Chapter 4

34 8 0
                                    

Forever Yours Chapter 4
Enjoy reading! :)

Jen's POV

"Sky, binake ko ito para sayo."sabi nang isang babae at inabot kay sky yung isang box na may ribbons.

"Hindi ko yan tatanggapin kaya umalis kana."sabi naman ni sky na ikinatakbo ng babae palabas.

Nalisik naman ang mga mata kong tumingin sakanya.

Its already one week at sa one week nayun parati akong may nakikitang babaeng pinapaiyak niya! Walang araw at oras ang nakalipas na wala siyang nirereject, pinapaiyak na babae. He's a totally HEARTBREAKER! Asshole! Jerk!

Bakit di nalang niya tanggapin yung box at magpasalamat?! Pinaghirapan yung i-bake tapos hindi lang niya tatanggapin?!

I really hate him!

Yung katabi ko nga palang lalaki slash nang-agaw ng upuan ni Ae slash yung nagpapaiyak nang mga babae ay nagngangalang SKY. Ang ganda na sana nang pangalan demonyo naman ang ugali. Akala ko nung una Prince ang pangalan niya dahil yun ang tawag sakanta ng mga kababaihan dito, they treat him like a prince which is hindi niya naman deserve kasi lagi siyang nagpapaiyak ng babae. Buti nalang talaga hindi prince pangalan niya dahil hindi bagay sa isang katulad niyang heartbreaker, ni hindi ko alam kung bakit ganun parin siya ituring ng iba kahit heartbreaker siya kung ako sila hindi ko na to magugustuhan dahil wala namang kagusto-gusto sakanya. Oo, aaminin ko gwapo siya. Di naman kasi ako impokrita para sabihing hindi siya gwapo kahit gwapo naman siya pero hindi parin yun dahilan para magpaiyak siya ng babae.

I rolled my eyes.

Buti nalang may pumasok na teacher bago ko pa gyerahin tong lalaking to, pag talagang di ako makapagpigil.. Haist ewan ko nalang.

"By the way class may New Classmate pala kayo. Na-Late lang siya nang pasok kasi nagkasakit."-sabi naman ni Maam Torres at sumenyas na pumasok.

May pumasok na isang lalaking may benda pa yung right hand.
Matangkad ito at dark brown ang buhok, matangos ito, at mukhang misteryoso. Seryoso lang yung mukha niya at nakapoker face na pumasok.

"Introduce yourself Mister Villafuente."sabi naman ni Maam sakanya.

"Im Travis Lake Villafuente."pagpapakilala nito.

Siniko-siko naman ako ni Yuuki.

Problema neto?

"Omygod,omygod."bulong ni Yuuki.

Tinignan ko siya at di siya mapakali sa upuan niya. Nakatitig lang siya sa bagong lalaki at mukhang shock at sobrang namumula ang mukha niya.

Mukhang alam ko na kung bakit nagkakaganito ito. Ito ata yung tinutukoy niya nung isang araw na na Love at first sight siya.

"Owem What happen to his hand?! Kailangan ko na bang magtake ng ibang course? Na nurse? Para ako na ang magaalaga sakanya."sabi naman ni Yuuki nang mahina.

Napailing nalang ako. Anlakas naman nang tama neto dun kay Travis.

Nagtaka naman ako nang kumapit sa braso ko si Yuuki at kinakabahang tumingin sakin.

"Magkakaheart attack na ata ako Jen."seryoso niyang sabi kaya natawa ako. Kala ko naman kung ano at yung expression niya pa nung sabihin yun grabe matatawa ka talaga para kasi siyang naiihi na ewan.

"Um, tell something about yourself Mister Villafuente."-sabi naman ni Maam Torres.

"I love ballad songs."maikli namang sagot nito.

"Omy, mahilig pala siya sa Ballad. Makasearch nga ng mga kantang ganun."bulong naman ni Yuuki.

"Okay you may now. Take your seat Mister Villafuente."sabi ni maam.

