo.”



“It’s okay...” namamangha kong pinanood ang pagtatanggal niya ng face mask. Lumantad ang maliit at matangos niyang ilong, may kanipisang labi, at ang mababaw na magkabilaan niyang dimple. Bumagay sa kaniya ang mahaba niyang buhok bagaman nakapuyod. Bilugan ang mga mata at mahaba ang pilik.



Maganda siya at kakatwang parang pamilyar ang mukha niya. Pero ito ang unang beses na personal ko siyang makita. At sigurado akong hindi pa talaga.



“Salamat po pala... Ito po, inyo na lang.” Inabot ko ang isang paper bag na naglalaman ng Coat. “Pasensya na po ulit...”



“Thanks, hindi ko na tatanggihan ito... Magdadalawang linggo pa lang ako dito kaya wala pa akong pambili sa mga personal na bagay...” nakangiti niyang sinilip ang laman saka muling lumingon sa akin. “Ilang taon kana?”



Swings Both WaysKde žijí příběhy. Začni objevovat