Chapter 16

27 3 3
                                    

Forever Yours Chapter 16

(A/N Sorry Less Padama si Main Character Jen, syempre kailangan naman nating bigyan ng exposure yung ibang characters right? So ngayon #Yuuvis Moment muna tayo! Sino nakamiss? )

Yuuki's POV

"Dito kayong dalawa maglinis sa Library, bukod sa paglilinis ibalik niyo rin yung mga libro na nakakalat sa tamang shelves nila okay? Paki check nadin yung ibang shelves kung nasa tamang lagayan yung mga libro. Maiwan ko na kayo."sabi ni DT at umalis agad.

Si travis naman dumiretso sa gilid may mahabang table at humiga. HUMIGA?! Teka balak ba akong tulugan ng isang to?!

Linapitan ko siya at niyugyog.

"Hoy travis tulungan mo akong maglinis dito, aba't ang swerte mo naman kung ikaw patulog-tulog lang dyan habang ako naglilinis."-sabi ko sakanya st niyugyog -yugyog pa.

Nako, kahit may gusto ako sayo di naman ako papayag na ako lang maglinis, tamad kaya ako -__- at never pa akong pinaglinis sa mansyon namin.

Tinitigan ko lang siyang hindi magising kahit niyuyugyog ko siya.

Padabog ako tumalikod at umalis.

Kainis naman siya, wala pa akong balak tulungan napaka-ungentleman niya -___-

Napahinto ako sa paglalakad nang may maisip akong bagay.

Humarap ako sakanya.

I eviled smiled.

Di ka magising - gising? huh? Tignan natin kung hindi ka magising sa gagawin ko.

Kinuha ko yung kung ano mang mahawakan ko sa kanan at ibinato sakanya.

Boom sapul sa mukha. Bull's eye!

I eviled laughed.

Oh ano? Nagising kano? hahaha~

Grabe natatawa ako sa expression ng mukha niya.

Bigla kasi siyang napaupo pagkatama sa mukha niya ng malaking libro.

MALAKING LIBRO?! Oh no!

Napahawak ako sa bibig ko at pinigilan tumawa.

Seryoso kasi siyang nakatingin sakin habang nakakunot pa ang noo.

Diko naman kasi alam na makapal yung nahawakan ko e, kala ko maliit lang kaya pala medyo mabigat.

"Um diko sinasadya?"sabi ko sakanya habang nakayuko.

Grabe nakakahiya tudamax ituuu.

Magalit kaya siya sakin?

Ma-turn off?

Ang tanga mo naman yuuki! Paano na ang pagibig mo sakanya?

Tama nga ang kasabihang maka-sampung beses isipin bago gawin.

Pagkatingin ko sakanya hindi na siya seryoso at nakakunot ang noong tingin sakin kundi nakangisi at may hawak yung libro.

Oh no.. I smell something na di maganda..

Bago pa ako matamaan pagkabato niya umilag agad ako.

Aba kala niya ah! Alam ko nang iniisip niya!

Pagkailag ko tumingin ulit ako sakanya at tumawa.

"Duling kaba? haha di ako natam-"

*Boog

Napahawak ako sa noo ko.

"Aww."-sabi ko at hinimas - himas yung noo ko.

"Okay ka lang ba?"tanong niya. Nanlaki nman ang mga mata ko nasa harapan ko na kasi agad siya.

Sinamaan ko naman siya tingin nang maalala kong binato niya ako.

Meron pa pala kasi siyang pangalawang ibabato! Grabe di manlang nagsabi at di pa ako handa! Madaya yun ah!

"Ikaw! Bat mo ginawa yun?"sigaw ko naman sakanya.

Ang hapdi lang ng noo ko -__-

Pakiramdam ko may maliit na cut sa noo ko.

I pouted. Kainis naman e ni hindi nga ako nagpapakagat sa lamot e.

Namula naman ako nang makitang nakatitig siya sa Mata? no.

Ilong? no. Lips?Yes.

Waaah!

Napaiwas ako ng tingin sakanya. Sheteng malupit! Baka makita niya akong namumula. Iihhhh. Im shy hihi.

Mas lalo nman akong namula sa sunod niya ginawa.

Hinawakan niya yung mukha ko at inilapit sakanya.

Shems, ito naba? Ang katuparan ng matagal ko nang hinihiling at mga panaginip ko mahalikan niya ako?!!!

Medyo nadismaya naman ako pero natuwa sa sunod niyang ginawa.

Nilapit niya kasi yung mukha ko sakanya para ihipan ang sugat ko sa noo.

Nadismaya ako kasi di naman niya pala ako hahalikan, Natuwa kasi ang sweet ng ginawa niya.

Napangiti ako. Kahit naman pala hindi nagkatotoo yung dreams ko na mahalikan niya ako may maganda namang nangyari.

"Masakit paba?"nagaalalang tanong niya habang hinihipan yung sugat ko.

Umiling nalang ako. Sa ngayon kasi speechless pa ako sa ginagawa niya at di makapaniwalang gagawin niya ito.

"Sorry."sabi niya habang hinihipan parin ang sugat ko.

Napangiti ako lalo, narealize kong worth it rin pala ang pagko-community service namin.

---Nakapag-update nadin! :)

Salamat pala sa mga nagsasabing maganda yung story ko at magupdate na daw ako haha kahit alam ko namang binobola niyo lang naman ako. Peace ^_^V.

Nagustuhan niyo ba yung #Yuuvis Moments?

Sa next Chapter #Jensky Moments namaaaan! :D

Hope you enjoy Reading this Story.

Please vote and Comment!

Forever YoursWhere stories live. Discover now