Chapter 20

18 1 0
                                    

Forever Yours Chapter 20

(a/n Happy 20 Chapters! Enjoy Reading! :] )

Ae's POV

Parang may malakas na bagyo ang dumating sa room nang dumating yung dalawa. Ang tinutukoy ko ay si Sky at Jen. Parang may mga kidlat na nabubuo pag nagkakatinginan sila.

Kami naman nanunuod lang at di makapagsalita at imik,  maski yung ibang may mga gusto kay Sky wala ding imik.

Bumalik na uli si sky kung saan siya nakaupo talaga which is sa tabi ni Jen kaya mas lalong tumitindi yung kidlat sa pagitan nila.

Pag tinignan mo silang dalawa mararamdaman mo agad na may itim na aura sakanila kaya walang lumalapit.

Nagtaka naman ako, bat ba anong nangyari? Samantalang kanina andaming plano ni Jen kung paano hihingi ng tawad kay sky tas ngayon magkaaway na sila?

Napailing nalang ako at lumapit sakanila. Lumapit naman sakin si Ryan at tumabi.

"Anong ginagawa mo dito?"mataray ko na tanong sakanya.

"Pinoprotektahan ka, mamaya kung anong gawin sayo ng dalawang yan alam mo namang may itim na aura sakanila e."-sabi naman sakin ng diretso ni Ryan na ikinamula ko.

Umiwas nalang ako ng tingin sakanya.

"Che! Lumayas kanga!"sabi ko at tinulak siya palayo. Pero tumabi parin siya sakin, hinayaan ko nalang.

Humarap na ako sakanila sky at Jen.

"Hoy pupunta tayo ngayong library at gagawin yung documentary. Kayong dalawa pumunta kayo, wala nanga kayo nung party kaya kailangan pumunta kayo ngayon. OK?!"nakapamewang kong sabi sakanila.

Bigla naman silang humarap sakin at masasabi kong ang creepy nila! :O para kasing pag tinignan ka nila matatakot ka talaga sa sobrang sama nila tumingin.

Hinila ko nman si Ryan na nasa tabi ko at hinarang sa harap ko. Narinig ko namang natawa siya kaya kinurot ko siya sa tagiliran.

"Aray naman girlfie! Ang sadista mo naman!"reklamo naman ni Ryan.

Diko nalang siya pinansin at sumilip sa gilid ni Ryan patingin kila Sky at Jen na nakatingin parin sakin ng nakakatakot.

"W-wag nga k-kayong tumingin sakin ng ganyan! "sigaw ko naman at nagtago ulit sa likod ni Ryan.

Tumawa naman si ryan sa harap ko tsk.

"Hoy, takutin niyo panga si Girlfie baka mamaya hindi lang kasi siya magtago sa likod e at yakapin pa niya ako."sabi naman ni Ryan at bigla akong nilabas sa pagkakatago at inakbayan.

Ang kapal talaga ng mukha nito!

*PAAK

Inapakan ko lang naman siya sa paa! Ang kapal niya kasi.

Tsk.

"Aray Girlfie! Ang sakit mo namang magmahal!"-Ryan

"Mahal your face!"-ako

Umalis na ako at bumalik sa upuan.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon