CHAPTER 41

9 0 0
                                    

SEAH





“WHAT a wonderful bond...”

“Thanks, Sir.”

“Call me Kuya James, my Princess probably shy right now. Look at her.”

Nagulantang ako sa hagalpak na tawa ng mga tao sa paligid ko. Parang wala sa hapag-kainan. Ang iingay! Kunsabagay, si Kuya ang pasimuno. Ako na tahimik lang sa pagto-toppings ng cucumber and sliced tomato sa lettuce na kinakain ko habang ang mga ito ay tunugan ang mga bibig sa pagsasalita. Panay pakikipagkwentuhan si Kuya sa maiingay na kaibigan namin. Parang mga walang nginunguya. Hindi ko kaya yon. Sila lang na madadaldal ang kayang gawin ng sabay iyon at nagkakaunawaan pa.

“Seah,”

“Hmm?” muli akong tumuhog ng kamatis at pipino para ipalaman sa lettuce, saka kakainin. Nilingon ko si Andrew nang iharang niya ang tinidor na may lamang hiniwa sa maliit na steak. “Ano yan?” kunot noo ko’ng tanong.

“Here, taste some. Maawa ka naman sa halaman.” Nagtawanan ang mga nakarinig na malapit sa akin. Napanguso akong lumingon kay Harmony na dinunggol ang siko ko. Bago muling ibalik sa tinidor ng lalaking hindi pa din inaalis sa mukha ko. “Aaa...” inawang pa ang bibig na akala mo’y nagsusubo ng bata.

“Itigil mo ‘yan.” Pagbabanta ko at tinapik ang kamay niyang masyadong maligalig. Nagpatuloy ako sa pagkain ng gulay. Hindi ko pinansin ang mga nakatingin sa amin bagkus ay pina-slide ko sa lamesa ang mixed fruit palapit sa akin.

May iba’t-ibang prutas—mix nga eh. Hiniwa lang sa maninipis na paraan ang kiwi, strawberry, papaya, at banana. May ilan namang pa-cube lang. Kinain ko na lang ng hindi lumilingon kahit kanino. Tapos biglang papasok sa alaala ko na hinalikan ni Cy ang Cassy baby ko sa noo? Great! Nakakagana, huh! Ibig sabihin lang no'n, totoong nagpapaligaw siya.

Bakit hindi niya muna ako kinausap kung hiwalay na ba talaga kami at nagpaligaw na agad siya! Girlfriend ko pa din siya hanggang ngayon, dahil officially in-announce ko yon during the last year highschool reunion. Tama! Bakit hindi ko naisip yon!

Nabuhayan ako ng pag-asa. “Kuya, Excuse lang po. May tatawagan lang.” Tumayo ako at tinitigan sila isa-isa na may ngiti sa labi.

“You seems happy? My Princess... nililigawan ka ba ni Andrew?” nanunuksong inakbay ni Kuya ang kaniyang braso sa sandalan ng asawa saka bumulong at tumawa. “Even my wife telling you look good for each other...”

“Actually, Kuya. Dad preferred Kuya Andrew and Ate Seah to be engage someday but—”

“Shan!” Nagulat ako sa sarili kong boses. Kanina ay okay na ako bigla naman itong sisingit sa kumplikado dahil sa walang prenong bibig ng batang 'to! Hindi ko naman sinabi sa kaniya ang totoong dahilan kung bakit nagalit sa amin si Cassy para lang ipamukha niya iyon ng paulit-ulit. Sinabi lang namin iyon ni mommy, because he has to know about our past and what was really going on between me and my girlfriend.

“Why?” painosente! Bwisit! “Kuya, dapat kilala mo kung kanino unang na-in love si Ate... diba? Diba, Ate Harmony?”

“Yes!” isa pa ito. Nakipag-apir pa!

Batay sa mukha ni kuyang nanunukso at nagtataka sa sinasabi nila ay halatang wala pa siyang alam tungkol sa amin ni Cassy. Wala pang sinasabi si Cassy sa kaniya. Akala ko lang pala yung kanina.

“Sino ba yan..?” nahimigan ko ang pag-angat ng interes ni Kuya sa tinutukoy ni Shan.

“Sorry, Kuya. Mas importante ‘tong tatawagan ko... excuse...” nakangiti kong iniwasan ang tanong at hindi pa nga ako nakakalayo ay nag-dial na agad ako sa manager ko.

Swings Both WaysOù les histoires vivent. Découvrez maintenant