Chapter 15

20 5 0
                                    

Forever Yours Chapter 15

Yuuki's POV

"MY GHAD! ANDAMI NIYONG VIOLATIONS!"sigaw samin nang Detention Teacher na tawagin nalang natin sa pangalang DT for short.

Sabay -sabay naming tinakpan nila Jen at Ae yung mga tenga namin.

Bat ganun yung mga DT? Kung magsalita makabasag pinggan? Buti nalang talaga hindi mabasag - basag yung salamin na nasa harap niya.

Lalo namang sumana yung tingin samin nung DT,kaya tinanggal agad namin yung mga kamay namin. Yung tatlong lalaki naman sa harap namin NR Lang. No Reaction lang.

Tss. Lagi naman siyang No Reaction e, pero dun sa babaeng kausap niya kala mo hindi si siya yun. Ang tinutukoy ko ay si Travis. Kasama namin kasi si Travis, Sky at ryan sa Detention Room. Anim kami ni Jen at Ae.

Diko nga alam kung sinong nagsumbong na nag-cutting ako. Tapos etong si Ae ay sinundan pala ako na sinundan ni Ryan kaya cutting din sila. Eh sila Sky at Jen cutting na talaga sila simula nung Break pa nung hinila ni Sky si Jen.

At sa kasamaang palad nahuli din sila. Ako naman nag-yoyosi sa likod ng building. Oo naninigarilyo ako, hindi naman kasi ako perpekto may mga sides din akong di maganda at naninigarilyo lang ako thrice a day.

Tapos yun nakita ako nila ae at ryan na magkasama at naki-hits si Ae sa yosi ko na hindi naman pinayagan ni Ryan pero wala itong nagawa tas yun biglang hinuli kami nung Teacher. Sa pagkakaalam ko nga e walang nadaan sa likod ng building kaya hinala ko may nagsumbong e. Pagkadating naman namin nila Ryan at ae sa Detention andun na sina Jen,Sky at Travis at eto nanga sinesermunan na kami ni DT.

"Meron kayong 3 days community service! "sabi naman ni DT na hindi namin sinangayunan lahat.

E kasi naman nu, paano kami sasangayon e makalat lahat ng estudyante dito! E halos parang basurahan nanga tong University e kasi tapon dito tapon doon mga estudyante e mas marami pangang nagtatrabahong tagalinis dito kaysa mga prof eh!

"Aangal pa kayo? Baka gusto niyong dagdagan ko pa at gawing 5 days pa yun?!"nakasimangot naman nitong sabi kaya napa -oo nalang kami nang wala sa oras.

Hayys.

Ae's POV

"Ayun pa kalat oh! "sabi ko kay Ryan sabay turo dun sa kalat sa dulo. Pumunta naman agad siya dun at pinulot yung tuyong dahon.

"Ayun pa!"sabi ko naman sabay turo sa kalat at pinulot niya ulit to.

Paulit - ulit lang ang nangyare pero hindi manlang siya nagrereklamo at sinusunod lang ako. Ako naman seating pretty sa may bench dito habang si Ryan nagkakandahirap na maglinis magisa sa soccer field.

Yeah soccer field at syempre kapag sinabing soccer field ay malaki kaya meaning madami pa siyang lilinisin.

Hindi ko nman gustong tumunganga lang e, siya kasi e. Ganto kasi yun...

*Flashback

"Dito kayong dalawa maglilinis. Kailangan matapos niyo na yan by the end pf the day."sabi ni DT at iniwan na kami sa soccer field. Ako naman ilang parin kay Ryan dahil dun sa sinabi niyang seryoso siya sakin at hindi niya magagawang lokohin ako.

Nakita ko sa peripheral vision ko na papalapit siya sakin kaya kinabahan ako. Ano bang dapat gawin at sabihin ko?

Yumuko nalang ako nang makitang nasa harapan ko na siya.

Hinawakan niya ako sa balikat.

"Totoo yung sinabi ko sayo at papatunayan ko yun Ae."seryosong sabi niya na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

Ayan na naman siya sa pagiging seryoso niya, kinakabahan tuloy ako.

Pinaupo niya ako sa bench sa gilid.

"Umupo ka lang dyan at ako na bahala sa paglilinis, ayaw kong nakikita kang nahihirapan at napapagod. Ako dapat ang gumawa nito. Tsaka para narin mapatunayan ko na seryoso ako."-sabi niya at nagsimula nang magpulot ng basura.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Haller? anlaki kaya ng soccer field!

Aakmang tutulungan ko na siya nang biglang lumapit siya at pinaupo ulit ako.

"Ays sabi nang umupo kana lang dyan e. Kulit mo talaga."sabi niya at kinurot pa yung pisngi ko.

Feeling ko namula ako sa ginawa niya.

"H-hoy madumi yung kamay mo!"sigaw ko naman sakanya at iniwas ang tingin baka makita niya kasi ang namumula kong pisngi at baka lumaki pa ang ulo nito.

"Ay oo nga pala hehe. Basta dyan kanalang okay? Ako na bahala dito girlfie."sabi niya at Nagpahabol pa siya ng kindat bago magpulot ulit.

Napailing nalang ako.

*End of flashback

Naawa naman daw ako sa itsura niya. Pawis na pawis na at mukhang pagod na pero marami narin naman siyang nagawa at patapos na.

"Hoy bakulaw!"tawag ko sa sakanya.

Tumingin naman agad siya kaya nagsign ako na lumapit siya na agad naman niyang ginawa.

"Bakit girlfie?"tanong niya kaya binatukan ko siya.

Tawagin ba naman daw akong girlfie?

"Upo."sabi ko sakanya at tinuro yung space sa tabi ko.

Nagtataka naman siyang umupo sa tabi ko.

"Hays alam mo, hindi naman masamang magpahinga no? tignan mo ikaw ang pangit -pangit mo na mukha kanang gusgusin."sabi ko naman sakanya habang pinupunasan siya sa mukha.

Pawis na pawis kasi buti nalang may dala ako laging two towels sa bag. Medyo pawisin kasi ako.

"Talikod ka, pupunasan kita."-sabi ko at tinalikod siya.

Inabutan ko siya ng tubig at pinunasan na ang likod niya pagkatapos ay nilagyan ng towel ang likod niya.

"Wag ka ngang magpapatuyo ng pawis! Pag ikaw nagkasakit sabihin mo kasalanan ko pa. Kokonsesyahin mo pa ako!"masungit kong sabi sakanya habang nakatingin sa gilid.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nakangiting tagumpay siya.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?"sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

"Thank you sa pagaalala Girlfie."sabi naman niya na nakapagpamula sakin. Umiwas ako ng tingin.

"A-anong n-nagaalala ka diyan?! "nauutal ko sabi skanya.

Sh*t bat ba ako nauutal?!

"Asus deny pa. Sige nanga kunware di ko alam."-sabi niya at tumawa -tawa pa.

"Che!"sabi ko nalang at nagcross arms.

---

Nagustuhan niyo ba ang moment ng 'AEYAN Lovers?

Ae + Ryan = AEYAN :]

VOTE & COMMENT PO :))

Forever YoursWhere stories live. Discover now