CHAPTER 6

15 1 0
                                    


SEAH






"Seah! Ang sexy mo!" Tili ni Harmony at dinumog ako ng yakap. "Kayong dalawa talaga 'yon eh!"

"We know right!" nakipag-apir ako kay Amber na namumula ang mukha.

"Pero ikaw kaya ang pinakapinanood do'n..." mas tuwang-tuwa pa sa akin si Amber gayong kapwa naman kaming tinilian at pinanood ng libre sa baba kanina.

Nag-iingay ang bawat madaanan naming pasilyo. Maliban kasi sa bunganga ni Harmony ay kinukuha din ang atensyon namin ng ilang mga madaanan. Nang makapasok sa aming kwarto ay muli na naman silang naghuhumiyaw habang pinupuntahan ang sofa. Tahimik akong kumuha ng bote ng beer.

This is a success! I know, Aiah saw my posing skills.

"Sigurado akong maglalaway sayo si Aiah!" pabagsak na naupo si Harmony sa mahabang sofa at nakangisi pang lumaghok sa bote ng beer.

"Do you think so?" wala sa sariling napangiti ako. Bigla ay umalingawngaw muli ang kinikiliting tili ng dalawa. Ngunit ang ipinagtataka ko ay bakit parang hindi manlang nagulat si Harmony na gano'n ang reaksyon ko?

"Makalaglag-panga kaya 'yung ginawa mo!"

"True!" Kalauna'y nag-cheers ang dalawa. Habang ako ay umawang ang bibig.

Hindi ba talaga magtataka si Harmony? Hindi ko nasasabi sa kaniya ang tungkol sa nararamdaman ko kay Aiah. Bakit parang expected niya na gano'n ang reaksyon ko? Halata ba ako? Masyado na ba akong nagiging gay sa harap niya?

Oh my God...

Umiiling ako para iwaksi ang anumang iniisip ko. I straighten my robe and drink another bottle of beer. Hindi ko maiwasan na alalahanin ang nangyari noong isang gabi. Pasimple ko'ng nakagat ang aking daliri. Sa mga oras na ito ay sinisigaw ng puso ko ang pangalan ni Aiah at masyadong nahahalata sa katawan ko na gusto ko na siyang makita ulit.

Sabay kaming magdi-dinner! Oo nga pala!

"Konti lang beer natin?" akma na akong tatayo ng marinig ang tanong ni Harmony. May limang bote ng beer ang nasa lamesitang kaharap namin.

"Ako na lang ang kukuha." Prisinta ko. Gusto ko lang naman talaga makita si Aiah, malamang ay makikita ko yun sa 'baba.

"Hindi na, ako na... magpahinga na lang kayo d'yan." Tumayo na siya at binitbit ang tatlong bote na wala ng laman. "Kila Brent naman ako kukuha."

"Wait! S-sama ako!" Natigilan kaming pareho ni Harmony matapos ang pagpi-prisinta din ni Amber. "Ahh... sige... ikaw na lang." nagbaba siya ng tingin. Ngunit kami ni Harmony ay nagkangitian lang.

"Sus! Ikaw ha! May hindi ka sinasabi sakin..." nanunuksong naupo si Harmony sa tabi niya kaya ako ay doon din sa kabila ni Amber pumwesto. "May crush ka kay Brent noh?"

"Meron..." natatawa ko'ng sinagot ang tanong na para kay Amber na naging mabilis niyang paglingon sa akin habang namumula ang mukha. "Come on, Amber... we're adults. Don't act like a teenage girl." Gusto ko'ng matawa sa sinabi ko'ng iyon. Gano'n din naman ako kay Aiah kamakailan lang.

"Ano ka ba!" tinapik ni Harmony ng mahina ang braso ng tikom na si Amber. "Close friend ko lang si Brent noh... he's my bestfriend since highschool." Huminto siya sandal at para bang may inaalala. "Nagkagusto ako sa kaniya... pero..." matagal at mabang bumuntong hininga pa. Doon pa lang nag-angat ng tingin si Amber. "Nagkagusto siya sa isang kaibigan ko eh... Inamin niya sa akin na gano'n nga, so I back off... kahit sinabi niya pa sa akin na matagal na 'yon at wala na siyang nararamdaman sa kaibigan namin, hindi ko na sinubukan." Gano'n na lang kapakla ang timpla sa kaniyang ngiti.

Swings Both WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon