Chapter 14

16 5 0
                                    

Forever Yours Chapter 14

Ae's POV

Umiling -iling nalang ako nung umalis si Yuuki.

Selos lang ata yung dun sa kausap ni Travis na babae.

Sa bagay sino ba namang di magseselos e yung travis na kilala namin. Tahimik, seryoso, no reaction lagi tapos misteryoso tapos ngayon parang biglang nagbago ang ihip ng hangin at ngumingiti si Travis sa kausap niyang babae? Sino naman kaya yun.

Napatayo ako sa upuan nang may marealize ako.

Teka iniwan nila ako ah! Si Jen kasama si Sky, ngayon nman si Yuuki nag-cutting abay dapat sinama na niya ako!

Nagulat naman ako nang may pumulupot sa bewang ko na kamay.

Pagkatingin ko yung mokong at nakangiting tagumpay pa, ang creepy lang ah. Abat kinindatan pa ako! Kala mo naman makukuha niya ako sa pakindat- kindat niya!

"Baka gusto mong tusukin ko yang mga mata mo? BITAW nga!"sigaw ko sakanya sabay alis ng mga kamay niyang nakapulupot.

Lumabas na ako ng room, hahanapin ko si yuuki ayoko ngang magisa! At mas lalong ayaw kong kasama yung RYAN na yun.

Patuloy lang ako sa paglalakad nang may humawak sa balikat ko at pinigilan ako. Pagkatingin ko si Ryan na hingal na hingal at pawisan pa!

Teka anong nangyari dito?

Parang kanina lang kausap ko to tapos ang ayos pa ng mukha.

"Anong nangyari sayo?"tanong ko at inalalayan pa siyang umupo sa bench.

Naghabol muna siya ng hininga bago magsalita.

"Hi...ka..w. ... K.aass..ssi.."sabi niya at hingal na hingal pa.

"Teka nga wag ka munang magsalita."sabi ko at kinuha yung tubig ko sa bag at binigay sakanya.

"Oh, uminom ka muna. May sakit kaba? "nagaalalang tanong ko sakanya. Ang bilis niya naman kasing hingalin.

Ininom naman niya agad yung tubig pagkatapos ay ngumiti sakin.

"Ayos na ako."sabi niya na abot tenga ang ngiti.

Kumunot ang noo ko.

"Pinaglololoko mo ba ako?"tanong ko sakanya habang nakataas ang kilay. Kanina kasi mukhang hingal na hingal at hindi okey tas biglang umayos?!

"Hindi ah! Seryoso ako sayo noon paman! Kailanma'y diko magagawang lokohin ka!"sagot niya naman at seryosong diretsong titig niya sakin.

Napaiwas naman ako ng tingin.

Umiinit yung pisngi ko sa sinabi niya, hindi nman kasi yun ang ibig kong sabihin eh!

"Ewan ko sayo!"sabi ko nalang at tumayo na at nagsimulang maglakad palayo sakanya.

"Oy teka lang naman! Ang bilis mo kasing maglakad e. Hinay - hinay lang naman."-sabi nman ni Ryan at hinabol pa ako.

Binagalan ko nalang yung lakad ko at sumabay sakanya. Tch.

Forever YoursWhere stories live. Discover now