Chapter 10

30 8 0
                                    

Forever Yours
Chapter 10

Enjoy Reading! :)

Sky's POV

*SCREEEEECHH

"Sh*t! sh*t! Huminahon kanga muna Jen! Ako nalang magda-drive!"sabi ko sakanya pero nagpumilit parin siyang mag-drive.

Nasa kalagitnaan kami ng road nang biglaan niyan ihinto yung sasakyan, buti naman din nahinto niya pa dahil muntikan na siya makabangga at ang bilis niyang magpatakbo! Halos paliparin nanga niya yung sasakyan e.

I sighed in relief. Muntikan na talaga kaming mabangga!

"Hindi!Kailangan nating makarating dun agad!"naghi-hysterical niyang sabi.

Diko alam pero simula kaninang nakatanggap siya ng call sa Party at nagmamadaling lumabas naging ganyan na siya na para bang may bumabagabag sakanya.

Hinawakan ko siya sa balikat at hinarap sakin.

"Tignan mo ako sa mata."-mahinahon kong sabi sakanya. Ginawa naman agad niya ito.

"Huminahon ka muna okay? ako muna magda-drive pag maayos kana papayagan na kitang ikaw na mag-drive. Okay?"mahinahon kong sabi.

Bumuntunghinga naman siya at nakipagpalit na ng seat.

"San tayo?"tanong ko sakanya na ngayon ay kumalma na medyo pero mukha siyang Wasted, wala sa sarili.

"Sa batangas."-sagot niya at sumandal at pumikit.

Nagulat naman ako.
Seryoso ba siya? Anlayo nun.

"Okay ako na bahala. Kumalma kana muna diyan okay?"sabi ko nalang at nagsimula na mag-drive nagbubusina na kasi kami ng mga nasa likuran namin.

Hindi ko alam kung anong iniisip niya at kung anong nangyayari sakanya pero isa lang ang nasa isip ko ngayon, mabigat ang dinadala niya ngayon at ayaw kong nakikita siyang ganyan.
-----

Nakatating kami sa isang malaking bahay. Mali, mansyon ang right word dahil napakalaki nito.

Aakmang lalabas na sana si Jen ng kotse nang pinigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa braso kaya napaupo ulit siya.

"Bitiwan mo ko!"sigaw niya habang nagpupumiglas sakin.

Nagtaka naman ako. Kanina kasi kalmado na siya sa byahe tas nung nakarating na kami dito bigla na namang nagbago yung mood niya.

"Kumalma ka nga Jen. Ano bang nangyayare? "nagaalala kong tanong saknya pero hindi lang siya naimik.

"Sorry po sir pero bawal po talaga kayo pumasok."

"ANO BANG PINAGSASASABI NIYO? YUNG ASAWA KO ANDYAN!"

"Pero sir bawal nga kayo! Mahigpit na pinagbawalan kami ni Maam Jen na wag kayong papasukin!"

"Yung Batang yun talaga! Walang utang na loob!"

Napatingin ako sa isang lalaking nanggugulo na mga nasa age 40 na ata.

Nagulat ako nang biglang kagatin ni Jen yung kamay ko dahilan para mapabitaw ako sakanya at makawala siya. Dali-dali naman siyang lumabas ng kotse at lumapit doon.

Jen's POV

Dali-dali akong lumapit sakanya at hinarap.

"Walang utang na loob?! tinutukoy mo ba ang sarili mo ha?! At ang kapal mo ring pumunta pa dito sa pamamahay ko?! Bakit? Anong kailangan mo?! Pagkatapos ng ginawa mo samin?! NA HALOS PATAYIN MO NA SI MOMMY?! G*GO! "sigaw ko sakanya na halos buong lakas ng boses ko ay nagamit ko na.
Naiinis ako. No, NANGGIGIGIL is the right word. Mixed emotions, Galit, inis, gigil.

"M-maam Jen."-nagaalalang tawag sakin ni Yaya Percy habang lumalapit sa akin.

Pumikit ako at sinubukang kontrolin ang sarili ko.

Hindi ako galit kundi GALIT NA GALIT SA WALANGHIYA KONG AMA NA ANG LAKAS NG LOOB NA MAGPAKITA PA NGAYON!

May humawak sa kamay ko, pagkatingin ko si Sky pala ito.

Nagtaka naman ako nang iharang niya yung sarili niya sakin, bale nasa likuran niya ako na parang pinoprotektahan ako.

Hinigpitan niya yung pagkakahawak sa kamay ko. Diko alam pero i feel warmth, na yung init na yun ang nakakapagpakalma sakin.

"Umalis kana lang po at wag nang magpapakita para maiwasan na ang gulo."matapang na sabi ni Sky sa Walanghiya kong ama.

"Sky.."-bulong ko sakanya. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa. Pakimdam ko secured ako ngayon, dahil sakanya, feeling ko wala na akong dapat alalahanin dahil nandyan siya.

Pakiramdam ko, isa siyang knight na nagtatanggol sakin na kahit hindi niya kilala yung kaharap niya pinagtatanggol niya ako, na siya yung nagpapakalma sakin kahit na mismong sarili ko hindi ko mapakalma.

"At sino ka naman at nangengeelam ka?! Boyfriend kaba ng anak ko? Bigyan mo nman ako ng pera pangsugal."sabi naman ng walanghiya kong ama na ikinapanting ng mga tenga ko.

Wala na talaga siyang sinasanto! Pati ba naman si Sky? Pe -perahan niya?!

"At ang kapal din ng muk-"hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi hinigpitan ni Sky yung pagkakahawak sa kamay ko na pinapakalma ako at parang sinasabing siya na ang bahala.

"Kung hindi ka aalis, wala akong choice kundi tumawag ng pulis."sabi naman niya naman na dahilan ng pagkagulat sa mukha ng walanghiya kong tatay.
Masama ang tingin nitong nakatingin samin bago walang nagawang umalis.

I sighed in relief.

Buti umalis na sya, hindi ko alam kung anong mangyayare sakin at kung anong magagawa ko kung sakaling nagtagal pa siya.

Humarap sakin si Sky at hinawakan ako sa balikat.

"Dont worry wala na siya. Okey na."-sabi niya at niyakap ako.

Pumikit ako at niyakap narin siya.

I felt secured.

"Dont worry im always here for you."

Forever YoursWhere stories live. Discover now