CHAPTER 28

6 0 0
                                    

SEAH







“THANK you, Officer.” Nakipagkamay si Cassy sa pulis na dumampot sa lalaking nakaitim.



Kinuwestiyon lang ako kanina pero siya lahat ang sumagot na akala mo’y narito siya. Pati ang putol na kamay ng lalaking nagtangka sa akin kanina ay kinuha din ng mga pulis ng hindi na nagtanong sa akin kung paano iyon nangyari. Dahil si Cassy ang lahat ng nagsalita. Naiwan akong tulala sa sala nang ihatid  niya ang mga iyon sa labas saka muling bumalik sa akin ng may nagtatanong na tingin. Puno ng pag-aalala ang mukha bago ako niyakap.



“Bakit hindi mo sa akin sinabi?” Maya-maya ay tanong niya habang hinahaplos ang likod ko. Pinapatahan na pala ako na siyang hindi ko namalayang pag-iyak. “I saw the CCTV footage across the street when you were almost got robbed... you should have told me, lalo na ang taong iyon ay pagala-galang nakatakas sa kulungan...”



“I’m sorry...” napahagulgol ako ng tuluyan. Siniksik ko pang lalo ang mukha ko sa leeg niya. “I’m sorry... C-Cassy baby... I’m really... sorry...”



“Wala kang kasalanan. Wala...”



Hindi...

Madami.

Malaki ang kasalanan ng mommy ko sayo... sa inyo ng kuya mo...

Kung hindi dahil kay mommy, hindi ka dapat nagtatrabaho kay Madison, hindi ka dapat nahirapang mabuhay noong bata ka pa, hindi ka dapat nagdusa nang mamatay ang mga magulang mo, wala ka dapat sa organisasyong tinutukoy mo... lahat ng iyon ay dahil kay mommy. Kung hindi dahil sa mommy ko ay makikilala ko pa sana ang future mother-in-law ko.

Napakalaking kasalanan yon...

Hindi ko alam kung mapapatawad mo ako kung malalaman mo iyon. Hindi ako sigurado kung mamahalin mo pa rin ako kapag nalaman mo ang nagawa ng nanay ko sayo. Yung nanay kong tanggap na tanggap ka para sa akin, pero siya pala ang may gawa kung bakit ka nasa ilalim ng ibang tao.

I’m so sorry...

I’m really sorry, Cassy baby...

I love you...

But I don’t know how to tell you...



“Baby?” Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Maingat akong tumayo para salubungin ang tingin niya. Nakangiti ang mapang-akit na labi.



“Cassy baby...” Kinusot ko ang aking mata. Iginala sa paligid ang paningin. Saka ko lang napagtantong nasa kwarto pala ako natulog.



“I prepared your breakfast...” marahan niyang ipinatong ang tray sa harap ko. “Breakfast in bed.”



“Thank you... nasaan ang sayo?” kapagkuwa’y tanong ko. Tahimik lang siyang naupo sa tabi ko habang naninigarilyo.



“Later after you eat...” ngumisi pa habang bumubuga.



Nakonsensya ako bigla. Hindi ko na lang muna pinansin ang presensya niya para makakain ng kaniyang hinanda. Pero kahit anong pilit ko ay talagang naaagaw niya ang atensyon ko. Mula sa kung paano siyang bumuga at hihithit saka titingin sa akin. Nang-aakit.

Ang tanong, naaakit nga ba ako? O nakokonsensya, dahil hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa sinabi ni Madison kagabi. Kailangan sabihin ko na iyon sa kaniya. Tama, hangga’t magkasama pa kami dito. Ngayon mismo. Napalunok pa ako bago humarap sa kaniya. Nagtama agad ang paningin namin at hindi ko inaasahang susunggaban niya ng halik ang labi ko!



Swings Both WaysWhere stories live. Discover now