CHAPTER 33

4 0 0
                                    

SEAH







KINABUKASAN.

Ang gandang umaga. Magandang Seah agad ang bumungad sa salamin ng banyo matapos kong maligo. Pasado ala-sais pa lang ng umaga, pero siguradong umalis na iyong si Shan. Pakiramdam ko ay ito na ang pinakamagandang umagang kinamulatan ko. Proud ako sa mga nangyari kagabi. Ako lahat yon eh!

Nagtungo ako sa vanity table nang makalabas ng banyo. Sandaling inayos ang damit at aking buhok bago dumulog sa kama kung saan mahimbing pang natutulog si Cassy baby. Ngunit akma ko na sanang hahalikan nang magmulat ito at ilayo agad ang mukha sa akin.



“Bakit?” nagtatampo kong tanong matapos takpan ang kaniyang bibig.



“Let me brush my teeth first...” maagap siyang tumayo higit-higit ang kumot na nagsisilbi niyang takip sa hubad na katawan.



“Maligo ka na din if you want... may clothes ako dito.” Sinabi ko iyon habang sexy'ng-sexy sa pagkakatagilid na higa. Kagat pa ang hintuturo at hinlalato na ginamit ko kagabi sa kanya. Natigilan siyang sandali at lumulunok na pumasok sa banyo.



Natatawa akong bumangon para sumunod sa kaniya sa loob kaso ni-lock niya. Ang husay, walang tunog... ngayon alam na niya yung feeling na kapag ayaw, hindi dapat ipilit.



“Cassy baby... ayaw mo akong papasukin?” kinatok ko ng mahina ang pinto.



“I’m taking  a bath...”



“May bubble bath ako d’yan, you can use it.”



“I’m on shower... sa condo ko na lang...”



Bahagya akong napaisip. May ginawa din siya sa akin sa shower noong nasa U.S kami. “Papasukin mo nga ako...” malambing kong ani.



“Baby... I’m taking a bath...”



“Let me give you a morning finger...” mahina akong natawa nang marinig ko siyang magmura mula sa loob. “Tongue if you want, I also wanna try.”



“Seah, please... have some mercy.”



Humagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. Lalo pa akong natawa nang mabilis lang siyang natapos sa paliligo, lumabas na naka-roba at agad na kumuha ng damit sa closet ko. Nakatalikod pang nagsuot ng damit pero hindi niya yata napansin ang salamin na malapit sa kaniya, kitang-kita ang repleksyon niya.

Nakagat ko ang sariling labi nang hindi manlang niya ako napansing  nakalapit. Nagkagulatan pa kami ng humarap siya. Namumula ang mukha. Parang kagabi lang. Ang ganda-ganda...



“Good morning, Cassy baby...” nag-iwas ako ng tingin sa hindi malamang kilig na bigla ko na lang naramdaman nang mabasa ang blangko niyang ekspresyon. Ganyan na ganyan ang unang Aiah Cassandra Salas na nagustuhan ko. Ibinalik niya ako sa panahong patay na patay pa ako sa kaniya dahil lang sa paraan ng pagtitig niya ngayon.



Anong iba, bakit parang blooming talaga siya. Tumitingkad ang mapusyaw niyang labi at ang maputing balat. Parang babasagin.



“Good morning, baby.” Tugon niya at hinalikan ako sa labi.



Kinabigla ko pa iyon! Paanong nangyari na parang kinikilig na naman ako sayo! Hala! Ang gago ah! Lalo ko yata siyang minamahal... hindi na ako magtataka dahil mahal ko naman talaga siya... pero bakit kinikilig ako! Wahhh!

My Cassy baby...

Epekto siguro ito nung ginawa ko sayo kagabi! Kaya kinikilig ako ng ganito! Pamatay ka talaga!



Swings Both WaysWhere stories live. Discover now