Umikot naman yung tingin niya at mukhang naghahanap ng upuan.

Nagtaas naman si Ae ng kamay na ikinakaba ni Yuuki. Mukhang alam ko na ang nasa isip niya.

"Yes Miss Vallero? "tanong ni maam.

Tumingin naman ako nang nakakaloko kay Yuuki.

"Maam sa harap dito nalang po siya umupo!"sabi naman ni ae na nakapagpamutla kay Yuuki.

Haha Epic. Mukha siyang Nagpapanic at di mapakali sa upuan. Nagmakaawa naman siyang tumingin sakin pero binelatan ko lang siya.

Kinagat ko naman yung lower lip ko para magpigil ng tawa kasi halatang nagpapanic na siya kasi nga ganto ang seating arrangement namin.

Bintana - Sky - Ako - Yuuki - Ae

So ang kalabasan kapag dun umupo si Travis ( yung lalaking gusto ni Yuuki ) ay magiging katabi na ni Yuuki ito.

"Sa harap nalang po ako ni Jen uupo!"sabi naman ni Ae at dali- daling lumipat ng upuan kaya doon na umupo si Travis.

Kitang - kita ko naman ang pamumula ni Yuuki at pagiging concious sa sarili.

Tumingin ako sa left side ko kasi hindi ko na talaga mapigilan ang matawa.

Tinakpan ko yung bibig ko ng dalawa kong kamay at tumawa pero nawala yung tawa ko nang mapansing nakatitig sakin si sky.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Tinitingin - tingin mo?"pagtataray ko sakanya.

"Masama?"mataray niya namang sagot.

Layo ng sagot niya -___-

"Oo masama kasi ikaw yung tumitingin che!"sabi ko at tumingin nalang sa harap.
Sinisira niya yung araw ko.

Tumingin naman ako kay yuuki na hindi makagalaw sa inuupuan niya epic!

Tumingin naman ako kay Ae na ngayon ay nasa harap ko na at nakipag-apir sakanya.

Sky's POV

"Hoy Sky lalim ng iniisip natin ah? Bagay ba yan?"-tanong ni Ryan na tropa ko.

"Hindi."sagot ko naman.

"Family?"hula niya naman.

"Nope."sagot ko.

Nanlaki yung mga mata niya.

"Dont tell me babae yan Bro?! "-gulat na gulat na sabi ni Ryan. At mukhang di pa makapaniwala

Napatingin naman agad ako sakanya.

"so totoo nga?! SINO?"curious niyang tanong.

"Si Jen. Kilala mo ba siya? Yung seatmate ko?"tanong ko sakanya.

Tumingin naman siya sakin ng nakakaloko.

" May gusto ka dun no?"nangaasar na sabi ni Ryan.

"Nah."sabi ko at napangiti nalang out of nowhere naalala ko kasi yung pagpipigil niya tumawa kanina tsaka yung tumawa siya kanina na nakatakip pa yung dalawang kamay sa bibig niya,ewan ko ba pero napapangiti ako. Ang cute niya lang tignan.

"Iba na yan Pre! Pangiti -ngiti kana at hoy! First time mo ata na makapansin nang babae! Never mo silang pinansin at take note pinagkwentuhan pa natin ah? Alam mo namang binabalewala mo lang yung mga babae kahit lagi silang umaaligid sayo pero eto? e hindi naman siya isa sa umaaligid sayo ah? pero napansin mo siya."-mahabang script naman ni Ryan na sinabi sakin.

Tumalikod nalang ako at umalis. Bahala siya dyan.

----

So anong masasabi niyo?
Shettt! Ang cute daw ni Jen sabi mi Sky im so kinikilig hihi ^___^

Anyway thanks pala sa mga nagbabasa ng story na ito although konti palang kayo :) tiwala lang dadami din kayo XD kung may Suggestions kayo just comment lang :)

VOTE & COMMENT :)
Follow me in my accounts :
Queyzi_irene
JaneIreneTeano

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon